Revenge 40

146 9 0
                                    

Chapter 40

NAGISING ako ng maramdam kong nakapulupot na ang dalawang kamay ko at nakaupo na ako sa isang bangko. Madilim, sobrang dilim ng kapaligiran. At para akong hinihingal ng hindi ko maintindihan.

Tanging naaalala ko lang ay nakikipag laban ako kanina sa mga sumugod sa akin nun nung nasa harapan ako ng warehouse na yun, tapos—tapos... Nawalan na ako ng malay noong dalawa nalang dapat ang mapapatay ko.

Kung ganon nasaan ako ngayon at anong lugar ang kinalalagyan ko ngayon?

Sobrang tahimik at madilim, hindi ako makakita ng maayos. Wala aking makita.

Naalarma nalang ako ng makarinig ako ng yabag ng sapatos at mukang palapit ito sa akin. Naghihintay ng tamang oras king sino nga ba ang gumawa sa akin nito... At sino ang taong papalapit sa akin ngayon.

Biglang silaw ang mga mata ko ng biglang lumiwanag ang kapaligiran at parang huminto ang pagtibok ng puso ko ng makita ko kung nasaan ako ngayon...

Ito ang lugar kung saan sila pinatay... Kung saan walang awang pinatay si Mama, Papa at si Bunso.

Para akong mauubusan ng salita dahil sa nakikita ko ngayon. Para akong bumabalik sa kung saan nangyari ang pinaka una ng lahat.

"Hindi wag sila, wag. Maawa kayo-" pasigaw kong sabi pero hindi na natapos ang sasabihin ko dahil tumalsik na ang sobrang daming dugo sa muka ko at sa buong damit ko.

Ang Mama at Papa ko, kasama na ang lalaking kapatid ko, sa mismong harapan ko, sabay-sabay silang pinutulan ng ulo, sa mismong harapan ko, nawala ang buhay ng mga taong mahal ko at wala akong nagawa! WALA AKONG NAGAWA! At pagkatapos nun ay ang mga taong nakikita ko na nakapaligid sa akin ay nagsisitawan, animo'y masaya sila sa kanilang mga ginagawang pag paslang.

"Anong pakiramdam? Masaya kaba kasi mukang makakasama mona sila" saad ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Kahit hindi ko maaninag ang muka niya ay narinig kona ang boses na ito.

Ang puno't dulo ng lahat, ang boses na yun.

"Tignan mo? Bakit hindi ka makatingin? Pamilya mo yan diba? Tignan mo" at bigla niyang hinatak ang pisngi ko sabay ang pag diin, inilapit niya pa ang sariling muka ko sa tatlong pugot na ulo.

"Sayang" saad nitong lalake sa harapan ko "Sayang ka, alam mo ba kung bakit?" Mas lalo niyang inilapit ang muka niya sa akin "Kase maganda ka sana kaso tanga ka, pati nayang pamilya mo mga tanga, actually pare-parehas kayong mga tanga, bonus nalang din yang kapatid mong bobo" at humagalpak siya ng tawa, ginaya naman siya ng mga taong naka paligid sa akin, masyado silang madami para bilangin ng mga kamay ko, masyado silang madami para magawa ko.

Iyong mga salitang binitawan niya noon sa akin ay siyang mas nakakapag padagdag ng galit sa akin ngayon. Wala naman akong ibang hinangad kundi ang hustisya para sa pamilya ko, at walang anak na hindi gagawa ng paraan makamit lang ang hustisya para sa magulang nila, wala.

Bilang isang anak hindi ko papalagpasin na sabihan nalang sila ng masasakit na salita, anak parin nila ako. At bilang isang anak hindi ko hahamakin ang ganitong sitwasyon dahil lang sa gusto ko, dahil lang sa sabik akong mapatay silang lahat, pero dahil talaga ito sa hustisya.

Ang maling katotohanan narin ang magsasabi sayo na, 'walang magagawa ang mga polisya sa pagreresolba ng hustisya, dahil pare-parehas lang sila. Kung hindi tiwali sa iba, inaapak apakan ang dignidad ng iba. Hindi ko nila lahat, pero karamihan ganito sa kanila.

Masakit lang din para akin, sa atin, sa iba. Dahil yung hustisyang gusto mong makuha ay hindi nila maibigay dahil lahat sila sayo nakaabang para sa salitang 'PERA'.

Mahirap magsalita sa sariling atin, dahil maling salita lang... Pwede mapahamak ang buhay mo.

Hindi ako nagsalita kundi seryoso lang ang mga mata kong nakatingin sa taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko makita ang muka niya dahil may napatakip roon.

Taking Revenge (Completed)Where stories live. Discover now