Chapter 21

162 13 2
                                    

Painting

Gaya ng usapan kahapon ay tinupad ni Ken ang pangako niya. After school ay naabutan ko siyang nag-aabang sa gate. Hindi kasi kami magkaklase sa last subject kaya siguro mas nauna siyang nakalabas sa akin. Minsan din ay si Wendhell ang naghahatid sa akin pauwi kapag iniiwan ako ni Ken kaya hindi ko inaasahan na nandito na siya kahit na may usapan kami.

"K-kanina kapa dito?" Iginaya niya ako papasok sa loob pagkatapos ay umikot siya at pumasok sa kabilang pinto ng kotse.

Bihira rin to, tuwing sasabay kasi ako sa kanya ay hindi niya ako pinagbubuksan ng pinto.

"Not really, kakalabas ko lang din." Tumango ako habang kinakabit ang seat belt.

Nang maayos na ang lahat ay nagsimula nang paandarin ni Ken ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" Muling tanong ko, hindi siya sumagot ngumiti lang ito ng tipid at itinuon na ang paningin sa kalsada.

So I think it's a secret huh?

Inisip ko muna kung saan kami maaaring pumunta habang bumabyahe. Sa park kaya? Mall? Or baka beach since duon naman madalas nagpupunta ang mga tao kapag nag-aayang lumabas diba?

Maya Maya lang ay huminto na kami pero hindi katulad ng iniisip ko kanina ay sa orphanage kami nagpunta.

Seriously? Akala ko ba ilalabas niya ako para humingi ng tawad,

"So balak mo akong ipaampon?" He clucked.

"Pfft! You're funny."

"Pinilit mo akong lumabas kahapon tapos dito mo lang pala ako dadalhin?!" Asik ko habang nakacross arm.

"Seriously Demy? What did you expect?"

Gusto Kong isagot sa kanya na sa park, mall, beach o kahit saan na pwedeng puntahan huwag lang dito, pero nakakahiya naman kung isusumbat ko yun sa kanya since siya ang nag aya lumabas at hindi ako.

I just rolled my eyes and didn't answered him. Narinig ko ang paghagikgik niya at dahil sa inis ko ay nauna na akong bumaba ng kotse.

"Hey wait!" Tawag ni Ken.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang ako patungo sa harap ng gate ng orphanage.

Nang papasukin na ako ng guard sa loob ay nagsitakbuhan ang mga bata patungo sa akin pero nagkamali ako nang bigla nila akong lampasan? Lumingon ako para makita kung saan sila pupunta at namangha nalang nang isa-isa nilang niyakap si Ken.

Pinagmasdan Kong mabuti si Ken, iba siya sa laging nakasanayan Kong ekspresyon ng mukha niya na palaging nakakunot at seryoso, ngayun ay nakangiti siya habang binubuhat ang mga bata, paminsan ay yumuyuko siya kapag may batang gustong humalik sa pisngi niya.

"Malapit siya sa mga bata." Gulat akong napalingon sa nagsalita sa tabi ko. "Ako nga pala si Sister Myra, nobya ka ba ni Ken?"

Wala pa sa katandaan si Sister Myra siguro kung susumahin ay nasa mid 40s pa lang ito. Pero siguro dahil nag aalaga siya ng mga bata ay mayroon na din siyang iilang puting buhok sa ulo.

"Ay hindi po." Nahihiyang sagot ko. "Ako po si Demy, kaibigan po ni Ken."

Tumango siya. "Ang akala ko ay nobya ka niya, ngayon lang kasi siya nag dala ng babae rito palagi kasi ay mag-isa lang niya kapag nagpupunta."

"Palagi po siya rito?"

"Hindi lang palagi, kapag umaalis ang mga nag ampon sa kanya ay dito natutulog si Ken kasama ang mga bata."

Kung ganon madami pa pala akong hindi alam kay Ken. Tatanungin ko sana kung dito ba nanggaling si Ken pero naalala kong naikwento nga pala sa akin ni Wendhell dati na iniwan si Ken sa tapat ng gate sa mansyon ng mga Aldama.

"Ano pong connection ni Ken sa orphanage? Bakit po palagi siya rito." Bumaling siya sa mga bata na hanggang ngayun ay naguunahan magpabuhat Kay Ken.

"Si Ken ang nagpagawa ng orphanage na ito. Siguro dahil inabandona rin siya ng kanyang mga magulang ay naiintindihan niya ang sitwasyon ng mga batang ito na nagpapalaboy laboy lang sa lansangan dati."

