Chapter 6

189 13 2
                                    

Jerk

"Ma naasan po si Papa?" Tanong ko kay Mama nang mapansing wala si Papa sa bahay.

"May lakad siya, yun lang ang sinabi niya sa akin, bakit?" Umiling ako.

May kutob akong makikipagkita si Papa sa mga Aldama para humingi ng pera pero paano ko malalaman kung saan sila nagkita! O anong gagawin ko kung sakaling malaman ko na?

Kinuha ko ang phone ko sa lamesa at tinawagan ang number ni Leila.

Nag pasalamat ako nang agad niya naman itong sinagot.

"Leila help me please!" sabi ko sa mahinang tono para hindi marinig ni mama.

"Why? may nangyari ba? Are you okay?"

"Wala, kailangan ko lang hanapin si Papa kung nasaan siya ngayon. Saka ko na ipapaliwanag sayo ang lahat basta sunduin mo na ako ngayon din."

"Okay then, hintayin muna ako sa labas."

Pagkatapos ng usapan namin ay nagpaalam ako kay Mama na sasamahan ko lang si Leila sa mall, noong una ay nag-alinlangan siya pero kalaunan ay pumayag din.

"Saan tayo?" Tanong ni Leila habang nag da-drive.

"Sa Aldama corp." Mabuti na lang at naitabi ko pa ang card na ibinigay nila sa akin nang gabi na mangyari ang aksidente. Sumulyap siya sa akin saka tumango. "Can you now tell me what happen?"

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"May iniligtas akong babae and knowing Papa, Baka perahan niya ito."

"Seriously Demy-"

"Hindi mo pa kilala ang tunay na ugali nila Leila, baka magulat ka kapag nalaman mo na." Natahimik siya.
Katulad nang kung paano ko sila inakalang tunay kong pamilya.

Habang nag babyahe iniisip ko kung ano ang mangyayari pagkatapos ng gagawin ko. Panigurado papatayin ako ni Papa sa galit. Pero mas okay na yun kesa may madamay pang ibang tao sa kasakiman niya.

Paghinto pa lang ng sasakyan ay agad na akong bumaba at nagtungo sa loob ng company. Naglakad ako patungo sa desk.

"Miss saan ang office ni Missis Almeighra Aldama?" Tanong ko.

"Do you have an appointment Ma'am?"

"This is urgent! Please tell me now!" Tumaas ang isang kilay niya.

"I’m sorry, ma'am, but if you don’t have an appoinment with her, I can’t tell you."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. I was about to turn around nang may maalala. The card!

Kinuha ko ang card sa bulsa pagkatapos ay iniabot sa babaeng kanina pa naiirita. Buti na lang naidala ko.

"Is there a problem here, Ashley?"

Lumingon ako sa nagsalita sa likod ko na sana ay hindi ko na ginawa.

Bumunggo ang mukha ko sa dibdib ng lalaki na hindi man lang natinag sa nangyari.

"Who are you?" His breath smell of mint.

Tumingala ako sa mukha niya. It is all perfect mula sa mata, ilong, kissable lips, kilay and jaw line, Shit! Totoo ba itong nakikita ko? Nanlaki ang mata ko at agad umatras nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Isang hakbang na lang at mahahalikan na niya ako!

"Sir, nagpupumilit po silang makausap si Madam Almeighra." wika ng babae.

"What do you need to Madam Almeighra?" Walang ekspresyong tanong niya sa akin.

"K-kailan ko siyang makausap."

"I'm sorry, she has an important meeting right now." Akma siyang tatalikod nang hawakan ko ang braso niya para pigilan.

"This is urgent! I need to talk to her right now!" Kinalas niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya pagkatapos ay humarap sa akin ng maayos.

"You don’t get me. I said she has an important meeting right now, so go back in other day!" He frown.

Hindi ba nila maintindihan ang salitang urgent at kailangan ko pang ipaintindi?

"She owe me one. Ako ang nagligtas sa kanya sa bingit ng kamatayan. Now let me tell you this, if it is not because of me Madam Almeighra isn't here right now!" Umigting ang panga niya at tinapunan ako ng masamang tingin. Hindi naman ako natinag sa halip ay inirapan ko pa ito.

"Suit yourself and follow me." He said in a low tone.

I think nagpipigil siya ng galit. Sinabi ko kay Leila na hintayin na lamang ako sa labas, pumayag naman siya kaya nagtungo ako sa lalaking naghihintay sa tapat ng elevator.

Wala kaming imik hanggang sa huminto ang elevator. Sinundan ko siya. Lahat ng madaan namin ay binabati siya at kapag nababaling ang tingin sa akin ay nagbubulungan. Huminto kami sa tapat ng isang office. Pumasok siya roon kaya sumunod ako.

"How much do you need?" aniya at umupo sa swivel chair.

Kumunot ang noo ko. Hindi ito ang office ni Ma'am Almeighra, I think dinala niya ako sa office niya.

"Si Ma'am Almeighra ang kailangan kong kausapin hindi ikaw." Walang ekspresyon niya akong tinitigan.

"What for? I can give you money as much as you want." Lumapit ako sa kanya at hinampas ang lamesa pero hindi ito natinag.

Nakakainit siya ng ulo!

"I don't need your money!" He cleared his throat.

"Then what do you need? House? Car? Lot?-"

"Jerk!" Sigaw ko sa mukha niya.

Pagkatapos ay nag martsa palabas ng office. Saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mukha ni Ma'am Almeighra.

"D-demy." Tawag niya sa akin.

Kumikislap ang mga mata nito na nakatingin sa akin at parang sabik na yumakap.

"Ma'am Almeighra can we talk?" Tumango siya at iginala ako sa sofa.

"Ken, can I use your office a while?"

"Of course Mom."

Mom? Anak niya itong jerk na ito? Tumingin sa akin ang jerk na Ken daw ang pangalan bago lumabas ng office. Buti nga sayo!

"Now tell me Demy, what do you need?" Umiling ako, at tumingin ng seryoso.

"Makikiusap po sana ako na kapag humingi sa inyo ng pera si Papa pakisabi na naibigay niyo na sa akin." Kumunot ang noo niya at nagtatakang sinuri ako ng tingin.

"But I didn't give you money-"

"Hindi ko po kailangan ng pera."

Please sana makuha niya ang gusto kong iparating.

"Is there a problem Demy?" Shit!

"No, wala po just.... Just do what I said kahit yun lang po ang kabayaran sa pagligtas ko sa buhay niyo." Nag-alinlangan siya sa plano ko pero dahil mapilit ako ay napapayag ko siya.

"Noted, may iba pa ba?" Bumuntong hininga ako bago tignan ang maamo niyang mukha.

"Huwag na po sana kayong lalapit muli at magpaparamdam ng kahit konting presenya sa amin.... Iwasan niyo napo kami mula ngayon."

Napansin ko ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata kaya nag iwas ito ng tingin.

"Naiintindihan ko."

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now