Chapter 12

162 11 5
                                    

The other Aldama

Hindi ko maiwasan ang kabahan habang nasa byahe kami papuntang ospital, lalo na kapag pumapasok sa isip ko kung ano ang maaaring mangyari kay Ma'am Almeighra. Ayaw naman magsalita ni Ken kung ano na ang lagay nito. Galit pa rin siya dahil sa paghihintay niya kanina.

Ilang minutong byahe bago kami nakarating sa ospital, naabutan namin si sir Ricardo na saktong kalalabas lang sa room kung nasaan naka confined si Ma'am Almeighra.

"What happen dad? How's mom? Is she alright" Paunang bungad ni Ken dito.

"Maayos na ang lagay niya. Napagod lang daw siya sa trabaho kaya inatake sa puso sabi ng doctor kanina." Nakahinga ako maayos ng sabihin ito ni sir Ricardo.

"Ken let's talk outside." Tumango si Ken pagkatapos ay bumaling sa akin bago iginaya si sir Ricardo palabas ng ospital.

Naiwan naman akong nagdadalawang isip kung papasok ba sa loob o magaantay nalang sa labas. Sakto namang pag-upo ko sa gilid ay lumabas ang isang nurse sa loob.

"Ikaw ba si Aleighna?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako.

"Mabuti pang duon kana sa loob maghintay, kanina pa kasi binabanggit ng pasyente ang pangalan mo." Aniya saka umalis.

Nagtungo ako sa loob at naupo sa tabi ng kama kung nasaan mahimbing na natutulog si Ma'am Almeighra. Gumalaw ito at kalaunan ay nagising.

"A-aleighna?" Inalalayan ko siyang maupo ng dahan dahan.

"Kamusta po? Sandali tatawagin ko-" naputol ang sasabihin ko nang hawakan niya ang pisngi ko.

"Dito kalang, wag mo akong iwan." Pupungay pungay ang mata'ng sabi niya.

Sinunod ko ang sinabi niya, at bumalik na lamang sa pagkaka-upo kanina.

This is part of my job, kaya kailangan kong gawin ang gusto niya, kahit na madalas ay naaalala ko si mama sa kaniya.

"Pasensya na kung ginagawa ko ito, hindi ko lang matanggap na nawalan ako ng isang anak." Sabi niya.

"Naiintindihan kopo. Alam kong mahirap para sa inyo ang mawalan ng nag-iisang anak-"

"She's not my only daughter." Wika niya na nagpalito sa akin.

Ang akala ko si Aleighna lang ang anak nila?

Bumuntong hininga siya bago pinagpatuloy ang pagsasalita.

"I have a two children, name Aleighna Adelee and Loraine Andrea."

Loraine? Kung hindi ako nagkakamali ayun yung kausap ni Ken kagabi. Hindi bat girlfriend niya yun? Hay buhay ang gulo!

"Nasaan po si Loraine?"

"Sa London siya nag-aaral habang tumutulong sa daddy niya magpatakbo ng negosyo rito. Aniya kase mas advance daw ang pag-aaral kung paano magpatakbo ng negosyo duon kesa dito. Si Loraine ang panganay sa dalawa. Mas matanda ito ng dalawang taon Kay Aleighna at Kenzo."

Inabot niya ang cellphone sa side table saka nagpipindot duon, pagtapos ay ipinakita sa akin ang isang picture na parang girl version ni sir Ricardo.

Kung nandito kaya si Aleighna, sino naman kaya ang kamukha niya? Ang swerte nila kumpara sa akin.

"Kamukha po niya si sir Ricardo."

"You should call him dad." Kagat labi akong tumango.

"Sorry po."

"Loraine is a girl version of Ricardo, while Aleighna is look alike me, hindi ko nga lang alam kung hanggang ngayun ba ganon pa rin."

"Paano po ba nawala si Aleighna?"

Yumuko siya at pumikit ng bahagya. Wrong move Demy! Nasaktan ko yata si Ma'am Almeighra. Babawiin ko na sana ang tanong ko ng nagmulat ito at itinuloy ang pag kukwento.

"3rd birthday ni Loraine nun at sa isang resort sa Pampangga namin ginanap-" huminto siya saka nagpatuloy ulit. "N-nang biglang nagkaroon ng pagsabog. Dahil sa panic ng mga Tao ay hindi kona namalayang nawala na pala ang anak ko."

Pinunasan niya ang lumandas na luha galing sa mata.

"Ginawa namin ang lahat para mahanap siya, we already hired an investigator pero wala rin nangyari."

Nasaan na kaya si Aleighna ngayun? O buhay pa kaya siya?

"Wag po sana kayong magagalit pero hindi po kaya naisama siya sa mga nasunog dahil sa pagsabog na nangyari?" Tanong ko.

"No, may palatandaang kwintas si Aleighna at wala iyon sa lahat ng namatay noong araw na yun, kaya hanggang ngayun ay umaasa kaming buhay pa siya."

Masama ba ako kung hihilingin Kong wag munang mahanap si Aleighna?ayoko pa kasing matapos ito,ayoko pang mahiwalay kay Ma'am Almeighra, gusto ko pang maramdaman ang alaga ng isang ina mula sa kanya. Sana ako nalang si Aleighna.

"Bat ang tahimik mo?" Bumaling ako Kay Ken ng tanungin niya ito.

Ang bilis mag bago ng mood niya, kanina lang galit siya tapos ngayun kinakausap na ako. Muli akong bumaling sa labas ng bintana at pinanood ang mga bahay na nadadatnan namin.

"I was just thinking, diba girlfriend mo si Loraine?"

Isa pa itong bumabagabag sa isip ko na gusto ng kasagutan.

"Yup, narinig mo naman sana kami kagabi diba." Aniya.

"But how? Loraine is your sister-"

"She's not my sister."

Oo nga naman, hindi nga pala siya Aldama pero hindi ba mali pa rin yun?

Tumahimik nalang ako at hindi na muling nag tanong pa hanggang sa makarating kami sa bahay.

Kinabukasan maaga akong nagising para sa pagpasok sa school pero agad ding nawalan ng gana nang malaman kong hindi si Ken ang kasabay kong papasok.

I should be happy right? Kase walang Ken na masungit ang gugulo ng umaga ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Ma'am Aleighna nasa labas napo ang sundo niyo." Saad ng isang katulong.

Tinapos ko na ang almusal at sinukbit ang bag. Nagpaalam ako sa mga katulong saka naglakad palabas ng bahay.

Isang BMW black car ang nakaparada sa harap ng gate sa labas habang nakahalukipkip at nakasandal naman sa pinto ng kotse ang nagmamayari nito. Umayos siya ng tayo ng makita akong palabas na ng bahay.

"You're beautiful as always." Ani Wendhell habang nakangisi.

"Bakit ikaw ang kasabay ko?"

"Hindi ba sinabi sayo ni Ken?" Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay ako roon saka naman siya umikot para sumakay sa kabila.

"Ang alin?" Tanong ko pagka-upo niya.

"I'll court you."

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now