CHAPTER FORTY-EIGHT

231 24 14
                                    

Hindi niya alam kung anong nangyari. One second they were making out then now, Cris is nowhere to be found.

Akala niya makakarating na sila sa next base. Ready na siyang ibigay ang susunod na stage kay Cris pero bigla na lang itong huminto at pinagdamit siya.

"Maghahanda lang ako ng almusal natin," nakangiting saad nito habang pinupulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig.

Nanatili lang siyang nakahiga habang naguguluhang tinitignan si Cris.

Namumula ang mga labi nito dahil sa ginawa nila. May ilan din itong mga marka sa katawan na hanggang ngayon ay hindi nito sinasabi kung paano niya nakuha.

Kaya palaisipan pa rin kay Xandra kung siya ba ang may gawa nito.

Pero kung titignan ay parang bago pa ang mga markang meron si Cris sa kaniyang leeg. Namumula pa ang ilan sa mga ito.

"Saan mo nakuha yan?" tanong niya at itunuro muli ang mga marka.

"Sayo," tipid na sagot nito at lumabas na ng kwarto.

Tila ba tumigil ang mundo dahil sa sinabi ni Cris.

Para bang nakumpirma na niya na may nangyari nga kagabi na hindi niya maalala.

Pero mas pansin niya ang pagkabitin niya ngayon at ang pag-iwan sa kaniya ni Cris sa kwarto.


















Naligo siya at nag-ayos ng kaniyang sarili. Tinignan niya sa salamin kung anong itsura niya ngayon.

Tulad ni Cris ay namumula rin ang kaniyang mga labi. Napangiti siya nang maalala niya kung anong ginawa nito sa kaniya kanina.

Sa tagal nilang nagsama at nagkunwari ay ngayon lang ginawa sa kaniya yun ni Cris.

Iniisip niya kung dahil ba sa wala na silang kontrata kaya mas malaya nang kumilos si Cris at baka nga totoong may nararamdaman na rin ito sa kaniya.

Pero nandun pa rin ang pagdududa niya na baka dala lang ito ng isang mapusok na araw at baka humantong sa parehas na lang nila itong kakalimutan.

Napailing na lamang siya sa kaniyang mga naiisip.

Ngayon niya naramdaman na masakit ang katawan niya at para bang pagod na pagod siya.

Nakaramdam na rin siya ng gutom kaya minabuti na niyang bumaba at tignan kung anong niluto ni Cris para sa kanila.











Sa kaniyang pagbaba ay bumungad na agad sa kaniya ang mabangong amoy ng niluluto ni Cris.

Nang makaabot na siya sa kusina ay nakita niya itong wala pa ring pang-itaas at tanging apron lang at pantalon ang suot.

"Kailan ka pa naging hubadero ng taon?" nakangiting saad niya at pinagkrus ang kaniyang mga braso.

Hinarap naman siya ni Cris at sa tingin niya ay tapos na ang niluluto nito.

"Kanina lang?" sagot nito at nilapitan siya.

Nakangiti ito sa kaniya at nang makalapit ay agad na nagnakaw ng halik.

"Tara na, kain na tayo," malambing na ani nito at hinawakan ang kamay niya.

Nang makarating sa mesa ay pinaghila siya nito ng upuan at nang makaupo na siya ay muli itong humalik bago balikan ang kaniyang mga niluto.

Napapaisip na lang tuloy siya kung nananaginip ba siya ngayon at bakit ganito ka-sweet sa kaniya si Cris.

Nakangiti siya nitong pinaghaingan at nang matapos at umupo na rin ito sa tapat niya.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon