Chapter 2

271 10 0
                                    


The truth

Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Sinabi ko kagabi na titigil na ako sa pag-aaral pero gusto kong tapusin muna ang semester na ito bago mag hinto.

Pagkatapos gumayak ay bumaba ako ng kwarto. Naabutan ko silang nagsisimula nang kumain sa hapag. Nadapo ang tingin ko kay mama tipid siyang ngumiti sakin saka bumaling ulit sa pagkain.

Nagtatampo pa rin siya. Sorry Ma, pero nakapagdesisyon na po ako at gagawin ko ito para sa atin, I want to say that pero may pumipigil sa akin na gawin ito. Lumapit ako sa kanila at umupo. Halatang nagulat si papa at ate nang makita ako at lalo na ang soot ko.

"D-demy anak ang sabi mo kagabi maghihinto kana diba?" tanong ni papa,

"Oo nga sis, nakalimutan mo ba?" gatong din ni ate Leanne.

Of course, malilimutan ko ba eh halos mamaga na nga yung utak ko kaka overthink kagabi!

"Opo" Napansin kong napangiti si papa nang sabihin ko ito, pero nawala rin yun nang marinig ang sunod na sinabi ko. "Pero gusto ko po muna sanang tapusin ang semester na ito bago maghinto"

"What-"

"Two weeks na lang naman." Putol ko sa sasabihin ni ate

"Even!"

"Leanne, hayaan muna ang kapatid mo, tama siya two weeks na lang naman!" sabi ni papa saka tumayo. "Aalis na ako, I lost my appetite." aniya saka tumingin sa akin bago lumabas ng bahay.

Nakita kong umismid si ate nang lumabas si papa sa bahay, pagkatapos ay bumaling siya sa akin at umirap. Dinampot ko ang aking bag at sinuot. Tumayo ako at nag simula nang humakbang palabas.

"Saan ka pupunta? hindi kapa kumakain ah, aalis kana?" tanong ni mama.

"Sa school na lang po ako kakain Ma, baka hinihintay na po kasi ako ng mga kaibigan ko"

"Talaga Demy may kaibigan ka na?" sarcastic na tanong ni ate habang naka ngisi pa.

She's right, wala akong kaibigan kahit isa kaya hindi ko talaga inaasahan ang paglapit nung babae sa akin kahapon.

"Leanne, ano kaba malamang may kaibigan yang kapatid mo-" Binigyan ako ng nakangiting tingin ni mama pero halata naman sa mga mata niya ang kalungkutan, "teka hintayin mo yung baon mo kukunin ko lamang sa taas"

"Wag na po Ma, may pera pa po ako rito"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni mama, lumabas na ako ng bahay at naghintay ng dumaraan na mga tricycle.

Pagpasok ko pa lang ng gate ng school ay napansin ko na agad ang mga istudyanteng tumitingin at nagbubulungan sa tabi. Deretso lang ang lakad ko papuntang room ko nang may matinis na boses ang tumawag sa akin. Lumingon ako para makita kung sino yun.

"Demy! Hintayin mo ako, Demy!" kuno't noo ako at nakangiwi nang makita kung sino ang sumisigaw.

Siya yung babae kahapon, kung hindi ako nagkakamali ay Leila ang pangalan niya.

Nang makalapit siya sa akin ay agad niya akong niyakap at nakipag beso beso. I look around, halatang gulat at hindi makapaniwala ang mga Tao sa paligid namin.

"A-anong ginagawa mo r-rito?" Naiilang na tanong ko sa kanya.

Pinagmasdan ko ang parehas naming uniform. Teka don't tell me-

"Eh? dito ako nag aaral Demy, teka Hindi mo ba in-stalk yung account ko kagabi?" Umiling ako. "Hays kaya naman pala eh, di bale na nga, tara sa canteen" Hinawakan niya ang braso ko saka kinaladkad papuntang cateen, kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sumama.

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now