Chapter 4

212 15 0
                                    

The other side of Leila Martinez

Mabilis akong nag lakad para makalayo sa bahay pero naabutan pa rin ako ni mama. Hinigit niya ang braso ko kaya napaharap ako sakanya. At ganon na lang ang guilty na naramdaman nang makitang hindi humihinto ang mga luhang bumubuhos sa kanyang mga mata.

"D-demy a-anak pakiusap b-bumalik kana, a-anak" Napa luha na rin ako. Hindi ko kayang makita si mama na ganoon kahit na galit ako dahil nag sinungaling siya sa akin pero hindi ko pa rin makakailang mahal ko siya. "A-anak *hik*"
Lalo akong napaiyak nang humikbi si mama.

"Ma, s-sorry pero hindi ko na po kaya, mas lalo lang akong masasaktan kung makikisama ako sa hindi ko pamilya."

"T-tutulungan kita basta...basta b-bumalik kana" pakiusap niya.

Agad akong lumapit pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit.

"I-im sorry Ma"

Kinabukasan nagpahuli akong gumising dahil panigurado ay masama nanaman ang tingin sa akin nila papa.

Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko na bumalik dahil sa totoo lang nahihiya na rin ako. Buong buhay ko naging pabigat lang pala ako na walang kaalam alam sa nangyayari pero dahil ipinangako ni mama na tutulungan niya ako maghanap sa tunay kong mga magulang ay napagdesisyonan kong sumama na lang tutal wala rin naman akong pupuntahang iba.

Bumaba ako at nagulat nang makitang nakaupo si Leila sa sofa habang kausap si mama.

"Oh Demy mabuti at gising kana, kanina kapa hinihintay nitong kaibigan mo." ani mama.

Kagat labi naman akong nag-iwas ng tingin.

"Ah sige po mauna na kami next time na lang po ulit." Paalam ni Leila kay mama.

Hinatid kami ni mama sa gate habang ako ay wala pa ring imik. Niliingon ko si mama bago tuluyang pumasok sa kotse at umalis.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe papuntang school nang yakapin ako ni Leila.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Tumango ako saka nag-iwas ng tingin.

"Don't pretend because I know you're not, sinabi sa akin ni tita yung tungkol sayo." aniya.

"Na ano? Na ampon ako?" Hindi siya nagsalita kaya binalingan ko siya ng tingin.

Naabutan kong nakatingin siya sa labas kaya tinignan ko kung anong tinitignan niya. Nakahinto kase kami sa harap ng isang café dahil red warning pa yung sign.

Isang lalaki at isang babae ang nag-aabang ng sasakyan habang magka holding hands, at sa tingin ko yun ang tinitignan niya since sila lang naman ang Tao roon. Wait siya kaya yung ex boyfriend ni Leila? Nasagot ang tanong ko nang magsalita siya.

"He is my ex boyfriend." panimula niya "Ang akala ko wala lang sa akin pero masakit pa lang makita na may kasama na siyang iba." Her tears starting to fall down.

Kumalas siya sa kayap pagkatapos ay umayos ng upo.

"We started as a friend, una akong umamin na gusto ko siya and I thought he will rejected me pero sinabi niya na parehas kami nang nararamdaman. Alam mo ba Demy, sobrang saya ko noong nanligaw na siya. Araw araw binibigyan niya ako ng bulaklak at iba pang mga regalo, sinasama niya rin ako sa tuwing may game siya sa basketball, ako pa nga yung cheerleader niya eh, tapos lagi niya akong sinusurprise kapag monthsarry namin-" pinunasan niya ang mga luha niyang kanina pa tumutulo, "Pero one sided love lang pala ang lahat. He is just using me because of my popularity, nakakatawa diba? ako naman si tanga patuloy na umaasa."

"L-leila... " bumaling siya sa akin saka ngumiti.

Hindi ko man lang napansin ang akala ko kasi nasa kanya na ang lahat. Kayaman, mga kaibigan, maganda, at syempre buo ang pamilya.

"Ano kaba wag mo nga akong tignan nang ganyan, ayoko ng kinakaawaan ako no!" she cleared her throat.

Sinuri ko siyang mabuti. Paano niya nagagawang maging masaya sa gayong may problema siya?

"Hindi ko akalain na may other side pa lang ganyan si Leila Martinez."

"Hindi naman ako bato para hindi makaramdam ng sakit no."

Ngumiti ako pagkatapos ay niyakap siya.

"Leila.... Tulungan mo ako" mahina kong saad.

Kumalas siya sa yakap saka ako hinarap.

Parang mali ata na humingi ako  sa kanya ng tulong gayong may dinadala rin siyang problema.

"Lets have a deal, tulungan mo akong maka move on at tutulungan kitang mahanap ang totoong pamilya mo," aniya.

Eh? Saan naman kaya nito nakuha ang ideya niyang ito?

"Deal?.... Pero paano kita tutulungang maka move on?" ngumiti siya ng malapad.

"Edi hanapan mo ako ng lalake!" Sabay kaming natawa sa sinabi niya.

Sana ganito na lang din ako kay Leila. Kahit anong bigat ng problema ay nakakaya pa ring tumawa. Kase ako, parang nasa gilid ng balon at konting hakbang na lang malalaglag na.

After that, wala kaming ginawang dalawa kung hindi ang magkwentuhan at magtawanan habang bumabyahe papuntang school. I think sa buong buhay ko ito pa lang ang araw na naging masaya ako. Totoo ang lahat. Totoo ang bawat ngiti at tawa na pinapakawalan ko sa bawat oras na lumilipas. Sana ganito na lang lagi yung walang problemang iniintindi.

A/N: Sorry for short update. By the way how's my story? Ituloy ko ba?

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now