Chapter 10

174 10 0
                                    

Kenzo Aziel Montenegro

Badtrip akong pumasok ng room para magpakilala sa mga bago kong kaklase.

Yes bagong classmates, inilipat nila ako ng school dahil kasama iyon sa napag-usapan para sa pag papanggap ko bilang isang Aleighna. Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan pa yun? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa buhay ko edi sana hindi ako pumayag sa Plano!

"Class welcome your new classmate" saad ng adviser namin.

Binati naman nila ako ng maganda hindi katulad ng dati kong mga kaklase na no body ako. Habang iniikot ang paningin ay nadapo ang tingin ko sa huling upuan kung saan nakaupo ang jerk!

Isa pa ito! Ang akala ko graduate na siya dahil may office siya sa company at nagtatrabaho roon yun pala training niya lang! Kaya ang ending lagi kaming magkasabay tuwing papasok ng school!

"Miss, please introduce yourself."

"I am De-Aleighna Adelee Aldama." I sigh.

Muntik na ako dun ah!

"Is that so?" Tanong ng adviser namin. Tumango ako

"Okay you can seat now" nag hanap ako ng mauupuan at maswerte na dahil may bakanti pa sa tapat ng bintana malayo sa jerk.

Habang nag di-discuss ang teacher namin sa harap iniisip ko naman kung may tampo pa rin ba sa akin si Leila. Nang sabihin ko kase sa kanya kahapon na lilipat ako ng school ay nagtampo siya at hanggang ngayun hindi pa rin niya ako tinatawagan.

"Hi!" Nabura ang iniisip ko nang may magsalita sa tabi ko.

"Wendhell!" Saad ko, hindi ko napansin na siya ang katabi ko. "Anong ginagawa mo rito?"

"Obvious ba? Edi nag-aaral."

Oo nga naman, bakit ba kasi nagtatanong pa ako obvious naman!

Inirapan ko siya at saktong nadapo ang tingin ko sa lalaking halos patayin na ako sa tingin.

"What?" Tanong ko ng walang boses na lumalabas mula sa bibig. Itinuro niya lang ang harap na parang sumesenyas na makinig sa discussion.

Yun lang pala, makatitig para naman akong nag cheat!

Ilang oras ang hinintay namin bago mag ring ang bell indicate na break time.

"Sabay na tayo kumain sa cafeteria." Suwesyon ni Wendhell.

Hindi sana ako sasama sa kaniya pero mukhang walang balak na isama ako ni Ken dahil nauna na siyang lumabas sa amin, kaya kalaunan ay sumama na rin ako kay Wendell.

"So, hindi talaga kayo ni Ken?" Tanong niya habang nasa pila.

Seryoso ba siya? kung hindi ako nagkakamali Aldama si Ken at nagpakilala ako bilang isang Aldama kanina, paano niya naiisip na magiging kami? Diba dapat dun palang nagtaka na siya.

"Hello, ano ako pumapatol sa kapatid ko?"

"Pfft he's not your brother." Ha? Ano raw?

"I-im an Aldama."

"So?"

"And he is my brother, Ken is Aldama right?" Tumaas ang kilay niya sa tanong ko.

"Are your kidding? Your an Aldama dapat alam mo yun."

"Ang alin?"

"Aldama kaba talaga? O I forgot nawala ka nga pala ng ilang taon, kaya siguro hindi mo alam."

Ang alin ba nalilito na ako ha!

"Sasabihan mo ba o hindi?"

"Easy, omorder muna tayo ng pagkain, mahaba habang kwentuhan to eh."

Omorder kami ng makakain pagkatapos ay humanap ng mauupuan nang makakita ay agad kaming nagtungo roon.

"Ken is not an Aldama, sa edad palang hindi kaba nagtataka?" Panimula niya.

"Hindi, paano ako magtataka eh hindi ko naman alam kung ilan taon na niya."

Totoo naman eh, hindi sila nagsasabi ng tungkol sa mga buhay nila simula nang tumira ako sa mansyon, kaya nahihirapan din ako minsan sa pagpapanggap, lalo na at hindi ko Alam kung bakit ba ako nagpapanggap. Ang tanging Alam ko lang ay dahil namimiss na ni Ma'am Almeighra si Aleighna kaya niya to ginagawa.

"Your the same age! Diba 17 ka and 17 pa lang din siya. Parehas kayong second college, parehas ng grade year, kaya dapat dun pa lang magtataka kana, hindi ba nila sinabi sayo to noong nakabalik kana?"

Sinabi kaya nga nagtatanung ako eh! Wala din sa hulog mga tanong nito.

"So ang sinasabi mo ampon si Ken?"

"Tumpak! At para mas maunawaan mo ang lahat, hindi surname niyo ang ginagamit ni Ken simula palang."

Talaga ba? Bakit hindi ko Alam ang mga to!

"Hindi ako magtataka kung pati ang buo niyang pangalan hindi mo alam." Dagdag pa ni Wendhell, hindi ako sumagot kaya napangisi siya. "Kenzo Aziel Montenegro was his full name."

Kung ganon maliwanag na! Ken is an adopted child just like me! Kaya pala hindi nagtutugma ang ugali niya sa ugali ng mga Aldama. At siguro kaya ito ginagawa ni Ma'am Almeighra ay nangungulila siya sa nag-iisa nilang anak!

"Now you know."

Teka may isa pa akong tanong.

"Ilan taon nung inampon si Ken? At paano niya nalaman na Montenegro nga ang apelyido niya?"

"Ahmm if I'm not mistaken, 1 year old palang si Ken nang iwanan siya sa tapat ng bahay niyo kasama ng isang sulat na naglalaman ng buong pangalan niya, kaya siguro ginawa yun para kahit papaano may pagkakakilanlan siya."

"Pero bakit hindi pinalitan yung apelyido niya kung aampunin din naman siya?"

"Pinalitan nila, at nung nagkaisip na si Ken siya ang nag suggest na Montenegro nalang ang gagamitin niya."

Parehas kami ng sitwasyon, ang pinagkaiba nga lang mabait ang umampon sa kaniya hindi katulad ng sa akin.

"Hanggang ngayon ba hindi parin niya nahahanap ang tunay niyang mga magulang?"

"I don't know, sa galing mangalap ng impormasyon ni Ken, hindi natin masasabi."

Napangisi ako sa ideyang pumasok sa isip ko, magaling mangalap?

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now