CHAPTER 27

117 72 11
                                    

Claire's Point of View....

"Claire, tara na" pag-yaya nina Alexa sa akin.

"Ayaw ko nga" sagot ko sa kanila.

Kanina pa kasi nila ako niyaya bumaba dahil wala kaming third sub ngayon pero may pinapagawa na activity, bukas pa naman daw ang pasahan.

"Tara na kasi!" sigaw ni Claudette kaya painis akong tumayo at lumabas sa kanila.

"Gutom na gutom ba kayo?" inis na tanong ko sa kanila. Agad naman siyang tumango sa akin.

Magsa-salita pa lang sana si Claudette ng marinig naming sumigaw si Cassandra.

"Ano bang problema mo, ha?" rinig namin ang boses ni Cassandra sa may labas kaya nilingon namin kung saan ang nangga-galing ang boses na 'yon.

Malapit sila sa may hagdanan.

"May inaaway o pinagtitripan na naman ata 'yan si garapata" saad ni Claudette habang nakatingin sa dulo nitong hallway.

"C-Claire, t-tulungan m-mo s-si B-Bea" hinihingal at natatakot na lumapit sa amin si Andrea.

"Huh? Ano meron?" nagugulohan na tanong ko sa kaniya. Agad n

"Ano ba kasing ginawa ng kaibigan mo sa pangit na babae na 'yon?" tanong ni Pinky kay Andrea na nakakunot ang noo sa babae.

"Pababa pa lang kami ni Bea nang biglang dumaan si Cassandra. Nasagi namin siya ng hindi sinasadya, kaya nagalit siya pati ang mga kaibigan niya" nakayukong sagot niya.

"My gosh! Ang babaw lang na dahilan niyan pero pinapalaki niya pa. Childish" saad ni Alexa, maglalakad pa lang ako nang hawakan ni Pinky ang kamay ko.

"Oh! Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Sabi niyo baba tayo para kumain? E'di tara na" patanong pang saad ko.

"Claire, please" saad ni Andrea humawak pa sa braso ko kaya tinanguan ko siya.

"Huwag ka maghanap ng gulo, Claire. Hindi ka kasali sa away nila" saad ni Pinky. Hindi ko na sila pinansin at nag-lakad.

Maraming nakatingin sa kanila kaya pabulong akong nage-excuse para hindi makita ni Cassandra ang presensiya ko.

Nakita kong nasa sahig nakaupo si Bea, magulo na ang kaniyang buhok at gusot na ang mga damit. Tinignan ko ang mukha niya puro dumi at may gasgas na siya sa braso.

Naglakad ako dere-deretsyo, hindi ko na tinignan kong nakasunod pa ang mga kaibigan ko sa akin o hindi.

Mukhang nakatingin sa akin lahat ng mga estudyante rito na nanonood.

Sinadya kong sagiin siya para mapansin niya ako, ang isang Claire Ann Madge Smith ng school na ito.

"Aray! Ano ba! Hindi mo ba nakikitang may tao o bu---" naputol ang sasabihin niya ng humarap ako sa kanilang tatlo habang nakataas ang kilay.

"Naglalakad ako rito may paharang-harang" nakataas sa kilay na saad ko.

"Oh! Ikaw pala. Ang isang Claire Ann Smith na tagapagtanggol ng lahat" pumapalakpak na saad niya sa pangalan ko.

"Salamat naman dahil nalaman mo na ang maganda kong pangalan" nakangising saad ko.

"Ano bang ginagawa mo rito, ha?" tanong niya habang nakataas ang kilay sa akin. Hindi ako nagpatalo kaya nagtaas din ako ulit ng kilay.

"Dumadaan, daanan ito hindi ba?" tanong ko habang nakatingin sa mga tao. "Ang tanga mo naman siguro kung hindi mo pa alam 'yon" saad ko at tumingin ulit sa kaniya, sa kanila ng kasama niya.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now