CHAPTER SEVENTEEN

380 26 5
                                    

Cris

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa loob na ko ng condo ni Franz Marquez.

Sobrang ganda ng condo niya. Hindi ko alam kung condo pa ba 'to o mansyon na. Pero ano pa nga bang inaasahan ko sa isang tulad niya na kabilang sa pinakamayaman sa bansa.

"So ano palang pangalan mo ijo?" pagbasag niya sa katahimikan

"Crisostomo Cupid Navarro po" magalang na pag sagot ko at medyo nanginginig pa ang kamay sa kaba.

"So I can call you Cupid, right?" napatahimik ako sandali sa sinabi niya.

Cupid, tulad ng tawag sa akin ni Cassy.

"No. Call him Cris." singit naman ni Alex sa usapan namin.

Sasagot na sana ako pero si Alex na ang sumagot para sa akin. Tumango-tango naman siya bilang pagsang-ayon kay Alex.

Muli kaming nabalot ng katahimikan. Napakahirap palang maging ganito kalapit sa tito ni Alex, nakakakaba.

Ngayon ko lang napansin na may ibinigay nga palang kape sa akin si Alex kanina.

Di ko namalayan na lumamig na lang pala ito sa tagal kong pagtitig lang sa paligid at paghintay na kausapin ako.

Kaya agad naman ko naman itong ininom

"So Cris, boyfriend ka ni Alex?" muntikan ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko dahil sa tanong ng tito ni Alex.

"No." sagot ni Alex "Opo" sagot ko

Sabay naming sinagot ni Alex ang tanong niya, nagkatingin na lang kami ni Alex dahil magkaiba ang sagot namin.

"Ano ba talaga?" naguguluhang tanong ng tito ni Alex.

"Hindi po." sagot ko "Yeah" sagot naman ni Alex

Tumawa naman siya na dahil sa naging sagot namin.

"One night stand?" muling tanong niya.

"Hindi po." agad ko namang sagot na may kasamang pag-iling

"Pwede." kibit-balikat na sagot naman ni Alex

Napapailing na uminom ng kanyang tyaa si Sir Franz.

"Magkaibigan po kami." saad ko at nakangiting umakbay kay Alex.

"Yeah kita nga yung pagiging magkaibigan niyo kanina, sobrang close niyo." napawi ang ngiti ko sa sinabi niya

"Halos maghalikan na nga kayo sa pamamahay ko." dagdag pa nito.

Nagkatinginan naman kami ni Alex. Parehas ata naming nakalimutan na konting espasyo lang ang meron kami ngayon at isang maling galaw ay maglalapat na ang labi namin.

Agad naman akong umiwas at bumitaw sa pagkakaakbay sa kanya.

"Wala pa po kaming label, Sir."

"Sir? Ako? Please Cris, Franz na lang ang itawag mo sa kin." nakangiting saad ni Franz

Napabuntong hininga naman ako dahil dun. Kahit ako di ko alam kung ano bang label namin ni Alex.

"Alam niyo lumabas muna kayong dalawa at alamin kung ano ba talagang namamagitan sa inyong dalawa. Ako ang naloloka sa trip niyo."










Tulad ng sinabi ni Franz ay lumabas nga kami ni Alex. Pero ganun pa rin, wala pa rin ata soyang balak na kausapin ako.

Tuloy-tuloy lang siya sa paglakad. Ni hindi man lang ako hinihintay.

Magkasama nga kami ngayon pero bakit parang ang layu-layo niya pa rin sa akin?

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako.

"Pag hindi mo binilisan yung paglalakad mo, iiwan kita dito." masungit niyang sabi

"Ang aga-aga galit ka na naman." nakangiti kong sabi habang unti-unting naglakad papunta sa kanya.

Tinignan niya lang ako na para bang inip na inip na siya.

"Kung gusto mo talaga akong iwan, dapat kanina pa." hinawakan ko ang kamay niya nang maabutan ko siya.

"Ang bagal mo kasing maglakad." masungit niyang saad.

"Bakit ko naman bibilisan kung ito lang yung pagkakataon ko para makasama ka ulit," saad ko at tinignan ang kamay naming magkahawak.

"Alam kong wala ako sa posisyon para hingiin to sayo pero pwede bang klaruhin muna natin kung ano tayo?" seryoso kong saad at tinitigan siya.

"Hindi mo ba alam na tao ka?" sarkastiko niyang sabi.

"Gusto ko lang na magkaroon tayo ng label." napahinto ako sa aking sasabihin ng mapagtanto ko na may mali sa sinabi ko.

"I mean label na kahit magkaibigan lang. Pwede ba tayong maging magkaibigan?" saad ko. Muli kong tinignan ang kamay naming dalawa at dahan-dahang pinipisil ang kamay niya.

Hindi naman siguro masamang magkaroon kami ng label kahit magkaibigan lang.

At least kung sa susunod na may magtatanong sa amin tulad ni Franz, alam na namin ang isasagot.

Tahimik niya lang akong tinignan bago mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.









"Hindi." nakangiting sagot niya bago tuluyang maglakad hawak-hawak ang kamay ko.













Hanash ni Author:

Sabi sa inyo babawi ako. Ayaw lang maikisama ng net HAHAHAAHAHAH
Thank you sa vote and comments promise sisipagin na ko HAHAHAHAHAH


You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon