Epilogue

268 16 0
                                    

I will always return

"Love is sacrifices. Marahil, paulit-ulit niyo nang naririnig ang salitang ito. Pero maiintindihan niyo lang kapag nasubukan niyo nang magmahal ng totoo. Ang iba sa inyo ay alam na kung paano ako lumaki at nakarating sa kung anong mayroon ako ngayon. Hindi ako lumaki sa tunay kong pamilya, nabuhay ako kasama ng mga taong akala ko ay ang tunay kong pamilya. Ang mama ko. Ang tumayong mama ko ay nagsakripisyo para sa pagmamahal niya sa isang lalaki na yun din ang pumatay sa kanya. Ang ate Leanne ko na isinakripisyo ang buhay para lang makasama ko pa ang tunay kong pamilya, kahit na ang kapalit nun ay kamatayan niya. At ako na isinakripisyo ang sarili para sa taong mahal ko. Noong una naguguluhan ako, ano nga ba ang pagmamahal? Kapag magkasama kayo ng matagal at nakaramdam ka ng kakaiba, pagmamahal na ba iyon? O kapag parehas kayo ng sitwasyon at naiintindihan niyo ang isa't isa, nagmamahal kana ba nun? Para sa akin ay hindi, dahil ang pagmamahal ay nagsasakripisyo. Maiisip mo lang na nagmamahal kana kapag kaya mo nang magsakripisyo para sa taong mahal mo. Because love is sacrifices."

Nagpalakpakan ang mga Tao sa loob ng orphanage. Matapos kong mag speech ay bumaba na ako ng stage para salubungin ang mga kaibigan.

"Ang galing!" Wika ni Leila. "4 years na ang nakaraan pero kabisado pa rin ah."

"Because that is love." Nagtawanan kami nang sumabat si Wendhell sa likod.

"Ano naayos muna ang documents?" Tumango siya at inabot sa akin ang documents.

"Bakit mo naman naisip na palakihin pa itong orphanage?" Tanong niya.

Pinagmasdan ko ang buong orphanage. Ibang iba na ito sa dating maliit na orphanage. Ngayon ay malaki na ito at mas lalong palalakihin ko pa. 4years had past pero hindi bumalik si Ken. Nawalan ako ng balita sa kanya at hindi ko na rin sinubukang makibalita simula nang malaman ko sa isang schoolmate ko noon na nakasalubong niya si Ken sa London na may kasamang babae. Siguro nakalimutan na niya ako at masaya na siya ngayon, at tanging pag-aalaga na lang sa naiwan niya ang magagawa ko.

"Mama, kailan po ako sasama sa inyo?" Tanong ni Megan sa akin ang batang pinangakuan ni Ken dati.

"Kapag nahanap ko na ang magiging daddy mo okay? Sa ngayon ay Hindi pa kasi pwede." Paliwanag ko.

"Kasama po ba si kuya Lucas?" Tumango ako at masaya naman siyang tumakbo papunta sa kapatid ni ate Leanne na si Lucas.

Alam kong maling mangako lalo na kung alam mong imposibleng matupad. Pero sa ngayon ay yun ang kailangan kong gawin.

Kung sana lang nandito siya wala sana akong problema.

Tumunog ang cellphone ko sa bag. Kinuha ko iyon at agad sinagot.

"Yes?"

"Aleighna I have a good news!" Excited na saad ni Ate.

"Pwede mamaya na lang ate? Nasa orphanage ako now!"

Matapos ang nangyari noon ay umalis ulit si Ate at nagpunta sa ibang bansa at isang linggo pa lang ang nakalipas nang umuwi ulit siya dito ngayon.

"Hindi pwedeng mamaya! Dapat ngayon na!" Aniya.

Naiirita akong napasapo ng ulo.

"Ano ba kasi yun?"

"He's back."

*****

Ken Pov

Nag-inat ako sabay langhap ng sariwang hangin.

Sa wakas nakabalik na rin ako.

