Chapter 26

165 9 1
                                    

First kiss

Nag-aalala akong pinagmasdan ang mahimbing nang natutulog na si Ken. Hapon na pero hanggang ngayun ay binabantayan ko pa rin siya sa kwarto niya. Naka-uniform pa rin ako at hindi pa nagpapalit simula kanina. Sa tuwing aalis naman ako ay nagigising siya at hinahanap agad ako kaya hanggang ngayun ay nandito pa rin ako. Hinaplos ko ang kamay naming magkahawak.

Napapaisip tuloy ako, hindi kaya mahawa naman ako nito? Joke!

Ang totoong iniisip ko ay kung bakit siya nagkasakit? Hindi naman siya nagpaulan o ano, pero pansin ko lang na kaonti lang ang kinakain niya o minsan nag i-skip siya ng meal simula nang nangyari ang huli naming sagutan tapos lagi pa siyang pagod sa company. Nagi-guilty tuloy ako sa ginawa ko.

Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa pinto at ilang saglit lang ay bumukas ito at iniluwa non si Ma'am Almeighra. Mabilis ko namang tinanggal ang kamay naming magkahawak ni Ken para hindi niya ito makita.

"Is he okay?" Tumango ako.

Kanina kasi ay tinext ko siyang may sakit si Ken at duon nalaman ko rin na pabalik na sila rito.

"Mainit pa po siya ng kaonti pero sabi niya kanina na hindi na masakit ang ulo niya." Lumapit si Ma'am Almeighra Kay Ken at kinapa ito.

"Sige. Magpahinga kana, mukhang napagod ka sa pag-aalaga Kay Ken." Sabi niya.

Nagpaalam muna ako ng saglit bago lumabas at nagtungo sa kwarto.

Hayss sa wakas makakapagpahinga na rin ako.

Nag shower muna ako pagkatapos magbihis ay nagtungo na kaagad ako sa kama kahit basa pa ang buhok ko. Ilang saglit lang ay nagpatianod na ako sa antok.

Kinabukasan ay nakasabay kuna ring kumain si Ken sa hapag pero dahil hindi parin siya pwedeng pumasok at baka mabinat ay ang driver muli ang maghahatid sa akin papasok. Parang angtagal na nung huli ko siyang nakasabay pumasok sa school kaya sana gusto ko siya ang makasabay ko palagi.

"Remember don't-"

"Come near boys." Dugtong ko sa sasabihin niya sana.

Halos nakabisa ko na yan, bawat minuto ba namang banggitin sa akin.

"I'm serious Demy." Mahinang boses na sabi niya at walang ekspresyon ang mukha.

"I know." Sagot ko naman.

Nakarinig kami ng ilang yapak patungo sa hapag. Sinulyapan pa ako ni Ken bago kami naging tahimik.

"Good morning! Oh! ang aga niyo namang nagising." Bati ni Ma'am Almeighra pagkatapos ay bumeso sa akin at nagtungo sa bakanteng upuan.

Sumunod naman sa kanya si sir Ricardo na may binabasang dyaryo at tumabi sa kanya. Ibinaba niya ang dyaryo at tumingin sa amin.

"What? Still on fight Ken? Demy?" Umiling kaming pareho ni Ken. "Akala ko nag-aaway pa rin kayo at ang tahimik niyong pareho."

"H-hindi po." Tumango siya at sinenyasan kaming ituloy na ang pagkain.

"Demy, sumabay kana samin papasok ng school." Suwesyon ni sir Ricardo.

"Magandang ideya yan Hon, namiss ko na rin si Aleighna." Napatingin kaming tatlo Kay Ma'am Almeighra.

Nakalimutan namin na para nga pala akong si Aleighna kapag magkakasama kami, sa madaling salita kailangan kong magpanggap. Haynako hindi ko pa rin talaga makuha kung bakit gusto ni Ma'am Almeighra na magpanggap ako. Hindi kaya nababaliw na siya dahil sa pagkawala ng anak niya? Hayss Demy ano bang iniisip mo. Teka parang naisip kuna yata to dati?

