Chapter 11

176 10 1
                                    

Girlfriend

"Demy nasaan yung kwintas?" Bungad ni mama pagpasok na pagpasok sa kwarto ko.

"Ano pong kwintas ma?"

"Yung kwintas na ibinigay ko sayo dati! Nasaan? Akina isaoli mo sa akin!"  Nagtataka akong tumingin sa kaniya,

Ano bang nangyayari?

"Pero po-"

"Akina na Dali!" Agad Kong hinubad ang kwintas na nasa leeg ko pagkatapos ay inabot Kay mama.

"Huwag Mo na itong hahawakan ulit, maliwanag?" Hindi ako sumagot,

"Demy maliwanag ba!" Hindi ulit ako sumagot sa pagkakataong yun ay nag iba ang aura ni mama. Naglakad siya ng mabilis patungo sa akin habang nakaamba ang kamay at nang makalapit ay napapikit na lamang ako.

Nagising ako na may bahid ng mga luha sa pisngi, humihikbi rin ako at kinakapos ng hininga. Hinawakan ko ang leeg ko para malaman kung nandoon ba ang kwintas, pero agad ding nanlumo nang maalala na naiwan ko nga pala iyon sa bahay na marahil ay nakuha na ng company na pinagkakautangan ni papa o di kaya ay naidala nila mama kung nasaan man sila ngayun.

Bakit kasi tinanggal ko pa eh!

Tinignan ko ang orasan. 3:21am palang. Naisipan kong uminom muna ng tubig bago bumalik ulit sa pagtulog kaya tumayo ako at nagtungo sa kusina.

Binuksan ko ang ref at nagsalin ng tubig sa baso. Nang matapos ay aakyat na sana ako ulit, nang may narinig akong yapak papunta sa kusina kung nasaan ako ngayun,

"Hi, Why are you still awake?" Boses ni Ken, kaya agad akong nagtago sa silong ng lamesa.

Sino yung kausap niya ng ganitong oras?

"Yeah, we're fine, how about you? How's work?"

Family niya kaya? Eh, malabo bakit ganon siya makipag-usap, baka si Wendhell pero araw araw silang nagkikita sa school kaya paniguradong hindi rin siya.

Nagsalin siya ng tubig sa basong pinag-inuman ko pagkatapos ay nilagok ito. Shit! My first indirect kiss!

"Mmm, oh c'mon Loraine, pati ba naman ikaw naniniwalang wala siyang balak?"

Teka, ako ba pinag-uusapan ng mga to! Hindi sa assuming ha pero kasi parang ako eh. Hanggang ngayon ba ganon parin ang  tingin niya sa akin! kainis ha! Pero teka, Loraine raw, girlfriend niya kaya?

Halos lumabas na ang puso ko nang lumapit si Ken sa lamesa. He leaned on the table.

"I know, kaya nga hinayaan ko na, para Kay Madam Almeighra."

Para na tuloy akong tsismosa dito. Kasalanan mo to Ken the jerk! Inaantok na ako huhu bakit kasi dito pa naisipang makipag call center.

"Yeah, don't worry ako ng bahala dito, Good night."

Hay sa wakas! Umalis siya sa pagkakasandal sa lamesa pagkatapos ay naglakad palabas ng kusina. Lumabas ako sa silong ng lamesa, at inayos ang sarili bago naglakad palabas doon.

"You're done hearing?" Halos mahimatay ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko.

"K-k-ken!"

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now