Chapter 24

147 8 0
                                    

I'm sorry

"One month had passed since they're died. Namatay sila sa car accident, nabanggit ni Dianne sa akin na mayroon siyang anak na babae yun nga lang nawala ito nang isang taon pa lamang. Sa palagay nila kinuha ang bata para gawing kidnap for ransom yun nga lang lumipas ang mga araw, linggo, at buwan wala ni isang tawag mula sa kidnapper silang natanggap." Paliwanag ni Ate Joy na kaibigan daw ng tunay kong ina.

"Bakit po hindi nila ako hinanap?" Tanong ko.

Nandito kami ngayon sa harap ng puntod ng tunay kong mga magulang. Ako lang mag-isa ang pumunta. Gusto ni Leila at Wendhell na samahan ako rito pero tumanggi ako dahil ayokong makita nila akong ganito lalo na nang malaman kong patay na pala ang tunay kong mga magulang. Ang sakit lang na hindi ko sila naabutan, Hindi ko man lang natanong kung bakit hindi nila ako hinanap at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makasama sila kahit sa sandaling panahon.

"They did, pero nahinto iyon nang muling mag dalang tao si Dianne. Inisip nila na huwag nang ipaalala ang nangyari dahil mas makakabuting ilayo ito sa stress lalo na't makakasama sa pagbubuntis niya."

Kung ganon mas mabuting kalimutan na lang ako kesa mapahamak ang dinadala ni mama? Great plan! Muli naramdaman ko nanaman na dapat hindi na lang ako isinilang sa mundo. Buong buhay ko walang nagmamahal sa akin na parang isang pamilya kung hindi si Ken lang, siguro dahil parehas kami ng sitwasyon pero heto ako at piniling lumayo sa kanya. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako kinuha sa tunay kong mga magulang? Ang gulo, hindi nagkakatugma ang lahat.

"Paano niyo po nalamang ako nga ang nawawala nilang anak?" Tumingin ako Kay Ate joy na ngayon ay inaayos ang mga dalang bulaklak sa harap ng puntod.

"Si Cerio, ang kinilala mong ama ay dating kasintahan ni Dianne. Hindi niya matanggap na sa iba nagpakasal si Dianne kaya siguro ay nagawa niyang kuhanin ka."

That time sinilang na rin si ate Leanne kaya bakit pa gagawin yun ni Papa?

"Alam niyo po ba kung ilang taon na akong nawawala?" Naglakad ako palapit sa kanya at sinimulang tulungan sa pag aayos ng mga bulaklak.

"Kung hindi ako nagkakamali ay 19 years." Gulantang akong napalingon Kay Ate Joy.

19 years? Pero 17 palang ako! Hindi kaya iniba nila Mama ang edad ko? Pero kung inibahan nga magiging magkasing edad kami ni Ate Leanne!

Umiling ako. Hindi ko na Alam kung sino ba ang paniniwalaan ko. May parte na nagtutugma sa pagkawala ko pero meron ding wala kaya naguguluhan ako. Sila ba talaga ang tunay kong pamilya?

"A-ate Joy? M-may iba pa po bang ebidensya na ako nga ang nawawala nilang anak?" Huminto siya sa ginagawa at seryosong tumingin sa akin.

"Bakit hindi ka paba kutento sa mga nalaman mo?" Seryosong saad niya.

"H-hindi naman po sa ganon kaya lang may iba po kasing hindi nagtutugma sa mga kwento niyo sa pagkawala ko-"

"Kailangan ka ng kapatid mo ngayon Demy! Ikaw na lang ang natitirang mayroon siya pero hindi ka pa rin naniniwalang ikaw ang nawawala nilang anak? Bakit? Dahil ba hindi sila mayaman katulad ng inaasahan mo?" Umigting ang panga ko.

Wala naman akong ginawang masama para magalit siya. Nagtatanong lang ako kasi naguguluhan na ako sa pagkatao ko pero bakit ganito? Bakit kailangan ko pang makatanggap ng mga ganitong salita mula sa kanya?

Tumayo ako at pinagpag ang sarili.

"Aalis na po ako, babalik na lang po ako sa susunod kapag naayos ko na ang lahat."

"Kaylan pa? Paano ang kapatid mo? Hindi purkit hindi ka lumaki sa kanila ay wala kanang karapatan sa kapatid mo." Muli ay tumingin ako Kay Ate Joy bago tumalikod.

"Naiintindihan ko po, huwag po kayong mag-alala kapag napatunayan kong ako nga ang nawawala nilang anak ay kukuhanin ko ang kapatid ko sa inyo." Naglakad ako pero nakakailang hakbang palang ay nagsimula nang magsituluan ang mga luha ko mula sa mata.

Paano ko ba sisimulan ang lahat? Ang akala ko kapag nahanap ko na ang hinahanap ko ay mababago na ang buhay ko pero bakit ganito nanaman? Bakit lagi na lang ganito? Dapat ngayon kasama ko ang pamilya ko, nagtatawanan nagkakasiyahan pero kabaliktaran iyon sa inaasahan ko.

Hindi ko na kayang maglakad pa kaya naupo na muna ako habang umiiyak.

"A-ano bang nagawa ko? B-bakit sa akin n-nangyayari to?" Piyok ang boses na wika ko habang tinuturo ang sarili. "B-buong buhay ko hindi ko pa naranasang m-mahalin, kailan ko ba mararanasan na mahalin?"

"Kapag tinanggap mo na ako." Napalingon ako sa likod ko pero dahil punong-puno ng luha ang mga mata ay blurred ang paningin ko. "Hindi kita minahal para gawing panakip-butas, hindi kita minahal dahil parehas tayo ng sitwasyon at hindi kita minahal para paglaruan lang, mahal kita dahil mahal kita Demy, walang ibang dahilan. You don't need to love me back, all you need is to let me love you... just it, so please, please Demy, let me love you."

Naramdaman ko nalang na tumakbo na ako para yumakap Kay Ken. Siguro dahil iyon sa bigat na nararamdaman ko ngayun. At sa yakap na'yon ay naibsan ang bigat na nararamdaman ko.

"I'm sorry, I'm late." Umiling ako at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

Naisip ko lang na ang tanga ko sa part na siya nalang ang meron ako pero pinipilit ko paring lumayo sa kanya kahit na Alam kong sa ginagawa ko ay nasasaktan ko na rin siya. I want to say sorry also pero hindi ko na kayang magsalita pa.

*****

"Paano mo nalamang nanduon ako?" Tanong ko Kay Ken.

Nag da-drive siya. Pauwi na kami ngayon sa mansyon hindi ko na rin namalayan na dumidilim na pala.

"Wendhell told me."

That asshole! Nag Plano pa hindi rin naman pala susunod. Lagot ka sa akin bukas pag-uwi ko. Pero sa kabilang banda nagpapasalamat din ako dahil sinundan ako duon ni Ken, kung hindi siguro baka naabutan na nila akong walang buhay.

Bumaling ako sa labas ng bintana. Gusto kong humingi ng tawad Kay Ken pero sa tuwing gagawin ko yun ay timitiklop ako.

"S-sa mga nakaraang araw-"

"Past is past, ang tapos na ay dapat kinakalimutan na." Putol niya sa akin.

Napangiti ako habang pinaglalaruan ang kamay naming magkahawak.

"I'm sorry." saad ko.

"I love you." Tumingin ako Kay Ken nang sabihin niya ito. Sumulyap naman siya sa akin ng saglit at ngumiti. "I'm sorry, I'm just too excited to say that in you."

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now