CHAPTER 24

122 77 50
                                    

Lumipas ang isang linggo ng dumating sina mommy galing sa trabaho. Ngayon lang sila umuwi at hindi ko alam kung bakit sila umuwi ngayon.

Ang alam ko kasi next month pa. Biglang napaaga ata uwi nila.

"Hi, my babygirl" bungad ni mommy sa akin ng makita ako pagkababa.

"Hi, mommy" masayang bati ko sa kaniya.

"Kumusta ka?" tanong niya sa akin habang naglalakad papunta sa kusina.

"Ayos naman po" sagot ko habang naglalakad. Nagulat ako ng makita ko si Dane na katabi ang pangit kong kapatid, si kuya. "Oh! Nandito pala 'yan. Wow! Close" saad ko at umupo sa upuan ko.

"Halos kakarating niya lang, anak" saad ni daddy habang nagbabasa ng newspaper.

Hindi niya man lang ako nilingon. Okay lang. Sanay na rin naman ako sa tuwing gagawin niya 'yon kapag kakausapin ako.

"Hi, Claire" bati niya sa akin kaya nginitian ko lang siya.

Simula ng may nangyaring away sa pagitan namin ay hindi ko pa rin siya kinakausap ng maayos.

Sa tuwing nakikita ko pa kasi siya ay naaalala ko ang nangyaring gulo na 'yon.

Alam ko namang nahahalata niya ang paga-adjust ko sa pagitan naming dalawa. Kaya hindi niya ako gaanong kinukulit o kinakausap.

Okay na muna 'yong ngiti-ngiti at kaway-kaway sa kaniya kaysa kausapin ko siya ng pagalit at labag sa loob ko.

Magi-inarte pa ba siya? Dapat lang na mag-adjust siya sa ganda ko.

"Mag-pray na tayo" saad ni mommy at pinangunahan ang pagdadasal. "Amen. Sige na, magsikain na tayo" saad niya pa at kumuha na ng makakain syempre nauna ko.

"Claire" sita ni kuya pero pinabayaan ko lang siya.

Pake ko ba sa kaniya? Hindi pa ba siya sanay na ako lagi ang nauuna sa pagkain.

"Ganito talaga kami rito, Dane. Laging si Claire ang nauunang kumuha ng pagkain" natatawang kwento ni mommy kay Dane.

"Halata nga po, e" nahihiyang sagot ni Dane kay mommy na energetic ngayong araw.

Wow! Close na pala niya sina mommy. At, talagang nakikisabayan pa siya sa mga biro ni mommy.

Puro kwento lang ni mommy ang naririnig namin sa hapag kainan dahil masyado siyang energetic.

Pustahan ko na agad na mamaya ay badtrip o iiyak ito sa amin ni kuya. Magda-drama na naman siya ulit.

"Mommy, 'wag masyadong energetic. Kami ang kinakabahan sayo" saad ko sa kaniya.

"Yes, ma'am" natatawang saad ni mommy sa akin at sumaludo pa.

"Whatever" pagtataray ko sa kaniya.

Nandito kaming lahat sa sala ngayon dahil may sasabihin daw ang kuya at si Dane sa amin.

Ano na naman kaya ito? Kadramahan nilang dalawa? Kung kadramahan lang ay aalisan ko talaga sila ngayon pa lang.

Ayaw kong makinig ng kadramahan ngayong araw dahil naiirita ako.

"Mommy... Daddy... " pagtatawag ni kuya sa mga magulang namin.

"Oh! Hindi naman pala ako kailangan dito. Pinapunta niyo pa ako" inis na saad ko at tumayo.

"Claire, 'wag masyadong bastos, ha. May bisita ang kuya mo, tayo hindi mo ba nakikita?" suway ni daddy sa akin kaya padabog akong umupo.

"Hindi naman kasi binanggit ni kuya ang pangalan ko" parang batang parinig ko kay kuya habang naka-cross ang mga braso.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now