EPILOGUE

194 59 117
                                    

"Love, hahabol kami mamaya" paalam ni Lance ng maihatid ako rito sa mall dahil may gala kaming magkakaibigan.

Linggo naman ngayon kaya free day namin lahat.

"Sige, basta hahabol ka" seryosong saad ko. Tumango naman siya at kinuha ang kamay ko at hinalikan.

"Yes, boss!" nakasaludong saad niya. Tumango ako at kinukuha ang bag ko na nasa likod.

Sabi niya ro'n ko raw ilagay, para hindi ako mahirapan kaya hinagis ko na lang agad sa likod.

Naka-dress ako kaya hinawakan niya ang tela sa hita ko. Hindi ko maabot, potek. Ang layo pala ng pagkahagis ko.

"Ako na, nakikitaan ka na" saad niya kaya umayos na ulit ako ng upo.

Kinuha niya ang shoulder bag ko at inabot sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kaniya.

Nag-vibrate ang cell phone ko kaya sinagot ko agad.

["Nasaan na ba kayo?"] bungad ni Pinky.

Lumingon naman ako sa labas pero wala namang anino nila ro'n.

"Nandito na, saglit lang" sagot ko at binaba.

Tanghaling tanghali bungad na bungad ang boses ni Pinky. Tse.

Binaba ko na ang tawag at nilingon si Lance na nakatingin lang sa akin.

"Oh! Sige na. Miss na ata nila ako kaya atat na atat silang makita ang kagandahan ko" saad ko at nag-flip ng hair. Natawa naman ang loko.

"Sige na, love. I love you" saad niya at hinalikan ako.

"I love you too" saad ko at hinalikan siya sa pisngi.

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto para makababa ako. Bumaba na ako at inayos ang dress ko.

"Matapos 'yong meeting niyo ay deretsyo agad dito, okay?" saad ko pa. Tumango naman siya habang nakasaludo sa akin.

Mukhang timang siya habang tinitignan kami ng lahat ng babaeng dumadaan sa gilid namin.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil hindi sila ang intensyon ko rito. Nasa mood ako. At ayaw kong mawala sa mood. Dahil uuwi talaga ako kapag nawalan ako sa mood.

"Claire" sigaw ng kung sino kaya lumingon ako sa gilid ko. Hinawakan ako ni Lance at may tinuro kaya nilingon ko 'yon.

"Sige na" tinapik ko siya at hinalikan ulit sa pisngi.

Lumitaw ang pagmumukha nila Kurt, Lloyd, Marco at Sky kaya nilingon ko si Lance na nakakunot ang noo.

"Wazzup, pare" sigaw ng mga loko habang kumakaway sa amin.

Hinawakan ni Lance ang kamay ko at nag-lakad na kami. Pagkadating namin sa kanila ay agad silang binatukan ni Lance.

"Kayong nag-sabi na may meeting tayo tapos nandito rin pala kayo" inis na saad ni Lance kay Lloyd at Marco.

Babatukan niya ulit sana ang dalawa kaso nakatakbo na sa likod ng mga girlfriend nila.

"Mga sira ulo kayo" saad niya habang umiiling. Nilingon niya naman si Sky at Kurt na nadamay.

"Bakit kami nadamay?" nakakamot sa batok na saad ni Kurt.

"Alam niyo na nandito 'yang dalawa pero hindi niyo ako sinabihan" saad niya sa dalawa.

Nag-lakad palapit sa kanila si Lance kaya tumakbo sila kagaya ng ginawa nila Lloyd.

"Masakit kaya kami tumatakbo. Gago" saad ni Marco habang nakatago kay Alexa.

"Hindi naman namin alam na nag-sinungaling 'yang dalawa sayo. Nanahimik kami rito ni Kurt. Babatukan mo kami na akala mo alam namin" seryosong saad ni Sky

LOVER | ✓Where stories live. Discover now