CHAPTER 31

118 60 23
                                    

Clark's Point of View.....

"Bakit hindi mo pinapansin si Claire?" tanong ni Dane sa akin pagkalabas ni Claire ng bahay.

"Anong oras na siyang umuwi kagabi. Ni hindi man lang nag-text o tumawag" sagot ko sa kaniya.

"Then?" tanong niya habang nakataas ang kilay. Parang ako pa ngayon ang may kasalanan.

"Kung may mangyari sa kaniya sa labas ay ako ang sisisihin ng mga magulang namin. Kasi ako ang kasama niya habang wala sila" patuloy ko at uminom ng tubig.

"Parang 'yon lang, Clark? Hindi mo na kikibuin ang kapatid mo? Simpleng bagay lang. Huwag kang childish" saad niya pa at umayos ng upo.

"Hindi lang 'yon simpleng bagay, Dane" asik ko at ako naman ang humarap sa kaniya. "Paano kung may mangyari sa kaniya? Sino ang may kasalanan? Ako 'di ba! Ako!" pagtataas ko ng boses sa kaniya kaya napahawak siya sa tenga niya. Kaya dali dali ko siyang hinawakan.

"Huwag mo'ko hawakan!" sigaw niya.

"Sorry" saad ko at niyakap siya.

"Hindi mo'ko kailangan sigawan, Clark" saad niya habang umiiyak na ngayon.

Naging mood swing na si Dane nitong nakaraang linggo. Dahil siguro sa pagbubuntis niya. Masaya kanina ta's biglang magagalit at iiyak.

Inintindi ko na lang dahil para sa anak namin dalawa 'yon. Kahit ano pa ang gusto niyang kainin ay handa akong bumili at ibigay sa kaniya.

"Sorry" paghingi ko ng tawad habang inaalo siya. "Nakakainis lang kasi si Claire" saad ko pa habang nakatingin ng masama sa pader.

"Okay. Aakyat na ako" saad niya at kumalas sa pagkakayakap ko. Agad naman lumapit si Manang para alalayan siya. "Magpalamig ka muna ng ulo. Maliligo at magpapahinga lang ako" saad niya pa. Hindi ako hinintay sumagot.

Umakyat sila ni Manang habang inalalayan siya sa hagdan. Wala akong nagawa kaya umupo na lang din ako at inis na sinambunotan ang sarili kong buhok.

Inisip ko lang naman kung paano kung napahamawak si Claire. Ako ang may kasalanan dahil hindi ko siya na bantayan.

Naiinis na rin ako kay Claire dahil minsan ay hindi na siya nagpapaalam sa akin, kung saan sila magka-kaibigan pupunta.

"Iho, ano ba ang nangyari sayo? Hindi mo p'wedeng sigawan si Dane, buntis ang tao" saad ni Manang pagkababa niya.

"Sorry, Manang. Nawala rin ako sa sarili ko" saad ko habang nakayuko sa harap niya.

"Iho, pag-usapan niyo 'yang mag-kapatid. Late ng umuwi si Claire, nakita ko pa siyang hinatid ng boyfriend niya" saad ni Manang habang nililigpit ang pinag-kainan namin.

"Kahit na, Manang. Lagi na lang siyang wala rito sa bahay. Laging nasa galaan. Hindi na siya nagpa-paalam sa akin. Concern lang naman ako sa kapatid ko"

"Naiintindihan kong naga-alala ka sa kapatid mo. Kay Claire. Pero 'wag kang padalos dalos sa ginagawa mo, lalo na kung si Dane ang kasama mo. Sensitive ang mga babae kapag buntis"

"Naiintindihan ko po."

"Sige na, umakyat ka na. May meeting ka pa mamaya para makapag-ready ka na" saad niya pa kaya tinanguan ko siya.

Umakyat na ako at tumingin muna sa pintuan ni Claire. "Hindi mo alam kung gaano ako naga-alala sayo, Claire" saad ko habang ini-imagine na nandoon si Claire sa loob.

Pumasok na ako sa kwarto ko at naririnig ko ang bagsak ng tubig sa sahig, naliligo pa si Dane.

Lumabas na siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Ilang months na lang ay lalabas na ang baby namin.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now