CHAPTER 25

124 75 22
                                    

"Nagugutom ako. May pagkain ba kayo d'yan?" tanong ni Claudette maya-maya.

"Love, halos kakatapos lang natin kumain. Gutom ka na naman?" tanong ni Kurt sa girlfriend niya.

"Gan'yan talaga kapag may inaalagaang bulati sa tiyan" panga-asar ni Pinky kay Claudette.

"Ikaw nga, may inaalagaang bata d'yan sa tiyan mo, e" panga-asar din ni Claudette sa kaniya.

Sa biro niyang 'yon ay nilingon naming lahat si Pinky na masamang nakatingin kay Claudette.

"Joke ba 'yon o totoo?" tanong ni Jane kay Lloyd at Pinky. Parehas naman silang umiling. "Ah, akala ko totoo, e" nag-peace sign pa siya dalawa bago ulit dumikit kay Sky.

"Huwag kayo nagpapaniwala sa babae na 'yan. Siya ata 'tong may bata sa tiyan. Ilang araw ng panay kain at nagc-crave sa mga pagkain. Lalo na sa mangga" saad ni Pinky.

"Nag-crave lang, buntis na agad? Grabe ka" sinandal ni Claudette ang ulo niya sa balikat ko at nagpapanggap na umiiyak.

"Ang drama niyo" umirap si Alexa sa dalawang naga-asaran.

"Nakakahurt ka talaga ng feelings, Pinky. Para namang hindi tayo magkaibigan" saad ni Claudette habang nakapatong pa rin ang ulo sa balikat ko.

"Hindi talaga. Ikaw lang ang hindi belong sa aming tatlo. Bawal ang pangit sa amin" patuloy pa ni Pinky sa panga-asar.

"Buti na lang ang ganda ko" saad ko at nag-flip ng hair.

"Sobra" bulong ni Lance sa gilid ko kaya hindi ako lumingon.

"Ay, nako! Buti na lang ako sobrang ganda" proud na saad ni Alexa at ginaya ang ginawa ko.

"Kaya nga ako nahulog sayo, e" saad ni Marco at niyakap si Alexa sa gilid.

"Buti nga sinalo pa kita" ang yabang talaga ni Alexa.

"Ang sasama niyong kaibigan!" sigaw niya at niyakap si Kurt. Inalo naman siya ng boyfriend niyang tumatawa habang umiiling.

"Ang lakas ng boses mo. Ang lapit-lapit lang natin" suway ni Pinky sa kaniya.

"Don't talk to me!" sigaw niya.

"Then, okay. Panindigan mo 'yan" inirapan siya ni Pinky.

"Baka mauwi pa 'yan sa away. Itigil niyo na 'yan. Para kayong mga bata" suway ni Alexa sa dalawa.

Nakaupo ako habang nakasandal sa pader nang biglang humiga si Lance sa hita ko. Nakalugay ako kaya pinaglalaruan niya ang buhok ko.

Pinabayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Bakas naman sa mukha niya na naboboring siya ngayon.

Parehas na lang namin tinignan ang mga kaibigan namin na naga-asaran pa rin.

"Ako rin, nagugutom na" saad ni Jane.

Nagsiupuan ang lahat at handa na silang bumaba. Nilingon nila kaming lahat kaya napatingin din ako kay Lance.

Halos lahat na pala ng mga kaibigan namin ay nakaupo na si Lance na lang ang hindi.

"Oy, gustong gusto" panga-asar ni Marco sa kaniya kaya natawa kaming lahat. "Nakikitawa 'yong isa akala mo naman hindi rin gusto" parinig ni Marco kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ay, natamaan. Hindi umilag" natatawang saad ni Lloyd.

"Natamaan" saad pa ni Marco kaya mas lalo silang tumawa lahat!

"Alam mo, Marco at Lloyd, ang pangit niyo" panga-asar ko rin sa kanila.

"Baby, tinawag niya akong pangit" sumbong niya kay Alexa.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now