Chapter 18

167 10 0
                                    

Long time no see

"I'm sorry kung unti-unti na kitang nagugustuhan."

Arg! Napasabunot ako sa ulo ko nang maalala nanaman ang sinabi ni Ken kagabi.

Hindi ko rin inaasahang susundan niya ako sa lugar na yun.

"Ouch!" Mabilis akong napahawak sa noo ko nang makatanggap ng malakas na pitik mula Kay Leila.

"Nakikinig ka ba?" Tinaas ko ang isang kilay hudyat na nalilito sa tanong niya.

"May sinasabi ka ba?" She rolled her eyes.

"Kanina pa ako salita ng salita wala naman pala akong kausap! Umuwi kana nga!" Inis na saad niya pagkatapos ay tumingin sa labas ng café.

Yes andito kami ngayon sa café at malaki ang pasasalamat ko kay Leila dahil tumawag siya sa akin kagabi sa kalagitnaan ng confession ni Ken at dahil dun hindi niya naituloy ang sasabihin niya, pero hanggang ngayun iniiwasan ko pa rin siya sa tuwing magkikita kami sa mansyon.

"Sorry na, may iniisip lang ako." Nag pout ako sabay hawak sa kamay niyang nasa mesa para makuha ang atensyon nito.

"Holly sh*t! Demy stop it para kang tomboy!" Mabilis niyang inilayo ang kamay niya mula sa akin at itinago ito sa ilalim ng mesa, malakas naman akong natawa sa ginawa niya habang hinahampas ang ibabaw ng mesa.

"Hindi ka kasi namamansin-"

"Hindi ka kasi nakikinig!" Putol niya sa sinasabi ko.

"My bad, makikinig na po." Ngumiti ako ng malapad para maalis ang nakakunot niyang noo at ganun na lang ang saya ko ng magtagumpay sa ginawa.

I know her weakness. Sa lumipas na mga buwan na kasama ko siya alam kona ang kahinaan at kalakasan ng babaeng ito.

"So ayun nga katulad ng balita ko sayo kagabi nahanap ko na ang family mo!"

I felt goose bump nang banggitin niya to.

"Talaga? Nasaan sila? Teka sino bang family tinutukoy mo?"

"The wicked one."

Pero agad ding nawalan ng sigla nang marinig ang sagot ni Leila. The wicked.

"Hindi naman yun ang pinapahanap ko eh."

"I know, but you need to talk to them para mahanap mo ang tunay mong family, you need information kung paano ka napunta sa kanila nang sa ganon hindi kana mahihirapan maghanap sa tunay mong pamilya."

"Hmm you have a point. So paano? I mean pupuntahan ko sila?"

"Natin, hindi lang ikaw baka hindi kana pabalikin kung mag-isa mong pupunta." Napalunok ako.

Tama siya or worse baka saktan ulit ako ni Papa at ate Leanne.

"Okay sige."

Napahinto kami sa usapan ng ibaba ng waitress ang inorder naming shake kanina. Pagkalis ay muling nagsalita si Leila.

"And where's mine?" Muli akong napataas ng kilay nang malito sa sinasabi niya. "Yung deal, nalimutan muna ba? Hahanapin ko ang family mo while hahanapan mo naman ako ng lalaki para maka move on."

Hindi pa siya move on sa lagay na yan? Kung makakilos akala mo hindi heartbroken.

"Akala ko nagbibiro ka lang." Ngumisi ako pero nawala rin yun nang seryoso akong tignan ni Leila.

"Of course I'm not! Don't tell me hindi ka naghanap."

"Meron na! Pero wag mo munang kilalanin dapat kilatisin ko muna."

And I actually need him pa muna.

"Bakit pa hindi naman ikaw yung iibig ako naman tsk!" Inambaan ko siya ng palo, agad naman siyang nagtaas ng dalawang daliri na naka peace sign at ngumiti ng malapad sa akin. "Just kidding."

Ilang oras pa muna kaming tumambay duon ni Leila bago dumating ang driver niyang si Mang Romel na kagagaling lang nag paayos ng kotse. Tinanong ni Leila kay Mang Romel kung alam ba niya ang lugar na pupuntahan namin at agad naman kaming nagpasalamat nang sabihin niyang oo.

"Malayo iyan dito lalo at probinsya, Sa natatandaan ko maliit lang ang bayan na yan kaya kaonti lang ang mga Tao, kaya mabilis niyong mahahanap ang hinahanap niyo." Ani Mang Romel sa kalagitnaan ng byahe.

Halos isang oras na kaming bumabyahe at sinabi ni Mang Romel kanina na baka nasa isa o kalahating oras pa ang byahe namin bago makarating sa lugar kaya naman hindi namin maiwasang antukin ni Leila.

Maya maya pa ay naramdaman kona ang ulo ni Leila na nakasandal sa balikat ko.

Nakatulog na siya. Humikab ako at isinandal ang ulo sa bintana ng kotse, nang makaramdam ng antok ay ipinikit kona rin ang talukap ng mga mata ko.

"Demy, Demy"

"Hmmmm, ano ba Ken ang aga-aga pa eh!"

"Demy! Sinong Ken sinasabi mo diyan!"

Agad akong napamulat nang mapagtantong wala ako sa mansyon. Ganon nalang din ang hiyang naramdaman ko nang bumugad sa akin ang mukhang natatawa ni Mang Romel at nangingilatis na mga tingin ni Leila.

"B-bakit?" Utal-utal Kong tanong sa kanya.

"Who's Ken?" Niliitan niya ang mga mata animoy nangingilatis.

"M-malay ko, baka nananaginip ka?" Palusot ko sabay labas sa kotse para Hindi na niya muling tanungin.

"Demy don't you dare leave me whe-" napahinto sa pagsasalita si Leila nang makita kung ano ba ang tinitignan ko.

Si ate Leanne. Sobrang payat nito, gulo gulo ang buhok, madumi ang yunipormeng pamasok at hindi matanto ang mukha sa dami ng pasa at gasgas sa katawan.

Anong nangyari sa kanya?

"D-demy ikaw ba yan? Long time no see."

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now