Revenge 31

185 9 0
                                    

Chapter 31

HOW many times I sighed? Hirap ko nang bilangin. Ilang beses narin ba akong natatakot na magsabi ng kung anong salita sa kaniya. Aakalain mo yun? Ako na masungit at napaka seryoso kung tumingin ay matatakot at kakabahan ngayon dahil lang sa ganoong hindi ko pagsabi sakaniya?

I'm so useless.

Tumila na ang ulan. Maliwanag narin ang kalangitan kaya nasa labas ulit ako. At kasama ko narin ngayon si Kiro sa labas.

Nasa pinakadulo kami ng mga punong malalaki habang nakaupo ako sa de-kahoy na duyan na pang isahan lang. Si Kiro naman ay nakahawak lang sa laylayan ng duyan. Hindi ito umaandar at nakahinto lang ako sa pagkasakay.

Mukang wala talagang gustong magsalita sa amin. At nangangatil pa ang mga dila kong magsalita sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, natatakot ako ng makita ko kanina ang muka niyang masungit. Nakarinig ako ng ilang beses na buntong hininga kay Kiro bago siya nagsimulang magsalita.

"Kamusta ka naman dito?" panimula niya.

Tumingin ako sa direksiyon niya na ngayon ay nakatayo sa harapan ko. Ewan ko nalang ba. Natatawa kasi ako sa itsura niya ngayon, muka siyang batang nagsasabi ng galit sa isa pang bata.

"Sorry. Hindi ko kasi namalayan ang oras tsyaka nakatulog-"

"Nakatulog ka ng kasama mo sa isang kwarto si Rehan tama ba ako?" pag matataas pa ng boses niya.

Kumapit ako sa laylayan ng duyan at yumuko para tumawa ng mahina at humarap nalang ulit sa kaniya. Siguro hindi ko muna sasabihin sakaniya, not now.

"Bakit hindi mo ako sinasagot? Well, siguro totoo? Kaya natahimik kana naman jan?" mas lalo nalang tuloy akong napatawa ng masabi niya yun.

Wow ha? Akala ko pa naman ay matatakot ako kapag ganito ang pagka galit niya. Cute. Para lang siyang ako, kunwari ay aaktong hindi pinapansin at ibubunton ang galit, pero sa loob nun ay ang totoong gustong gusto ko nang ilabas.

"Tumatawa kapa kasi totoo?-"

"Kiro, alam mo your acting like a kid again?" napa kunot noo naman si Kiro sa sinabi ko.

"Don't make fun of me Devi. Seryoso akong nagsasabi sayo tapos tinatawanan mo pa ako?" napatayo ako sa duyan at lumapit sa kaniya. Kapagkuwan ay hinawakan ko ay dalawang balikat niya at tumingin sa kaniya.

"Don't tell me nagseselos ka Kiro? Teka umamin kanga? Are you jealous? " pagbibiro ko pa.

Alam kong niloloko ko lang siya. Kitang kita naman kasi sa mga reaksiyon niya palang kanina hanggang ngayon. Yung para bang gusto na niyang sapakin si Rehan pero hindi niya nagawa kasi marunong siyang magtimpi. What a man!

"Me? Jealous? Kelan pa ako nagselos Devi? That would be never happen? I'm not jealous okay? I'm not jealous? I'm, not, Jealous?!" Madiin niya pang banggit sa 'jealous'.

Gusto kong magpigil ng tawa sa ginagawa niya. Sa napakaraming sinabi niya parang isang daang porsyento na kailangan kong maniwala na 'nagseselos' talaga siya kay Rehan.

Tumayo ako para lumapit pa sa kaniya. Ayoko nang hindi magsabi sa kaniya ng totoo. Iyon ang pangako ko sa kaniya at iyon din ang pangako namin sa isa't isa. Hindi kami dapat mag paapekto nalang dahil kay Rehan. Ayokong masira ang mayroon kami ngayon. Ayokong makagulo siya sa amin.

"Okay. Noong makaalis ako sa bahay nung isang araw, wala akong idea na didiretso kami dito sa Pilipinas—"

"Just stop. That's fine, no need to explain. Nasabi narin sa akin ni Ishikawa kanina lahat" lumagpas siya sa likod ko at napaharap naman ako sa likod ko, nakaupo kasi siya sa duyan "Pati narin ang nangyari sainyo ni Rehan" napahinto ako ng sinabi niya iyon.

Taking Revenge (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt