CHAPTER 5

276 185 69
                                    

Nagising ako sa malakas na hampas ng unan sa akin. Pag dilat ko si kuya hawak ang isang unan na galing sa mini sofa ko.

"Good morning" bati niya na may kasama pang hampas. Parang walang nangyari kagabi na sagutan.

"Walang good sa morning ko, kuya" sambit ko habang umiilag.

Gusto ko pang matulog pero may disturbo ngayon dito sa kwarto ko.

Kailan ba 'to magkakaroon ng girlfriend. Nakakasawa na pagmu-mukha niya at napaka-isip bata, akala mo naman bata.

"Why? Dapat good kasi nakita mo ng maaga ang gwapo kong mukha" proud na proud sa sarili niya. Kayabangan na naman kay aga aga.

Kaya ayaw kong kasama 'tong tao na 'to dahil sa ugali niyang napagka-yabang, mahangin at isip bata.

I'm gonna post him later on my Facebook. I want to sell my brother, for one thousand pesos only.

"Whatever" pagsu-sungit ko. Tumingin ako sa wall clock ko at 5 o'clock pa lang. 6 o'clock pa naman ang pasok ko. Gusto ko pang matulog.

"Umuwi na ba sila?" pagi-iba ko ng topic dahil nararamdaman kong nakatingin siya sa akin.

"Who?" tanong niya. Hindi ko alam kung lutang siya or not.

"Yung aso natin kuya, umuwi na ba?" pamimilosopo ko. Mukha kasing tanga si kuya. May amnesia lang ang peg, ha?

"Wala tayong aso, Claire" sagot niya na napakamot sa batok niya.

Wala kaming inaalagaan na hayop. Aso, pusa or ibon, basta hayop na p'wedeng alagaan sa loob ng bahay, dahil natatakot ako. Gustohin man ni mommy pero si daddy yung batas dito sa bahay.

Ayaw ko pang mamatay dahil sa aso o sa kahit anong hayop sa paligid ko. Bata pa lang ako ay takot na ako hayop.

Kahit madikitan o may makita lang sa daan ay bigla na lang akong titigil dahil nanginginig na ako sa takot.

I don't know, why, I'm scared of animals. They're all cute and sweet naman eh.

"Alam mo pa lang wala, nagta-tanong ka pa!" inis na sambit ko. Mukhang timawa si kuya na nakatingin lang sa akin.

"Malay ko ba. Matagal kaya akong nawala rito" inosente kunyaring sambit niya.

"You don't know me na, huh? Mukha ba akong animal lover, ha?"

"Medyo. Kamukha mo nga rin mga animals eh, lalo na 'yong monkey tyaka tarsier dahil sa laki ng mata mo"

"Kamukha mo 'yong pwet ng aso, unggoy, kabayo o kahit ano pang hayop. Kamukha mo pwet nila"

"Gwapo pa rin naman ako kahit mangyari 'yon"

"Lol. I'm not animal lover, kaya nga hindi kita mahal eh"

Sinadya ko talagang sabihin 'yon para tumigil na siya. Wala ako sa mood para makipag-asaran sa pangit na 'to.

"Foul 'yon, Claire Ann. Medyo na-hurt ako sa sinabi mo. Isu-sumbong kita kay daddy. Hindi mo na love ang sarili mong poging kuya" kunyaring nagpupunas siya ng luha na akala mo talaga'y nasaktan ng sobra dahil sa sinabi ko.

"Ang OA mo, kuya. Kahit sabihin mo sa kanila hindi ako natatakot. Back to topic, sila mommy ang tinutukoy ko, kuya!" walang ganang sambit ko.

Umayos siya ng tayo at kumamot sa ulo niya. May kuto o balakubak ata 'tong tao na 'to, panay kamot eh.

"Bumaba ka na. Maliligo na ako dahil may pasok ako, ayaw kong malate dahil isa na akong masipag na maga-aral" sagot ko at bumangon sa pagkakahiga. Nag-unat-unat muna ako bago kumilos kilos.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now