CHAPTER 14

160 99 20
                                    

Nakatulog na ako simula kagabi pa dahil sa nangyari. Iyak lang ako ng iyak kahit ang sakit na ng mata ko dahil sa mga narinig ko galing kay kuya. Galing pa sa sarili niyang bibig lahat-lahat.

"Hindi ko naman siyang buong kapatid, step sister ko lang siya"

"Hindi ko naman siyang buong kapatid, step sister ko lang siya"

"Hindi ko naman siyang buong kapatid, step sister ko lang siya"

Paulit ulit kong naririnig hanggang ngayon ang binitawan niyang salita kagabi. Ang sakit sobrang sakit dahil nasasaktan ako ng sobra. Grabe.

Sa tinuring mong kuya ng halos 13 years. Iiwan ka lang bigla sa ere dahil sa babaeng nakilala niya lang siguro ng ilang buwan o taon.

I don't know, Dane. Kahapon ko lang talaga siya as in nakita at nakilala. Wala ring nakukwento sa akin si kuya about sa kaniya. Hindi ko rin naririnig ang pangalan niya sa kaniya, o kahit sa pamilya ko. Baka nga, sila rin ay hindi kilala 'yong babae na 'yon.

Mukha siyang kasing edad ni kuya pero wala akong pake alam sa edad niya. Kapag pangit ang ipinakita sa akin na ugali, ay pangit din ang ibabalik ko sa kaniyang ugali.

Huwag akong subukan sa pagtataray dahil mas mataray ako sa kaniya.

"Claire, baby, it's lunch time na" saad ni mommy sa labas ng kwarto ko. Habang kumakatok. "Hinihintay ka na ng lola, tita at mga pinsan mo sa baba" saad niya pa.

"Okay. Lalabas na po ako." sagot ko.

"Ok. Hihintayin ka namin sa baba. Gusto kang makausap ng lola mo. Baba ka na lang, anak" saad ni mommy. Hindi ko na siya sinagot at niligpit na lang ang hinigaan ko.

Hindi ko naman puwedeng isali sina mommy sa nangyari kagabi. First of all, wala naman talaga silang kinalaman sa nangyari, at pinagtanggol pa nila ako sa babae ni kuya.

Hindi naman nila hawak ang utak at puso ni kuya. Marunong na rin naman siya magdesisyon. Matanda na siya.

Hindi ko rin naman gustong sumagot ng pabalang sa kaniya kagabi. Pero, kailangan niyang malaman 'yong mga nararamdaman at naiisip ko kagabi. Alam kong nasasaktan siya pero mas nasasaktan ako! Sa aming dalawa, ako ang mas nasasaktan, at hindi siya.

Sumasagot lang naman ako ng mga gano'ng salita kapag naiinis na ako, o below the belt na yung sinabi sa akin. Sanay na sa akin sina mommy kapag sumasagot ako sa mas matanda sa akin. Basta kung alam kong tama ako ay puwede ako sumagot at hindi ako makakatapak ng reputasyon ng ibang tao.

Oo, maganda siya pero mas maganda ako. Maputi siya pero mas maputi ako. Katamtaman ang height niya mas matangkad ako. Sexy siya pero mas sexy ako. Matalino siya, e'di siya na. Sana lahat na lang.

Self support! Self love!

Naligo na ako at nagbihis. May pasok ngayon pero hindi ako pumasok. Siguro ay bukas na lang. Wala rin ako sa mood para pumasok dahil alam kong magtatanong lang mga kaibigan ko, at nakakatamad sumagot.

Bumaba na ako at nakita ko silang lahat na nasa sala. Sina mommy kasama sina lola nanonood ng tv. Nasa kwarto o nasa swimming pool area siguro ang mga bata dahil puro matatanda ang mga nandito.

Hindi naman nila napansin kaya dumeretsyo akong kusina para kumain pero nakita ko si kuya. Kumakain din siya. Inangat niya ang ulo niya sa gawi ko kaya umiwas ako. Dumeretsyo na lang ako sa ref para kumuha ng maiinom.

"Mommy, order tayo food" sigaw ko kay mommy na nasa sala. Alam kong maririnig niya naman ako.

"Anong gusto mo kainin? Ako na lang oorder" rinig kong saad ni kuya. Hindi ko siya tinignan at sinagot.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now