Ang daming nagbago, pinagmasdan ko isa-isa ang mga nagbago sa loob ng apat na taon. Sana lang siya ay hindi nagbago. Hinawakan ko ang maleta ko at nagsimula ng maglakad pero nakakailang hakbang palang ako nang makasalalubong ko ang hindi ko inaasahang Tao.

"Demy." Bulong ko.

Lakas loob akong lumapit sa kanya para sana yumakap nang umiwas siya, at ganun na lang ang gulat ko nang makatanggap ng malakas na sampal mula sa kanya.

What the h*ll para saan yun?

"Why-" napahinto ako sa sasabihin nang makitang umiiyak siya.

F*ck ito ba ang sasalubong sa akin? Ang umiiyak na mahal ko!

"I'm sorry-"

"Bat ngayon ka lang!? Bakit bumalik kapa!" Hindi ko kayang tignan siya ng umiiyak kaya nag-iwas ako ng tingin.

Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya kaya lumapit na lang ako at siniil siya ng halik.

"I'm sorry baby, hindi na ako aalis." Wika ko sa kalagitnaan ng halik.

"T-talaga dahil kapag umalis ka at bumalik ka ulit asahan mong buntis na ako sa ibang lalaki." Napatigil ako at masamang tumingin sa kanya.

"Saan mo natutunan yan?!" Seryosong tanong ko.

"K-kay Wendhell, sabi niya sabihin ko raw yun sayo para hindi kana umalis."

Damn that idiot! Kung ano-ano tinuturo sa asawa ko!

"I won't leave anymore!"

Parang nakaramdam ako ng pagod kaya sumandal ako sa balikat niya.

Finally nakauwi na ako sa kanya.

"I will always return if I leave."

Dahil hindi ko na kayang mahiwalay sa kanya ulit. Angtagal ng tiniis ko para lang hindi siya makita tapos iiwan ulit siya? He'll no!

"M-may babae ka raw sa London."

What the h*ll, saan nanaman kaya niya nakuha yun? I swear mapapatay ko talaga ang mga nagpaabot ng fake news sa kanya.

"I don't, ikaw lang ang babae ko."

"Sabi-"

"Don't believe them, ako lang ang paniwalaan mo." Naramdaman ko siyang tumango.

Halos mabaliw na akong maghanap ng spy para lang may mag espiya sa kanya tapos sasabihan akong may babae? Tsk!

"Let's go home, madami akong nasayang na oras na hindi ka kasama kaya kailangang pagbayaran mo iyon." Pinalo niya ang balikat ko.

"Ken?"

"Yes?"

"Do you remember the day when you said that I caught you up in my heart? And I let go of you... I let go of you it is because I don't want you to caught up, I want you to be part of my heart."

Nadapo ang tingin ko sa labi niya. Hinila ko ang batok niya para siilin ulit ng halik.

I won't leave, hindi ko na kayang iwan ulit ang babaeng mahal ko.

Demy Pov

Kasama ng pagsasakripisyo ay ang paghihintay kahit gaano pa katagal. Masasabi kong sa apat na taong lumipas ay mas naging matibay ako, kung sakaling magkaroon man kami ng problema ay makakaya naming harapin yun nang magkasama.

"What the hell, get a room guys!" Sigaw ni Wendhell sa amin.

Nahinto kami ni Ken. Kagat labing tumingin siya ng masama sa tatawa tawang si Wendhell.

"Wait me here, may papatayin lang ako." Natawa na lang ako nang tumakbo siya para sugudin si Wendhell.

Para silang bata na naghahabulan at nagmumurahan. Umiling iling na lang akong pinanood sila.

Sa wakas natapos na rin ang lahat, madami mang nangyari sa lumipas na mga taon ay sa tingin ko hindi pa duon nagtatapos ang lahat, nagsisimula pa lang ang journey ko kasama ng mga taong mahal ko, sana lang hanggang dulo wala ng mang-iwan.

But now I think this is the end of my story. Salamat sa pagsama sa akin simula una hanggang huli. I'm Demeter Fernandez and now Aleighna Adelee Aldama is signing off.

"I love you guys!"

"Hey don't shout! Ako lang dapat sinasabihan mo niyan!"

"Sorry!"

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now