"Speaking of Aleighna." Tumikhim si sir Ricardo at tumingin Kay Ma'am Almeighra. Natutop naman ang tingin ko Kay sir Ricardo samantalang si Ken ay sa akin pa rin nakatingin. "We have a lead kung saan ang maaaring nakapulot sa kanya."

Para akong sinakal nang marinig ito mula Kay sir Ricardo. Ibigsabihin ba nun ay hihinto na ako sa pagpapanggap at aalis na rin ako sa mansyon? Bumagsak ang tingin ko Kay Ken na ngayun ay para akong sinusuri ng tingin. Babalik na ako sa pamilya ko at hindi kuna makakasama si Ken ulit?

"Talaga?! Ricardo let's go there please?"

"Yes we will." Masayang bumalik sa pagkain ang mag-asawa samantalang ako ay nawalan ng gana pero hindi iyon ipinahalata sa kanila.

Naunang natapos ang mag-asawa at sinabi sa aking hihintayin na lang ako sa labas, naiwan naman kami ni Ken sa hapag. Bumuntonghininga ako pagkatapos ay inabot ang bag sa tabi. Akmang tatayo na ako pero naunang tumayo si Ken at mabilis na naglakad patungo sa akin. Akala ko kung anong gagawin niya pero nagulat ako nang hawakan niya ang batok ko pagkatapos ay yumuko at ganun na lang ang gulat ko nang *tsup* He kissed me.

"I'm sure you need this." Aniya habang nakalapat ang malambot na labi sa labi ko.

Agad ko siyang tinulak nang marealize ang ginawa niya. Sh*t! That was my first kiss! Yumuko ako dahil hindi ko siya kayang tignan. Pero hindi ko maiwasang maisip na ang lambot ng labi niya.

"Why?" Tanong niya.

Umiling ako at naiilang na sumulyap sa kanya. "Th-that w-was my f-first k-kiss."

Ngumisi siya. "No it isn't." Ano raw? "I kiss you before, nung nakatulog ka sa office ko."

What the h*ll! Hindi ko man lang namalayan na nanakawan na pala ako ng halik! And that jerk!

"You stole my first kiss!" Sigaw ko.

"Shh! Calm down baka marinig tayo." Akma ko siyang papaluin nang makarinig kami ng yapak papunta sa amin.

Lagot ka sakin mamaya!

Sinenyasan ko siyang tumahimik pero dahil makulit ang isang to, hindi niya mapigilan ang tumawa. Nagtataka kaming tinignan pareho ng dumating na katulong, nakangiwi naman akong nagpaalam sa kanya saka na lumabas duon. Nang makalabas ay duon lang ako nakahinga ng maayos.

Mabuti na lang at hindi kami nahuli. Muntik na yun.

Hinatid nila ako hanggang sa school. Hindi ko naman maiwasang mapangiti kapag naaalala ang nangyari kanina kaya hindi rin maiwasang magtaka nila Wendhell kapag nahuhuli akong nakangiti. Natapos ng mabilis ang araw na yun sa school. Ang driver ang sumundo sa akin pero bago kami umuwi ay sinabi kong may dadaanan muna kami.

"Magandang hapon po." Bati ko Kay Sister Myra.

Alam niyang pupunta ako ngayun dito dahil tinawagan ko siya kahapon kaya naabutan namin siyang nag-aabang na sa gate.

"May kasama ka bang bubuhat?" Tumango ako at sinenyasan ang driver na sumunod sa amin.

Maglalakad na sana kami papunta sa loob ng orphanage nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag.

"Demy? Demy si mama-" naputol ang tawag.

Kinakabahan akong humarap kila Sister Myra.

"Ibigay niyo na lang po sa driver ang painting may kailangan po akong puntahan."

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now