Chapter 22

158 8 0
                                    

We're dating

Pagkatapos nang araw na yun ay iniwasan ko ulit si Ken. At naging mahirap yun lalo na kapag wala ang mga Aldama dahil wala akong makausap, bihira lang ako'ng tawagan ni Leila dahil busy din siya kaya madalas ay nagkukulong nalang ako sa kwarto.

"Miss Aleighna handa na po ang pagkain." Sigaw ng katulong sa labas ng kwarto.

"Susunod na." Inayos ko muna ang sarili sa harap ng salamin bago tumayo at bumaba papunta sa kusina. "Manang nasaan po sila mommy?"

"They're out of town, may meeting silang pupuntahan kaya baka mga isang linggo pa bago sila makabalik." Si Ken ang sumagot pero hindi ko iyon pinansin, sa halip ay naupo na lang ako malayo sa kanya. "How long will you plan to avoid me?"

Kainis! Kailan ba ako makakakain ng tahimik! Halos araw araw na lang akong ginugulo ng bwisit nato! Kapag nandiyan ang mga Aldama lagi niya akong tinatanong ng kung ano para lang makausap kapag wala naman nagtatanong pa rin kahit hindi ko na nga pinapansin.

"Can you please tell me ano bang ginawa ko? Is that because of the painting? Don't worry hindi ko na ilalabas sa orphanage yun..."

"Hindi ako ganon kababaw!"

"Then what?! Naguguluhan na ako Demy-"

"Mas naguguluhan ako Ken! Kasi hindi kuna alam kung maniniwala ba akong gusto mo ako o gusto mo lang akong gawing panakip butas!" Mabilis ang hinga kong naupo muli matapos mapatayo sa sagutan namin ni Ken.

"You think I can do that? Ang gawin kang panakip butas? You aren't know me yet, then." His voice crack.

Matapos ang ilang segundo ay tumayo siya at nagtungo sa taas. Gustuhin ko mang humingi ng tawad sa nasabi ay pinili ko na lang ituloy ang pagkain. Natatakot kasi ako na baka kapag naging mabait ulit ako sa kanya ay bumigay na ako.

"Miss Aleighna may naghahanap po sa inyo sa labas." Tumango ako sa katulong bago tumayo at nagtungo sa labas.

You can do it Demy! this is your last chance para mapalayo kay Ken kaya dapat makumbinsi mo siya!

"Wendhell!" Kumaway ako kay Wendhell pagkalabas palang ng gate.

"Hi! So saan mo gustong mag-usap?" Tanong niya nang hindi naaalis ang ngiti sa mukha.

"Pwede sa malayo rito? Anywhere basta malayo rito, malayo kay Ken." Tumango siya at iginaya ako pasakay sa sasakyan.

***

"Wait! what?"

"Calm down! Nakakahiya sa mga tao!" Asik ko matapos hampasin ni Wendhell ang table. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng restaurant kaya senenyasan ko siyang tumahimik.

"A-are you serious? Hindi ka ba nagbibiro? B-baka prank to ha..." I rolled my eyes.

Nang malaman ni Khate ang lahat ay hindi naman siya ganito mag react, eh mas mukha pang babae maka react ang isang to,

"Seryoso ako Wendhell."

"Eh paano nangyari yun, their siblings-"

"But not in blood related." Dugtong ko sa sinasabi niya.

"Even! Lumaki sila ng magkasama, simula bata, hindi kaya naging sila dahil akala nila pagmamahal yung naramdaman nila but the truth is pagmamahal lang bilang magkapatid?" Napaisip ako ng malalim.

Tama siya paano kung ganon nga yun?

"And what about you? Para saan naman ang pagpapanggap mo bilang Aleighna?" Muling tanong ni Wendhell.

Inaasahan ko'na talagang madami siyang tanong pagkatapos ng mga sinabi ko pero hindi ko naman akalain na magiging sunod sunod iyon na hindi ko pa nasasagot ang una ay mayroon agad.

"Who knows? Tinanggap ko lang ang offer dahil kailangan ko ng tulong nila."

"Hindi ba dahil kay Ken?" Sinubukan ko siyang batukan pero agad naman itong umiwas. "Just kidding."

Kanina pa ako naiinis sa lalaking to!  Kung wala lang akong kailangan dito baka natadyakan ko'na to kanina pa.

"So ano na? Anong gagawin ko Wendhell?"

"Anong anong gagawin mo? Lorraine is now engaged anong kinakatakot mo?" Sinuri ko siyang mabuti ng tingin kung nagbibiro ba siya. Pero seryoso lang ito hindi gaya kanina.

"Eh? Diba sabi mo nanliligaw ka sa akin? Edi dapat inilalayo mo ako kay Ken!"

"Pfft! Why should i do that? Ken is my bestfriend masaya ako para sa inyo kapag kayo ang nagkatuluyan besides you rejected me before right?" Napataas ang kilay ko sa pagtataka.

Rejected? Wala kaming napag'usapang ganon kailanman.

"Kailan kita nireject?" Tanong ko.

"Ha? Sabi ni Ken ayaw mo pa raw magpaligaw kaya tumigil na ako."

"That jerk!" Siya ang nagpaligaw and yet siya rin ang nag rejected! Anong iniisip ng lalaking yun?

"Oh sige na nga! Dahil pinilit mo ako ay gagawin na natin ang Plano mo." Napangiwi ako.

"Correction hindi kita pinilit." Napahagikgik siya dahil sa tuwa.

Parang Mali yata ako ng hiningian ng tulong. Kinuha ko ang shake sa tabi pagkatapos ay uminom ng kaonti habang inaantay matapos si Wendhell katatawa.

"Basta isipin mo na lang na pinilit mo ako!" Aniya saka muling tumawa ng tumawa.

Pinalo ko ang braso niya nang mailang sa tinginan ng mga Tao sa amin.

"Tumigil kana! Ang ingay mo Wendhell!" Nang mapansin niyang pinagtitinginan na kami ng mga Tao ay inayos niya ang upo.

"So what's the plan?"

"Kaya nga ako nandito dahil hindi ko alam ang gagawin eh,"

"Fine here's the plan, we're pretend that we're dating, kapag naka move on na sayo si Ken ay okay na, Pero kapag mas tumindi pa ang pagkagusto niya sayo then I have no choice but to let you go." Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang Plano since hindi ko rin alam ang gagawin ko. "I just wonder, bakit ayaw mo Kay Ken?"

"Hindi naman sa ayaw, it just that... Mas maganda nang patagong masaktan. Kesa maging panakip butas ng taong never kang magugustuhan."

Ayokong umasa dahil alam ko na sa huli hindi niya ako kayang ipaglaban. Una pa lang talo na ako.

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now