CHAPTER 12

174 101 22
                                    

Clark's Point of View...

Nandito na kami nila Mommy, Daddy at Claire sa van para sunduin sila lola sa airport. Kakaalis lang namin ng bahay at 2:30 pa lang mg hapon.

Balak naming 2 o'clock umalis para hindi kami matraffic lalo pero itong si Claire ay ang bagal ang kilos. Paano ba naman tinapos pa ang pinapanood na k-drama.

- flashback -

"Claire, ano ba kumilos ka na nga" sigaw ko habang kinakatok siya.

Kanina ko pa siya kinakatok pero hindi siya sumasagot. Nakakailang akyat na rin si Manang para tawagin siya pero kahit si Manang ay hindi niya sinasagot.

"Saglit ending na ito. Promise" sagot niya sa loob.

"Sa byahe mo na lang ituloy 'yan. Naghihintay na sila lola" katwiran ko pa.

"Ano ba kayong mag-kapatid, sigawan nang sigawan. Abot hanggNg baba" sigaw ni daddy sa baba. Dinungaw ko naman siya.

"Tatapusin niya pa raw pinapanood niya" sigaw ko rin dahil hindi ako rinig sa baba.

"Hindi pa rin lumalabas kapatid mo?" tanong ni daddy sa akin.

"Hindi pa. Ending na raw ang pinapanood niya" sagot ko. Umakyat si daddy at kinatok ang kwarto ni Claire.

"Claire, kikilos ka o kukunin ko 'yang gadyet mo? Kanina pa kami naghihintay sayo baba. Puro ka ending na 'to at saglit lang. Bilisan mo d'yan, bibilangan kita ng limang minuto kapag hindi ka pa rin bumaba. Magpaalam ka na sa gadyet mo" paglilitanya ni daddy kay Claire.

"Oo na" sagot niya kaya sabay na kaming bumaba ni daddy.

- End of flashback -

Akala ko kanina ay kaming tatlo lang ang magsusundo pero kasama pala si Claire. Ayaw din naman kasi niya mag-sundo ng mga kamag-anak namin sa airport. Nakakapagod lang daw, magkikita rin naman sa bahay ang tanging dahilan niya.

Buti nga ngayon ay napasama siya. Kaso labag nga lang sa loob niya.

Tinext ko na kanina si Dane na aalis na kami ngayon. Nag-reply naman siya ng ingat daw kami nag-tanong din siya kung kailan ulit kami magkikita ang sagot ko ay hindi ko alam. Tapos ayon hindi na nag-reply.

"Kuya, 'wag ka ngang magulo" iritang saad ni Claire. Masama ang loob na tumingin sa akin, simula pa 'to ng umalis kami.

"Baliw ka na ba?" natatawang tanong ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Ikaw ang baliw. Ngumingiti ka d'yan mag-isa" at inirapan niya ako.

"Hindi naman ako gumalaw dito baka may iba kang katabi, ah. Baka nandito sa gitna natin" pananakot ko habang dahan dahang umuurong at tinuturo ang gitnang upuan sa pagitan naming dalawa.

"Kuya, 'wag ka ngang manakot!" saad niya at hinila ako kaya malapit na ako sa kaniya ng kaunti.

"Ano ba kayong dalawa. Kahit dito ay magsisigawan kayo. Hindi ba kayo mapaos paos?" sigaw ni daddy sa amin ni Claire.

"Si kuya kasi, e. Nanakot" saad ni Claire habang hawak pa ang braso ko at kinagat niya. Kaya inalis ko ang mukha niya sa braso kong kinagatan niya.

"Ang sakit!" saad ko habang hawak ang braso kong kinagat niya. Hinampas niya naman ako.

"Tama lang 'yan. Gusto mo pa dagdagan ko?" umirap na naman siya.

"Manahimik na lang kayong dalawa d'yan" saad ni mommy. Tinanguan lang namin sila at umayos na ulit ng upo.

Nag-cellphone lang ako habang nasa byahe. Katext si Dane. Si Claire ay nakatingin lang sa labas ng van. Himala at hindi nagce-cell phone, e, buhay niya na 'yon.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now