CHAPTER EIGHTEEN

478 31 39
                                    

Cris

Maingay sa loob ng bar ni Billy ngayon pero mas maingay ang mga tumatakbo sa isip ko.

Hindi pa rin bumabalik si Alex sa bahay pero pagkatapos naman ng araw na nagkita kami lagi na kaming nag-uusap.

Napag-usapan namin yung mga gagawin niya sa linggong ito. Sobrang busy din niya kasi ngayon kaya siguro di pa siya makakauwi sa bahay.

Pero sa dami nang napag-usapan namin hindi niya pa rin sinasabi ang dahilan kung bakit ganun ang sinagot niya sa tanong ko.

Ano bang masama sa pakikipagkaibigan sa akin?

"Hoy!" tila ba bumalik ang ulirat ko sa panggugulat ni Billy.

"Lalim ng iniisip ah," saad niya at inabot sa akin ang basong may lamang serbesa.

Agad ko naman itong tinanggap.

"Ano na naman bang problema mo ngayon?" tanong niya

Hindi ko nga rin alam kung ano ba talagang pinoproblema ko. Ano ba sa mga nangyari ang dapat kong problemahin?

"Hindi ko alam," simpleng sagot ko

"Anong hindi mo alam?" tinignan niya ko ng makahulugan bago humagalpak sa tawa.

Kunot-noo ko naman siyang tinignan.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Ngayon ko lang napansin na tuwing pumupunta ka dito lagi kang may problema dyan sa nagrenta sayo," sagot niya bago inumin ang kanyang serbesa.

"Lovesick ka na kuys," dagdag pa niya

"Nalilito lang kasi ako sa trip ni Alex hindi ko alam kung bakit ganun siya sa akin." nilaro-laro ko ang basong hawak-hawak ko. Nag-moist na ang baso dahil unti-unti nang nalulusaw ang yelo nito. Pero nandun pa rin yung lamig nabumabalot rito.

"Minsan parang kami pero madalas kasing lamig ng alak na to yung pakikitungo niya sa akin."

"Ano ba kasing ini-expect mo?" tanong niya

Ano nga bang ini-exepect ko?

"Label? Gusto mo bang magka-label kayo?"

Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa kanya nung nakaraan, hindi naman siguro masamang magkaroon ng label.

"Hindi naman pang magkarelasyon lang yung label, pwede namang as friends lang diba?"

"Tanga!" natatawa niyang saad at binatukan pa ko

"Diba trabaho lang ang gusto mo sa kanya?" tumango naman ako bilang pag sang-ayon.

"Tanga ka talaga" muli niya kong binatukan

"Kung trabaho lang ang gusto mo bakit kailangan mo pa ng label sa inyong dalawa?"

"Kasi..." wala akong maisip na idugtong sa sasabihin ko.

"Kasi?" tanong niya

Tinignan niya lang ako habang naghihintay ng isasagot ko pero hanggang ngayon di ko pa rin alam kung anong dapat na isagot.

"Wag mong sabihing ginagamit mo lang si Alexander para makipagbalikan kay Cassandra," agad naman akong napailing.

"Gusto nang makipagbalikan sa akin ni Cassy." bakas ang pagkabigla kay Billy sa sinabi ko

Ikwinento ko na rin sa kanya kung paano ako nililigawan ngayon ni Cassy. Pati na rin ang lahat ng efforts niya para mapasagot ako.

"Oh ano pang hinihintay mo bakit di mo balikan?" saad niya

Alam kong di gusto ni Billy si Cassy para sa kin pero ngayon na sinabi ko sa kanya lahat ng ginagawa ni Cassy para magkabalikan kami at lahat ng pagbabago niya, ngayon boto na rin si Billy para sa aming dalawa.

"Gusto ko na paghirapan niya rin ako."

Sandaling pumagitna sa amin ang tugtog sa loob ng bar niya. Bago niya ko muling tignan.

"Yun ba talaga o nalilito ka na rin sa nararamdaman mo kay Alex?" ibinuka ko ang bibig ko para sana sagutin ang tanong niya pero walang salitang lumabas mula sa bibig ko.

Sandali kaming nanahimik bago ko nagawang makaisip ng isasagot.

"Tatapusin ko lang siguro yung trabaho ko tapos..." hindi ko maituloy ang sasabihi ko kasi di ko alam kung ano bang dapat na sabihin

"Tapos?" tanong niya pero tahimik ko lang siyang tinignan

"Babalikan mo si Cassy o tototohanin mo na yung sa inyo ni Alex?"















Ilang oras din kaming nagkwentuhan ni Billy tungkol sa mga nangyayari ngayon sa buhay namin.

Ilang serbesa na rin ang naubos namin bago ko napagdesisyonan na kailangan ko nang umuwi bago pa ko tuluyang gumapang palabas ng bar niya.

Halos magpagewang-gewang na ko palabas ng bar ng may nag-txt sa akin, nagtatanong kung nasaan ako.

Timing, wala na rin kasi ako sa tamang wisyo para umuwi mag-isa kaya agad naman akong nag-reply at nagpasundo.

Muli siyang nag-text at tinanong kung nasaan ako, napabuga na lang ako ng hangin. Paulit-ulit man 'tong isang to.

Naiirita man ay muli akong nag-reply at sinabi ulit kung nasaan ako.

Ilang sandali lang akong naghintay ng may kotseng tumapat sa akin.

"Hoy ikaw bakit di ka nagparamdam ha?" bungad ko sa kanya nang makababa siya sa kotse.

"Magkasama lang tayo nung nakaraan, na-miss mo na ko agad?" tanong niya

Pagewang-gewang man ay nilapitan ko pa rin siya.

"Sa susunod tuturuan na kita kung paano ang tamang paghalik," saad ko bago ko tuluyang ilapat ang mga labi ko sa labi niya.










Hanash ni Author:

Hoy miss me? HAHAHAHAHAHA Luh? Joke lang wag magalit babawi na nga ito na HAHAHAHAHAH

Salamat sa votes, comments at pag-follow. Wuv u











You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon