CHAPTER FOURTEEN

599 35 49
                                    

Cris

Ilang araw na kong lito. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Aaaaahhhh! Putcha!" sigaw ko at muling nagpalakad-lakad dito sa park.

"Bakit ba kasi ayaw niya kong kausapin?!" muli kong sigaw

Patuloy pa rin hanggang ngayon si Cassy sa panliligaw sa akin pero hanggang ngayon rin hindi pa ko kinakausap ni Alex.

"Ano ba kasing meron sa amin?!" nalilito na ko kung ano bang meron kami. Ang tagal kong hinintay na balikan ako ni Cassy pero ngayon naman na abot-kamay ko na siya, may kung anong pumipigil sa akin na bumalik sa kanya.

Si Alex.

Sa tuwing naiisip kong balikan si Cassy, naaalala ko si Alex.

"Gusto niya ba ako? Mahal niya ba ako?" tanong ko sa sarili ko at litong sinabunutan ang aking sarili.

Sabi niya mahal niya ko pero bakit niya ko iniiwasan? Wala ba siyang gagawin ngayon na pinipilit na kong agawin sa kanya ni Cassy.

"Kuya, excuse me po." napatigin ako sa dalagang kumalabit sa akin.

Napakasimple lang ng suot niya. Hindi tulad ng ibang mga dalaga dito. Nakapantalon at t-shirt lang siya. Naka-rubber shoes siya habang ang mga tulad niyang dalaga dito ay para bang nagpapagandahan ng suot na sandals o heels.

"Hindi naman po sa chismosa ako or nangengealam pero kung gusto niyo po talagang malaman yung sagot sa mga tanong niyo, kausapin niyo po siya." kunot-noo ko siyang tinignan.

Nginitian niya ako at umupo sa bench na malapit sa amin.

Tinitigan ko lang siya. Kilala ko ba 'tong batang to?

Tinignan niya lang rin ako at sinenyasan na umupo sa tabi niya.

"Kung ako po sa inyo, gumawa po kayo ng paraan para makausap siya." muling saad niya.

Alam kong masamang kumausap ng taong di ko kilala pero magaan naman ang loob ko sa batang to.

"Paano ko nga kakausapin kung iniiwasan niya ko?" tanong ko.

"Pwede naman po kayong gumawa ng paraan para magkausap kayo. Lahat naman ng bagay nagagawan ng paraan kung gugustuhin natin."

Napabuga na lamang ako ng hangin ng matauhan sa sinabi niya.

"Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko." saad ko at napatingin sa malayo "Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Naguguluhan na ko." muli ko siyang tinignan, para bang awang-awa siya sa akin.

"Naguguluhan po kayo kung mahal niyo siya?" tanong niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Tingin ko po, mahal niyo siya." nakangiting saad niya.

Napakunot naman muli ang noo ko. Paano naman niya nalaman na mahal ko si Alex? Ako nga mismo tong sobrang naguguluhan sa narardaman ko.

"Hindi naman po kasi kayo magkakaganyan kung hindi niyo po siya mahal."

Mahal ko nga ba talaga si Alex?

"Kung ako po sa inyo, halikan niyo." natatawang saad niya.

"Halikan?" naguguluhan kong tanong.

Tumango naman siya.

Huminga siya ng malalim na para bang mahaba-haba ang paliwanag na gagawin niya.

"Minsan kailangan po natin ng intimate connection sa isang tao para malaman natin kung ano nga ba sila sa atin." saad niya.

"Nahalikan niya na ko." naalala ko na naman yung araw na hinalikan ako ni Alex, yun din yung araw na sinabi niyang mahal niya ko.

"Eh di kayo naman po ngayon ang humalik sa kanya."

"Pero para po sa akin mas maganda yung yakapin mo yung taong nagpapagulo ng damdamin natin. Sa halik po kasi, labi lang ang magkalapat." napatingin siya sa malayo.

"Pero sa yakap parang buong pagkatao niya ang hawak-hawak mo. Tapos mararamdaman mo pa yung tibok ng puso niya, pwedeng kaparehas ng pintig sayo o hindi at dun niyo po malalaman kung mahal niyo nga po ba siya." dugtong niya at muli akong tinignan.

Napangiti ako nang maalala ko yung panahon na tanging yakap lang ni Alex ang nagpakalma sa akin.


Tumayo siya at inayos ang kanyang damit habang ako naiwang nakatulala sa kanya.

Ang bata-bata niya pa pero para bang mas alam niya pa ang ginagawa niya kaysa sa akin.

Para bang sigurado siya sa lahat ng bagay samantalang ako naguguluhan kung anong dapat gawin.

Siguro kinse anyos palang siya pero siya pa tong tumulong sa akin na ayusin ang mga bagay na gumugulo sa isip ko.

"Sige kuya alis na po ako." paalam niya bago tuluyang lumakad paalis.

Bago pa man siya makalayo, tinawag ko ang kanyang pangalan.

"Teka, bakit mo nga pala ginawa yun?" habol kong tanong.

"Yung pagkausap po sa inyo?" kunot-noo niyang tanong.

Tumango ako kasabay ng kanyang pagtawa.

"Mukha po kasi kayong tanga. Pinagtitinginan na rin po kasi kayo naaawa naman po ako sa inyo baka po ipadala kayo sa mental hostipal." natatawang saad niya. Natawa na rin ako ng maalala ang pinaggagagawa ko kanina.

Hindi ko na namalayan na pinagtitinginan na pala ako ng mga tao dahil sa ginagawa ko.

Siguro napapalakas na rin ang boses ko kanina hanggang mukhang tangang kausap ang sarili ko.

"Ako nga pala si Cris. Crisostomo Cupid Navarro." pagpapakilala ko at inabot ang aking kamay.

"Nice name, kuya Cris." nakangiti niyang saad bago makipagkamay sa akin.

"Jixzel Anaiah Alastair." pagpapakilala niya.  "Jian na lang po for short."

Kausapin.

Tama nga naman si Jian kung gusto ko talaga siyang kausapin pwede naman akong gumawa ng paraan.

Siguro naman may karapatan akong malaman kung anong nararamdaman niya sa akin. May karapatan naman siguro akong malaman kung mahal niya ako.

Agad kong kinuha ang telepono ko para tawagan ang taong alam kong makakatulong sa akin.








Hanash ni Author:

Hey Merry Christmas! Hindi na prank yan HAHAHAHAH

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon