CHAPTER 33

20 3 0
                                    

Clark's Point of View.....

3 MONTHS

"Love" rinig kong sigaw ni Dane sa itaas. Sumigaw pa siya ulit kaya dali-dali akong umakyat at dumeretsyo sa kwarto namin. "Love si baby" umiiyak na saad niya ng makita ako. .

"Ano ang nangyayari?" tanong ko sa kaniya pagkalapit ko pero hindi siya sumagot. "Love, ano ang nangyari?" tanong ko pa pero mas lalo siyang umiyak.

Binuhat ko na lang siya pababa kaya gulat na gulat si Manang pagkababa namin. Dali-dali siyang lumapit pero dumeretsyo na ako sa labas.

"Ano ang nangyari?" naga-alalang tanong ni Manang sa amin.

Hindi ako sumagot. Nahimatay na si Dane kanina pa habang buhat ko siya.

"Manong, let's go!" sigaw ko kay Manong na natataranta rin sa pag-bukas ng kotse ko. Dinudugo na si Dane!

Pinaandar niya na at dinala kami agad sa malapit na hospital. Dali-dali kong binuhat si Dane at pinasok sa loob ng hospital.

"Sir, dito po tayo" saad ng lalaki habang may dalang stretcher.

Hindi ako sumagot at hiniga si Dane doon. Hawak ko ang kamay niya habang naglalakad ako papunta sa Labor and delivery room.

"Hanggang dito na lang po kayo" pagtigil ng lalaki kaya tinanguan ko siya.

"Love, lumaban kayo ni baby" huling saad ko bago isara ng lalaki ang pinto.

Napasabunot na lang ako sa ulo ko habang nakaupo.

"Damn it!" saad ko sa sarili ko habang nakayuko.

Ilang minuto bago lumabas ang doctor at tyaka ang nurse na kasama niya. Nakangiti sila sa akin na parang walang nangyari sa loob.

Naging successful ba?

"Kayo po ba ang asawa ng pasyente?" tanong ng doctor sa akin kaya dali-dali akong tumango sa kaniya.

"Kamusta po ang mag-ina ko?" naluluha ng tanong ko sa kanila.

Nagsasalitsalitan pa sila ng tingin kaya nagulohan ako ng bumaling ulit sila sa akin ng nakangiti.

Kanina pa naman sila nakangiti sa akin. Pero, bakit iba ang nararamdaman ko sa mga ngiti nila?

Ayaw ko magkaroon ng trust issue sa mga doctor at nurse. Dahil alam kong okay ang mag-ina ko. Okay sila!

"Ayos ang mag-ina mo, buhay ang bata. Buti na lang ay dinala niyo siya agad dito buti nakakapit pa ang bata" nakangiting saad ng doctor sa akin. Tumulo na lalo ang luha ko.

"Maraming salamat, Doc!" umiiyak na pasasalamat ko.

"Congrats, Sir" saad ng doctor at tinapik ako.

"Congrats po, Sir" saad ng nurse na babae sa akin. "Sa room 208 na lang po kayo maghintay. Salamat po" saad ng babae habang tinuturo kung saan ang room 208.

"Sige. Maraming salamat" saad ko. Tinapik nila akong parehas at umalis na rin. "Maraming salamat" saad ko habang nakapikit.

Lumabas ako at dumeretsyo sa bilihan ng mga prutas.

Bumili ako ng mansanas, saging at orange na makakain niya. Nasa kwarto na si Dane ng makarating ako.

Mabilis pala umasikaso ang mga doctor at nurse na napuntahan naming hospital. Tama lang pala na rito kami pumunta.

Tulog si Dane kaya dahan-dahan kong nilagay sa lamesa ang mga prutas na binili ko

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Maayos lumabas ang baby girl natin, love. Salamat dahil nabuhay siya, kayong dalawa. Salamat dahil lumaban kayong parehas" saad ko habang hinahalikan ang kamay niya. Tumulo na rin ang luha ko dahil sa tuwa. "I love you. Can't wait to see our baby girl" saad ko sa kaniya. Tumayo ako para halikan ang noo niya.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now