CHAPTER 10

192 120 43
                                    

WARNING: RATED SPG (R18)

*****

Clark's Point of View..

Ilang oras na kaming nandito. 'Yung iba ay nasa gitna pa rin sumasayaw at ang iba ay hinahalikan ang partner nila. Lumingon ako sa gawi ni Dane dahil mag-isa lang din siya sa pwesto niya, katulad ko.

Nakangiti siyang nakatingin sa mga kaibigan namin na nasa labas nitong pwesto namin.

Si Ash ay nasa kabilang pwesto kausap ang iba naming kaklase na natira. Napansin ata ni Dane na nakatingin ako sa kaniya kaya ngumiti siya sa akin, kaya nginitian ko rin siya pabalik.

Nararamdaman ko na 'yong alak sa tiyan ko at nakakaramdam na rin ako nang hilo. Kahit hindi pa ako tumatayo. Kung tumayo siguro ako ay baka natumba na ako at napagtawanan ng makakakita. Ganito siguro 'pag hindi na sanay ang sikmura sa lasa ng alak

"Hi, Clark. Maaari ba kitang samahan dito? Wala kasi akong maka-usap doon sa inuupuan ko kanina" familiar 'yong boses sa akin kaya inangat ko ang ulo ko. At, tama nga ako kung sino 'yon. Si Dane.

Ang babaeng isa sa mga sineryoso at minahal ko ng sobra. Ang babaeng iniyakan ko ng sobrang matagal.

Wala pa ring pinagbago. Ang ganda niya pa rin. Sexy pa rin dahil mahilig siyang mag-exercise. Healthy woman. She love red, white and black colors.

"Oo naman. Bakit hindi? Wala namang naka-upo d'yan. Wala rin naman akong kasama" saad ko. Nakita ko pa siyang tumango sa sinabi ko, bago umupo sa tabi ko.

"Salamat. Mukhang girlfriend mo ang kachat mo, ah? Ilang years na kayo? Siguro matagal tagal na rin" saad niya pagkaupo sa tabi ko.

Nakita niya sigurong nagta-type ako kaya naisip niyang girlfriend ko ang katext ko. Nilapag ko sa lamesang nasa harap ko ang cell phone ko at sumandal sa inuupuan ko.

Si Claire ang katext ko, wala ng iba pa. Puro mga text niya nga lang ang laman ng messages ko. Kahit pa sa messenger ay umaabot siyang ichat ako para lang sa pagkain na kini-crave niya.

She loves spicy and sweet foods.

"Matagal na akong walang girlfriend. At, hindi ko pa 'yon iniisip sa ngayon dahil ine-enjoy ko ang buhay single."

"Ah, parehas pala tayong hindi iniisip sa ngayon ang pumasok sa isang relasyon. Masaya naman maging single, e. Pero, sana hindi habang buhay single" saad niya at tumawa.

Natawa rin ako. Tama naman siya. Masaya maging single pero 'wag naman hanggang tumanda ay single pa rin.

"Sana dumating pero 'wag muna ngayon. Nakatuon pa ang attention ko sa kapatid kong si Claire" saad ko.

My attention right now is only for my little sister, Claire Ann.

"Claire? May kapatid ka pala? Wala kang nabanggit sa akin dati na may kapatid ka" saad niya at uminom sa alak na hawak niya.

Hindi ko ba nasabi sa kaniya dati? Hindi naman siguro dapat na malaman niya. Dane is my high school to college girlfriend.

"None of your business, Dane" saad ko. At, kinuha ang beer na binigay ni Bel kanina sa akin na hindi ko pa nauubos.

"How's your life? After we broke up, you got a new girlfriend?" tanong niya maya-maya ng walang nag-salita sa amin. Siya rin ang sumira sa katahimikan na 'yon.

I felt dizzy right now.

"Masaya naman. Wala na akong naging girlfriend simula ng nag-hiwalay tayo, until now. Sinumpa mo ata ako, e." biro ko. Hinampas niya naman ako sa balikat.

"Hindi ko magagawa 'yan sayo. Baliw ka ba?"

"Joke lang. Hindi ka naman mabiro."

"Funny joke, Mister Clark Smith"

LOVER | ✓Where stories live. Discover now