CHAPTER THREE

889 27 6
                                    

Cris
Hindi naman pala mahirap ang mag apply sa Grab Boyfie App na yun. Kailangan lang ng birth certificate, baranggay clearance, NBI clearance, Police clearance, x-ray result, health clearance, diploma, medal, last pay slip, CEDULA, Mayor's permit, drug test result, Proof of billing, transcript of records, SSS/ PAG-IBIG membership at higit sa lahat kailangan gwapo ka at may abs.

Biro lang. Wala naman na akong kailangang requirements na ibinigay maliban sa birth certificate ko at health clearance.

Sabi ng mga nakasabay kong mag-apply marami raw talagang requirements ang hinihingi pero dahil siguro kilala nila Jugs ang may ari nito, hindi ko na kailangan ng mga yun.

"Cris hintayin mo na lang na may umoder sayo para maibigay na namin yung contract mo at para mai-deliver ka na."sabi ni Sir Pat. Siya yung may-ari ng Grab Boyfie App at ito nga ako ngayon, nasa agency nila hinihintay ko na lang na may umorder sa akin.

Hayep no? Parang pagkain lang, may free delivery.

"VIP Bofie ka, kaya ang sweldo mo ay 250,000 kinsenas katapusan at iba pa dyan ang ibibigay sa'yo ng magiging girlfriend mo. Mabibili ka sa halagang 500,000." pakiramdam ko tuloy para akong paninda na nilalako. Pero wala na kong magagawa nakapirma na 'ko sa trabahong 'to.

"Nakabase sa magiging girlfriend mo kung ano ang magiging laman ng contract mo. For example, gusto niya 1 month lang kayo, tapos gusto niyang may holding hands, hugs, kiss or even alam mo na yun. Sa relationship niyo, siya ang masusunod." teka, ibig sabihin magiging under ako sa girlfriend ko?

Pero sabagay pera naman ang kapalit kaya pwede na rin.

"Iba rin ba ang kita nun?" aba, dapat sure na may kita rin yun. Hindi ako cheap para hindi bayaraan.

Tumango- tango siya bilang kasagutan. "Iba rin ang bayad na yun depende sa girlfriend mo."

"Paano kung panget ang makakuha sa akin?" naisip ko lang kung anong magiging kalagayan ko kung mukhang bakulaw yung girlfriend ko. Nakakadiri naman ata yun.

Natawa si Sir Pat sa sinabi ko. Hoy! Walang nakakatawa dun, tipikal lang na tanong yun.

"Kung panget pero mababayaran ka, pagtiisan mo na. Pero kung panget na nga tapos hindi pa makabayad, kami na ang gagawa ng paraan para makuha ka sa kanya."

"Wag kang mag-alala Cris, dahil kaibigan ka ni Jugs and Teddy, ako na ang bahala sayo. Ibibigay lang kita sa karapat-dapat sayo."

"Salamat talaga Sir Pat." malaking halaga yung trabahong 'to kaya dapat lang na magpasalamat.

Nag-usap pa kami ng tungkol sa trabaho ko ng biglang sumigaw yung secretary niya.

"OMG! Sir Pat, may nag-order na kay Cris! 350,000 per week ang bayad. Nagbayad na rin siya. 6 months ang contract, live-in ang status and they have to act like a true couple, an intense and loving couple. 30 minutes from now na daw kailangan si Cris." hyper na sabi nung secretary niya. Hayep! Mas excited pa siya kaysa sa 'kin.

"Sino naman siya?" tanong ni Sir Pat. Sana mayaman, maganda, sexy at mayaman ulit.

"Sir, your friend po si Miss Perez." parang nagningning yung mata ni Sir Pat sa sinabi ng secretary niya. Mukhang mapangkakakitaan niya talaga ako ng husto.

"Oh the Model in New York? Yung anak ng sikat na business man?" paninigurado niya.

Uy, model daw sa New York at anak rin daw ng business man, mukhang dream come true 'to!

"Yes sir, siya nga yun! "nakangiting sabi nung secretary

"Then great. I-deliver niyo na si Cris, ngayon na."agarang sabi ni Sir Pat. Teka, agad-agad? Kaya ba pinagdala na  niya ako ng sangkaterbang damit at mga gamit ko para agad-agad na i-deliver?

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon