Revenge 16

265 17 5
                                    

Chapter 16



     "Mahalaga ka, kaya pakiusap magpakatatag ka"

"Devi, Devi. Deb?" napamulat ako ng marinig ko ang salita nayun.

Panaginip.

Hindi ko alam kung bakit yun ang nakikita kong nasa panaginip ko kanina. Nakita kona naman ang muka ni Kiro na ginigising ako. Nakatagilid pa ang mga ulo kong nakahiga at nakaluhod sa lamesa. Siguro ay nakatulog na din ako kagabi dahil sa sobrang pagod.

Napabangon ako sa pagkakahiga ko at napatingin ulit muli kay Kiro. Nagulat pa siya ng ginawa ko yun.

"Magandang umaga" pangiti niyang bati sa akin. Pero hindi din naman ako nakaimik dahil nakita ko ang isang tasa na may lamang kape at isang ensaymada.

Napaunat pa ako ng mga kamay ko at umupo saglit.

"Anong oras na?" this feelings again.

"Ala sais pa lang ng umaga" umupo siya sa sahig "Tsyaka kagigising ko lang din kanina at nakita kita dito. Kaya habang hindi kapa gising, pinagtimpla nalang kita ng kape. Baka kasi sabihin mo sa akin na hindi kona napalitan yung mga kape na naubos ko"

Napatango tango lang naman ako sa sinabi niya. Sumandali akong tumingin sa lamesa at nakita kong wala na ang mga litratong tinitignan ko kagabi. Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita si Kiro.

"Ah yung mga gamit mo na nandito inilagay ko sa jan sa drawer sa tabi mo nasa pinakaunahan lang din?" binuksan ko naman ang drawer na sinasabi niya at kinuha ko ang envelope.

"Wala ka naman sigurong ginalaw dito diba?" tanong ko.

"Syempre naman. Matik na magagalit ka kapag hindi ko sinabi sayo e, I know you" tinaasan pa ako ng kilay nito. Ngumisi nalang naman ako.

Inilapag ko sandali ang envelope sa lamesa at napansin kong iniusog ni Kiro ang kape na tinimpla niya pati narin ang tinapay na ensaymada.

"Oh yan sige magkape kana muna" tatayo pa sana siya ng pinigilan ko siya.

"Paano ka nakabili ng ensaymada dito?" pagtatakang tanong ko sakaniya.

Kasi wala pa akong nakikitang bakery dito at ang ensaymada ay malimit ko lang din makita dito. Lalo na't hindi naman ito Pilipinas. So malabong mag karoon ng tinapay na ganito dito.

"Ah yung ensaymada ba? Hindi ko binili yan. I made it, I made it for you" nagulat ako at natahimik sandali. Sabay din naman ng pagtayo ni Kiro mula sa sahig.

Paanong marunong siyang gumawa ng ensaymada?

Sa tagal na panahon kona siyang nakakasama ni hindi ko pa naman siya nakikitang nagkaroon ng hilig sa pagbe-bake. Wala din namang nabanggit sa akin si Tatang na kaya palang mag bake ni Kiro ng mga tinapay. Pinagmasdan ko siyang nagbubukas ng refrigerator at may kinuha saglit sabay ang pagsarado nito.

Napapitlag nalang din ako ng mapansin kong papalapit na pala siya dito.

May hawak siyang plato at may takip pa ito. Nang maibaba niya sa harapan ko ay nakangiti pa siyang tinanggal ang takip ng nasa plato. Napatingin nalang ako ulit sakaniya ng makita kong pang pilipinong tinapay ang ipinakita niya sa akin.

"Bilisan mo nang magkape at sasabay din ako sayo" pangiti niya pang sabi sa akin.

Hindi ako nagsalita kundi tinignan lang siyang kumakain. Nang napahinto siya at napatingin din sa akin.

"Bakit? Wala ka bang gana?" napapitlag ako ng marinig kong sinabi yun ni Kiro.

"Ha? Ah hindi may iniisip lang ako" iniisip kong parang wala lang talaga sakaniya ang nangyare kagabi. Siguro nga hindi niya naalala pero lahat ng yun naalala ko padin.

Taking Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon