CHAPTER 22

126 75 48
                                    

Lumipas ang isang buwan...

"Claire, gumising ka na d'yan. May pasok ka pa" boses ni kuya habang kumakatok sa pinto.

"Tinatamad pa ako pumasok" sagot ko sa kaniya at bumaligtad ng pagkahiga.

"Claire Ann Smith!" pasigaw na tawag ni kuya sa buong pangalan ko ng may tonong galit.

Gan'yan naman siya, e, kapag binabanggit na ang buong pangalan ko ay malalaman mong galit na siya.

Nakakatamad talaga pumasok ngayong araw. Kahit nitong nakaraang buwan ay nawawalan na ako ng gana pumasok.

"Oo na" walang ganang saad ko.

"5 minutes dapat ay nasa baba ka na" saad niya pa pero hindi na ako sumagot.

Nag-unat muna ako bago tumayo. Habang tumatayo ako ay para akong hinihila ulit pabalik sa higaan. Humiga na lang ako ulit habang nakatingin sa kisame.

Tinatamad talaga ako pumasok. Gusto ko lang matulog ngayong araw.

Kahit hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin yung nangyari. Iyong mga nakita at mga narinig ko sa babae niya at mismong kay Lance.

Kung akala mo marupok ako sayo sa pagkakataon na ito nagkakamali ka, Lance. Masakit ang mga nakita at nalaman ko sa mga kaibigan nating dalawa.

Wala ng Claire Ann Smith na handang maging marupok at kaya kang patawarin agad agad. Wala na.

Kahit wala ako sa mood ay bumangon na ako sa kama ko at iniisip ko rin na baka bawasan ni kuya ang alawans ko na binibigay niya.

Iba ang bigay na pera nina mommy at kuya sa akin.

"Umaandar ang oras, Claire" sigaw ni kuya sa labas kaya pumasok na ako sa banyo.

Hindi ko na lang siya sinagot. Tinagalan ko ang pagligo at pagsusuot ng uniform.

"Mahirap bang intindihin na tinatamad ako pumasok ngayon?" bulong ko sa sarili ko habang nagbu-butones ng uniform.

Naglagay din ako ng make-up para hindi halatang umiyak ako magdamag nitong mga nakaraang linggo.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina kung nasaan si kuya.

"Kumain ka na" utos niya sa akin pagkaupo ko.

Hindi ko siya sinagot at kumuha na lang ng pagkain. Ilang oras bago ulit siya nagsalita.

"Kung may taong kumakausap sayo, kausapin mo rin. Matutong sumagot sa nagsasalita, Claire. Hindi 'yong parang wala kang naririnig. Para hindi nagmumukhang tanga 'yong kumakausap sayo" pangangaral ni kuya sa akin.

"Sorry. Noted"

"Alam kong nasasaktan ka, kahit ako ay nasasaktan kasi nakikita kitang gan'yan ng dahil lang sa iisang lalaki. Isang beses na kitang nakitang gan'yan sa ex mo rati ta's ngayon umulit ulit" umiiling na saad niya sa akin kaya tinignan ko siya na may lungkot sa mga mata pero nakangiti.

"Hindi mo naman kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Siguro ganito talaga kapag sobrang ganda, sinasaktan lang ng mga lalaki"

"Wala sa itsura 'yan, Claire. Nasa tao 'yan kung paano ka papahalagahan, mamahalin, at iingatan"

Gusto kong umiyak sa mga sinasabi niya sa akin, pero ayaw kong ipakita sa ka.

"Sanay naman na ako saktan. Sobrang ganda ko lang kasi talaga"

"Sobrang ganda mo at deserve mong mahalin, alagaan, ingatan, at pahalagahan" tumayo siya at lumapit sa akin. He give me a back hug.

"I'm okay, kuya, 'wag kang mag-alala sa akin. Strong ako 'di ba? Isang Claire Ann Smith lang ito, oh?" natatawa kunwaring turo ko sa sarili ko.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now