CHAPTER 2

460 220 227
                                    

“Wazzup mga marurupok sa earth” bungad ni Claudette sa amin ni Pinky.

Marupok sa earth? Baka si Pinky lang 'yon, at hindi ako.

“Excuse me?” nakataas na kilay na sambit ko.

“Hoy tabi, dadaan yung Reyna ng marurupok” natatawang sabi ni Claudette. Nagbigay pa ng daan. Inirapan ko nga siya.

“Padaanin niyo” natatawang gatong naman ni Alexa. Natatawa lang sa tabi ko si Pinky, dahil tapos na kami mag asaran.

Sumali ka ngayon, Pinky. Subukan mo lang talaga. Kung ayaw mong ngumuso ulit. Asar talo ka pa naman sa akin. Weak. Mahinang nilalang sa earth.

“I'm not marupok, okay. I'm not belong to you guys.” I rolled my eyes.

Mga panira ng araw, psh. Buti na lang maganda ako. Hindi ako nagpapaapekto sa mga taong 'to. Buti na lang din at kaibigan ko sila. Mahaba pa pasensya ko.

“Hindi marupok? Ikaw? Weh? Talaga? Hindi kapanipaniwala ha? Coming sa nagiisang marupok sa squad na ito?” si Alexa. Talagang tinuturo niya pa ako at pumapakpak na parang baliw habang sinasabi ang mga salitang iyon.

“Yes. Kanino ako naging marupok, aber? Pakisabi dali kung sino” atat na sabi ko. Kapag ito walang proof. Sila manlilibre ng lunch ko later.

“Kay Jerome, nakalimutan mo na? Kahit ilang beses kang lokohin at saktan ng pangit na 'yon, utong uto ka sa mga salita niya. Kahit nakakailang sabi na kaming hiwalayan mo, pero ikaw 'tong si tanga, pinagpapatuloy pa rin kasi ang sabi mo wala namang proof” si Claudette ang nag kwento.

Nilingon ko naman si Pinky na nagtatakip ng mukha dahil siguro sa kahihiyan at nakakatawang nangyari sa buhay ko.

My grade 8 boyfriend. Jerome Penqua, heartthrob noong grade 8 pa kami. I don't know, bakit din ako nagpakatanga sa taong 'yon. He's a bully of this school buti na nga lang ay umalis na siya at lumipat ng ibang school.

Doon na lang siya mambully or maybe nag bagong buhay na. Hindi naman masama 'yon kung magbagong buhay siya. Goods pa nga 'yon. Kawawa kasi 'yong mga taong nabubully niya. Laging grade 7. Siguro takot sa mga senior high kaya wala pang nakaaway na senior high.

Mas nakakahiya naman 'yong kay Pinky. No talk na lang, huh? Okay. Joke.

“First boyfriend, huh? Grade 8 lover, ew!” dumuduwal na sambit ni Pinky. Talagang nakisali pa oh.

“Nakakahiya naman 'yong sa inyo, ano? Kamusta naman 'yong ginawa mo Alexa kay Allen para lang mapansin dahil crush mo 'yong tao? Napansin ka nga, nadulas ka sa harap niya. Remember? Ta's tinawanan ka lang ng tao, imbes na tulungan. Kahit din naman kaming mga kaibigan mo natawa. Then, bigla kang tumakbo habang umiiyak ta's sabi mo nakakahiya kasi maraming nakakita ta's isa na do'n si Allen” mahabang sambit ko habang nakaharap sa kaniya. Akala ata ng mga 'to papatalo ako.

Papatalo? Isang Claire Ann? No way. Kahit nga kuya ko ay pinapatulan ko. Ito pa kayang mga pangit na 'to.

Mas maraming kahihiyan si Alexa nung grade 7 hanggang sa grade 8. Yes, dumaan kami sa pagiging jejemon. But now? Hindi na.

Apat na babae na kaya ng makipaglaban, makipagsagotan kahit kanino.

Sa aming apat si Alexa ang laging na fri-friendzone. Si Pinky naman ay busted dahil siya ang nanliligaw sa lalaki. Si Claudette naman ay walang tumatagal na lalaki dahil selosa. Ako? Syempre, ako ang pinaka mabait sa aming apat.

“Hoy! Sobra na 'yan ha!” sambit niya pero 'di ko pinansin. Naririnig ko pa siyang magsalita pero hinayaan ko na. Bad words na ang sinasabi eh.

Bumaling na lang ako kay Claudette na naghihintay ng sasabihin ko. Atat naman masyado. Chill.

LOVER | ✓Where stories live. Discover now