CHAPTER TWELVE

560 31 19
                                    

Cris

Nakadagan pa rin sa akin si Alex hanggang sa pag alis ng nanay niya. Para bang wala siyang balak na umalis sa taas ko.

"Uy tumayo ka na!" pinipilit ko siyang itayo pero patuloy lang ang pagmamatigas niya.

Wala na kong choice kundi kilitiin siya para lang makawala sa pagkakadagan niya.

Patuloy ko siyang kinikiliti hanggang sa mapatawa ko siya at makaalis sa posisyon namin.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" tanong ko

Nanatili lang siyang nakaupo sa sahig nang makatayo ako at tinititigan niya ang nasa pagitan ng hita ko.

"Filipino ka ba talaga?" nakangising tanong niya habang nakatitig pa rin rito.

Tinignan ko rin ang nasa pagitan ng hita ko.

Gago bakit naging ganito 'to?

Agad kong kinuha ang unan na malapit sa akin at itinakip sa pagitan ng hita ko.

"Oo naman. Pinoy na pinoy kaya ako." ang hirap namang patahimik ni Cris junior.

Umiling-iling naman si Alex na para bang mali ang sagot ko.

"Well parang di pang Pinoy yung size nyan." sabi niya at itinuro si Cris junior gamit ang labi niya.

Bakit ngumu-nguso ang isang to?

"Hoy kung ano-ano na namang sinasabi mo!" tinawanan niya lang ako, kaya binato ko sa kanya ang kumot na nasa sahig.

Patuloy lang siya sa pagtawa at tuluyan nang tumayo.

Humiga siya sa kama at sumandal sa head board nito.

Makahulugan niya kong tinignan para bang may pinapahiwatig. Maya-maya pa ay muli niyang hinuhubad ang pambaba niya.

Putcha ano bang trip niya?!

"Tara na dito!" sabi niya at muli akong tinawag para tumabi sa kanya.

Ibinato ko sa kanya yung unan na hawak ko. Huli na ng maalala ko kung bakit ko nga ba hawak yun.

Muli siyang ngumisi ng makita ang pagkakamali ko. Tinakpan ko naman muli si Cris junior gamit ang aking mga kamay.

"Sayang naman yung paggising ko dyan kung di kami makakapaglaro." sabi niya at tumayo.

Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin habang nakangisi.

Sa kaba ko agad akong tumakbo papasok sa banyo dala-dala ang pantalon na pinulot ko at agad na sinara ang pinto.

Buti na lang pakalat-kalat yung mga damit ko dito sa kwarto.




"Hoy magkano babayaran ko para sa date na 'to?" biglang tanong niya habang nasa gitna kami ng byahe.

Oo nga pala, may bayad rin ang date namin ayon sa contract ko. Base sa contract may dagdag na bayad sa akin pag nag-date kami.

"Wala. Ako ang nagyaya kaya libre 'to." saad ko. Hindi ko naman kailangan ng bayad para sa date na 'to, gusto ko lang siyang makasama.

Sa totoo lang di ko talaga alam kung saan dadalhin si Alex para sa date namin. Hindi naman kasi talaga 'to planado.

Nung nakita ko kasi yung lungkot sa mga mata niya kanina, isa lang ang gusto komg gawin; ang pasayahin siya.

"Ang ganda dito." saad niya nang makarating kami

Bumaba siya agad ng sasakyan at mas pinagmasdan ang tanawin.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon