Chapter 13

178 15 6
                                    

Jealous

Yung Alam mong may iba kanang nararamdaman pero kailangan pigilan dahil hindi pwede.

To: jerk
Hoyy sino nagsabi sayong payagan si Wendhell na manligaw sa akin!

Text ko kay Ken.

From: jerk
Why? aren't you happy? Wendhell is a good man. Handsome. And of course fertile.

Aaminin kong nalungkot ako nang mabasa ko ito.

Sino ba naman kasing Tao ang sasaya matapos kang ibugaw no.

To: jerk
Oh, edi sana ikaw na lang yung nag paligaw! Jerk!

Kainis! Akala mo naman kung sino. Ano naman kayang pakealam niya kung sino ang manliligaw sa akin.

"Here," Ibinaba ni Wendhell ang tray na may lamang mga pagkain sa harap ko.

Nandito kami ngayon sa canteen. Ayaw kasi sumabay ni Ken sa amin nung inaya ko siya kumain kaya kami lang ni Wendhell ang magkasama ngayon. Muli kong tinignan ang phone ko nang mag vibrated ito.

From: jerk
What's your problem? Kung ayaw mo edi sabihin mo sa kanya. Ang dami mong sinasabi gusto mo rin naman.

Tumingin ako sa kabilang table kung saan siya nakaupo habang may kasamang isang lalaki at isang babae. Tinignan ko siya ng masama nang makitang nakatingin din siya sa akin. Tumaas ang isang kilay niya at ngumisi dahilan para mas lalong mag-init ang ulo ko.

"Hey are you okay? Badtrip ka ata." Tanong ni Wendhell nang mapansing masama ang tingin ko. Kumurap ako saglit bago tinuon ang atensyon kay Wendhell.

Dapat kong ayusin ito hangga't maaga, ayokong may umasang Tao.

"H-hindi, kumain nalang tayo." Ngumiti siya pagkatapos ay nagsimula ng kumain.

"So nakakailang boyfriend kana?" Tanong niya.

Umiling ako at ganon nalang ang mukha niyang hindi makapaniwala.

"Are you serious?"

Dapat ba gumawa ako ng mga listahan ng mga binasted ko dati para maniwala siya?

Inabot ko ang isang pirasong fries saka ito sinubo.

"Yup, wala kasi sa bokabolaryo ko ang pakikipag relasyon ng maaga, saka ang gusto ko yung first boyfriend ko ay yung magiging asawa ko na." He giggle.

"May ganyan pa pala ngayon. Iba ka talaga sa mga nakilala ko."

Talaga lang ha.

Hays ang hirap kasi sa mga kabataan ngayon pag walang boyfriend/girlfriend wala sa uso.

"Hindi lang naman ako ang ganito. Siguro mga 25% pa kami hindi mo lang napapansin."

"But I preferred you're the one."

"Mabulaklak ka pala manligaw."
Parehas kaming natawa sa hindi malamang dahilan.

Actually masaya namang kasama si Wendhell hindi awkward kapag nag-uusap kami, hindi katulad pag nag-uusap kami ni Ken na dapat pag-isipan ko pa muna ang sasabihin bago magsalita.

"Happy for being the center of attention huh." Parehas kaming nagulat nang magsalita si Ken na hindi maipinta ang mukha habang nakatayo sa tabi ko.

Lumingon ako sa paligid at tama nga siya. Ang iba ay lumilingon sa amin paminsan minsan, ang iba naman ay nagbubulong bulungan while some of them don't care about us. At nagkaroon lang ng pake nung makita si Ken sa tabi ko.

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now