CHAPTER TWENTY-NINE

279 30 17
                                    

Cris

"Akala ko ba hayaan na lang?" saad ni Lassy nang makalapit kami ni Alex sa table nila.

"Bakit may pa show bigla?" nakangising saad naman ni MC

Bilang gentleman, sinigurado ko munang nakaupo na si Alex at kumportable na siya sa kaniyang upuan bago ako umupo sa tabi niya.

"Hindi ko kayang tiisin," sagot ko at niligon si Alex.

"Nagselos ka?" nakangising tanong ni Alex at inilapit ang mukha niya sa akin.

"May dapat ba akong ipagselos?" balik kong tanong at nagnakaw ng halik sa kaniyang labi.











Tahimik kong pinagmamasdan ang mga tao sa party ni Karylle. Lahat sila ay nakasuot ng magagarang suit at dress.

Ganitong ganito yung mga party na kadalasang ginagawa ng tatay ko noon.

"Crisostomo Cupid Navarro?" agad kong nilingon ang taong tumawag sa buong pangalan ko.

Nakita ko ang isang lalaki na halos magpagewang-gewang na sa kalasingan na lumalakad palapit sa akin.

"Ikaw nga!" muling saad niya nang magtagumpay siyang makalapit sa akin.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nakangiting umiling.

"Hey Peter!" sigaw niya na dahilan kung bakit kami pinagtitinginan ngayon ng mga tao.

Ilang sandali lang ay may lalaking lumapit sa amin. Agad siyang inakbayan ng lasing na lalaking nasa harapan ko.

"I want you to meet Crisostomo Cupid Navarro, the prodigal son of Mr. Kimpoy Navarro" pagpapakilala niya sa akin

"And Crisostomo, this Anthony Wright Sanchez, illegitimate child of Mr. Carlos Sanchez." muli kong tinignan ang lalaking pinapakilala niya. Ngayon alam ko na kung bakit pamilyar siya.

Anthony Wright? Eh si Sir Patrick yan ah

"Nandito ka rin pala Cris," nakangiting saad ni sir Patrick

"Sinamahan ko lang si Alex dito," bakas sa mukha ko ang pagkalito. Ang daming katanungan ang tumatakbo ngayon sa utak ko.

"Alex? You mean si Alexandra?" agad niyang tanong at lumingon sa paligid na tila ba hinahanap si Alex.

Nang makita niya ito ay para bang meron siyang napagtanto.

"Oo nga pala, magkaibigan nga pala si Alexandra at Karylle." saad niya at lumapit para umakbay sa akin.

Tuloy tuloy siyang naglakad habang nakaakbay sa akin at tuluyan nang iniwan yung lasing na lalaking tumawag sa kaniya.

"Sa wakas nakaalis din." ani niya nang makalayo na kami sa lalaking yun.

"Sino nga pala yun?" tanong ko

Nang muli kong tinignan ang lalaking iniwan namin, nakahanap na agad siya ng mga bagong bwibiwsitin. Para bang naghahanap siya ng away nang lumapit siya sa table nang mga model ng isang sikat na clothing brand.

"Si Karl Ramos yun, isa sa mga mayayabang na business partner ng tatay ko." sagot naman ni sir Cris at inabot sa akin ang isang baso ng wine.

"By the way, hindi mo naman sinabing anak ka pala ni Mr. Kimpoy Navarro,"saad niya at lumapit sa isang bakanteng table.

Agad namang nilinis ng isang waiter ang table at bago tuluyang umupo si sir Patrick.

"Hindi naman ganun kahalaga yun sir Patrick," sagot ko at umupo na rin sa katapat niyang upuan.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon