CHAPTER 7

234 150 58
                                    

Claire's Point of View......

"Okay, Section Moore, group your selves into a 3 group" sambit ng last teacher namin, si Ma'am Alona.

"Ma'am, kami na po ba ang mamimili ng kagrupo namin o ikaw po?" tanong ng isa kong kaklase na babae.

"Siguro yung principal mamimili para sa inyo. Ganon kayo ka-special sa school na 'to" panga-asar ni ma'am. Hindi naman nakakatawa.

"Funny ni Ma'am Alona. Tumayo kayo" sarcasm na sigaw ng bakla naming kaklase, si Jacob sa umaga, sa gabi ay Jessica.

Natawa naman kaming lahat sa kan'ya. Saan niya kaya nakuha yung lakas ng loob para ganunin si Ma'am. Isa si Ma'am Alona sa mga masungit pero mabait na teacher dito sa school.

First day pa lang sinabi na niya sa amin ang katagang, "Mabait ako sa mabait. Masungit ako sa masungit".

Hindi masungit ang mukha ni Ma'am. Sa boses siguro ay oo.

"Syempre kayo na ang mamimili. Kapag ba ako ang nag-group sa inyo ay magugustuhan niyo ibibigay kong members? Baka umayaw din kayo tulad ng ibang section sa ibibigay kong group members. Kaya kayo na ang mamimili" sambit niya.

Dali-dali naman kaming naghanap ng members. Maraming lumapit sa aming apat pero may napili na kami. Kahit hindi namin sila close ay sila ang napili namin. Sila rin naman ang choice namin na maging ka-grupo.

Nag-group na kami ng siyam, s'yempre magka-kagrupo kaming apat. Leader namin si Pinky dahil dito siya magaling na subject, sa math. Ang iba naming ka-grupo ay sina Brain, Aliza, Brix, Jayson at Chadler.

"Ma'am, excuse po, wala pa akong ka-grupo" saad ni Jake kay ma'am na nakaupo sa harap.

Sinong anghel ang sumanib sa isang Jake Palma? Talaga bang nag-po at nag-excuse siya? Himala. Kung sino man ang sumanib sa kan'ya, pakitagalan pa.

Para naman mabawasan ang kasalanan ng tao na 'to. At maging mabuti naman kahit minsan lang.

"Kaninong grupo ang kulang pa ang member? Isali niyo si Mister Palma para makapagsimula na tayo" saad ni ma'am habang tinitignan ang bawat grupo.

Huwag mo sa amin ilagay 'yan. Maawa ka. Kung ayaw mo may gulo na mangyari sa oras mo.

"Ma'am, kompleto na po kaming group 3" saad ng leader ng group 3, si Cheska.

"Kami rin po, Ma'am, kompleto na" saad din ng leader ng group 2, si Adrian

"Kayo group 1, kompleto na ba?" tanong ni ma'am sa amin.

"Ma'am, kompleto na po kaming group 1" ako na sumagot. Sa akin din naman nakatingin ang mga kagrupo ko.

Our section have a 28 students. 15 boys and 13 girls.

Hindi sure sa iba kung lalaki ba talaga. Nasa tatlo ang beki sa amin at may isang tomboy.

"Mister Palma, join to the group 3" sambit ni ma'am kaya nilingon ako ng leader ng group 3, tinanguan ko na lang siya.

Anong magagawa ko? E, si ma'am nagdecide nun. Para rin naman may grade yung tao. Pero bawal siya sa group ko.

No pet allowed.

Dito rin naman sa school, e. Bawal ang hayop pero nakakapasok siya. Sila ng girlfriend niya.

"Yes, ma'am" sagot niya.

Nag-start na kami ng group activity hanggang sa natapos ang time ni ma'am. Basic. Hindi mahirap.

Panalo kaming group 1, may strategy kasi kaming ginamit. Nag-bunutan kami kung sino ang mauuna at mahuhuling sasagot. Tapos tutulungan kung ano at paano i-solve para makuha ang tamang sagot, show solution kasi sa blackboard dahil nasa amin ang alas panalo kami.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now