Kaya rin siguro malapit siya sa mga bata. Muling bumaling sa akin si Sister Myra at nagtataka niya akong pinagmasdan.

"Parang nakita na kita dati kung saan." Magsasalita sana ako ng may maramdaman akong humihila sa suot kong palda. Bumaling ako rito at nakita ang isang batang Babae. Mataba ang pisngi, maliit, maputi, at kulot kulot ang buhok. Mukha siyang Manika kapag ngumiti.

Umupo ako para pantayan siya. "Hi!" Hinawakan niya ang kamay ko at may itinuro sa loob ng orphanage. Naiilang akong tumingin Kay Sister Myra, tumango naman ito hudyat na sundin ko ang bata.

"Baka may gusto siyang ipakita." Ani Sister Myra. "Ako nang bahala mag sabi Kay Ken na kasama mo ang bata."

Tumayo ako at sinundan ang batang naglalakad na ngayun ay patungo sa loob ng orphanage. Sinundan ko siya hanggang sa pumasok sa isang kwarto. Muli siyang may itinuro sa gilid kung saan may parang statue ang nakataklob ng kumot. Binuksan ko iyon kasabay ng pagbanggit ng bata sa pangalan ko.

"D-demeter." At ganun na lang ang gulat ko nang makita ang painting na ang nakaguhit ay mukha ko.

"Megan! Andito ka lang pala anong-" Gulat ang mga mata'ng tinignan ako ni Ken. "D-demy?"

Tinuro ko ang painting. Naiilang naman siyang nag-iwas ng tingin.

"H-hindi pa tapos..."

Kung ganon tama ang hinala kong siya ang gumuhit nito? Pero bakit ako? I mean pwede naman si Lorraine o ang mga bata o kaya ang sarili niya diba? Naguguluhan ako.

"P-para saan yan?" Bumuntong hininga siya bago lumapit sa kinaroroonan ko at muling tinakluban ang painting.

"W-wala." Sagot niya.

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Sasaya o magagalit ba, kasi hindi naman dapat ako ang nasa larawang yan eh.

"B-bakit ako Ken? I mean bakit hindi si Lorraine? Siya ang girlfriend mo, siya dapat ang nasa painting na yan!"

"K-kuya Ken nag-aaway po ba kayo?-" Nakuha ni Megan ang atensyon namin.

"Hindi, ganyan lang talaga magsalita si Ate Demeter mo kaya akala mo nag-aaway kami." Paliwanag ni Ken kay Megan.

Umiling-iling ako at ibinaling sa iba ang paningin.

"Diba po sabi mo si Ate Demeter ang magigiging mama ko? Sabi mo po  kapag ikinasal kayo aampunin niyo ako-" Umigting ang panga ko pero pinilit ko paring lumapit kay Megan. Lumuhod ako kapantay niya.

"Tandaan mo ito ha, si Ate Lorraine ang magigiging mama mo, siya ang papakasalan ng kuya Ken mo okay?" Umiling ang bata pagkatapos ay yumakap sa akin.

"Pero ikaw po ang gusto kong maging mama. Ikaw na lang po ang mama ko ate Demeter." Lumapit si Ken sa amin pagkatapos ay inilayo si Megan sa akin.

"Megan maglalaro sila Sister Myra at may premyong candy kapag hindi kapa nagpunta dun ngayun baka maubusan kana."

"Talaga po?" Tumango si Ken.

Muling yumakap sa akin si Megan bago lumabas ng kwarto at iwan kaming dalawa ni Ken sa loob. Tumayo naman ako at pinagpag ang tuhod.

"Yun ba ang tinuturo mo sa mga bata dito?" Walang ekspresyong tanong ko sa kanya.

"D-demy..."

"You have a girlfriend Ken, paano mo nasasabi ang mga bagay na yan sa ibang tao? Paano na lang kapag nalaman to ni Lorraine?"

"Wala na kami ni Lorraine."

I was so preoccupied right now, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, naiisip ko na kaya ba siya lumalapit ay dahil wala na sila ni Lorraine? I was about to say something when my phone pop. Tinignan ko kung anong meron.

From Khate: is it true? Lorraine is now engaged?

So that's it, ang hinihintay kong sagot.

Caught Up In Your Heart (Aldama Siblings Series #1)Where stories live. Discover now