Revenge 26 (2.5)

207 9 0
                                    

Chapter 26



HAPON narin kung tutuusin. Ewan ko din ba kung bakit sobrang bilis ng oras. Eh, sandaling oras lang naman ako doon. Dibale nalang din, talagang napaka madilim parin ni José.

Dumiretso akong sumakay sa Ducati ko at nagpalipas muna ng ilang minuto sa labas ng bahay niya. Kailangan ko kasing maghanap pa ng tungkol doon sa bagong kasong kinuha ko ngayon.

Mabuti nalang talaga at pwede akong makapasok roon kaagad, simula kasi ng mag nagkaroon ng trahedya sa mismong building nayun nabawasan na ang mga tao. Naturingan pa man ding nirerentahan ang bawat kwarto doon.

As expected ay wala na ngang gaanong tao. Nasa dulo pa ang pinanggalingan ng krimen. Syempre bago ako makapunta roon ay kailangan ko din na mag isip nalang ng mapag aakyatan.

Nasa 17th floor kasi ang krimen na pinanggalingan. At bago ako pumasok roon ay nagtakip ako ng muka ko at sinuot ang sumbrero. Dire-diretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa pintuan, bahagya ko itong binuksan at pumasok agad. Madilim pa ang kapaligiran kung kaya't kailangan kong buksan ang ilaw at akmang bubuksan ko ito ay may kumalabog di kalayuan sa kusina.

Mabilis akong nagtago sa isang kahoy na estante, nasa likod ko lang siya at kitang kita ng dalawang mata ko. Dahil di kalayuan sa harapan ko ay may maliit na salamin, basag basag pa ito ng kaunti pero malinaw kong nakikita ang ginagawa ng pumasok.

A Thief?

Hindi ba't saradong sarado ito? At kung iisipin din ay bago ako makapasok dito ay maluwag na akong nakapasok dahil bukas nga ang pinto, pero papaanong ngayon ko lang ito naisip?

Gayunpaman, kahit na sabihin ko itong magnanakaw ay ano namang mapapala nito dito? O baka naman siya ang pumatay sa babae? Imposible. Tinitignan ko ang bawat galaw nito. Tuloy-tuloy lang kasi ang pagbubungkal niya ng mga gamit nito sa isang tukador. Hindi ko alam pero kailangan ko gumawa ng solusyon para hindi makatakas ito.

I face my right at may nakita akong suklay. Dahan-dahan kong kinuha ito at pasimpleng itinapon ito paharap. Gotcha! Nabulabog siya sa ginawa ko at kitang kita ko yun. Dahil aligaga siyang napatigil sa paghahanap.

Hawak din kasi niya ang flashlight at napakahaba pa ng ilaw nito kung kaya't habang nakikita ko siyang naglalakad papalapit ay pasimple kong hinarang ang paa ko.

"Sino yan? Sinong nanjan?!" Pasigaw niya pang sabi. Hindi ako ulit nagsalita kundi hinihintay lang siyang makalapit sa paa ko.

At sa tamang pagkakataon ay hindi niya namalayan ng magnanakaw na matumba siya sa ginawa kong patibong.

Mabilis siyang tumingin sa gawi ko ng bumagsak siya sa sahig, para hindi na siya makalaban at ng pagkabagsak niya, pati ng humarap siya sa akin ay sinipa ko siya ng malakas para mawalan siya ng malay.

BUKAS na ang malaking ilaw mula sa sala. Hinihintay ko kasi siyang dumilat ang mga mata ng taong ito. Wala din kasi akong balak kanina na tanggalin ang napatakip sa kaniya, pero ginawa ko narin ito. Kilala ko narin ang muka niya. Ilang minuto pa akong tumingin sa kaniya at sa sandaling iyon ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya.

Susubukan niya sanang saktan ako pero nakailag din ako at panigurado naman akong hindi niya ako malalabanan dahil nakatali siya sa isang upuan. Pati narin ang mga paa niya ay nakatali rin.

"Take this away!" sigaw niya. Habang pilit na tinatanggal sa katawan niya ang lubid na nakatali sa kaniya.

Ngumisi pa ako sa kaniya at lumuhod sa harapan niya. Kapagkuwan ay kumapit ako sa taas ng silya niya at ngumiti sa kaniya.

"I should have just covered your mouth first so you wouldn't make any noise"I left in front of her "But I need some right answers from you?" I seriously said.

Taking Revenge (Completed)Where stories live. Discover now