CHAPTER FORTY-NINE

196 22 13
                                    

Cris

Matapos kong ikwento kay Alex ang nangyari sa amin kagabi ay hindi na siya nagtanong pa at hindi na rin niya ako kinausap buong araw.

Hindi ko naman alam kung anong mali sa ginawa ko.

Humingi naman ako ng pasensya sa nagawa kong kapusukan. Sinabi kong nadala lang siguro ako ng alak at damdamin ko tapos ayun pinagbagsakan naman niya ako ng pinto.

Kaya ito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng kwarto niya, pinag-iisipan kung paano ko siya kakausapin na hindi na niya ako pagsasarhan ng pinto.

Masakit pa kasi yung ilong ko mula dun sa pagsara niya kahapon. Nakakatakot na baka lalo akong mapango dahil sa kaniya.

"Alex," malambing na pagtawag ko sa kaniya kasabay ng pagkatok ko.

"Pasok," sabi niya kaya naman agad kong binuksan ang pinto.

Nang makapasok na ako ay dun ko lang napansin na nagbibihis pala siya.

Wrong timing pala ang pagpasok ko sa kwarto niya.

Agad akong tumalikod yakap-yakap ang envelope na dala ko para hindi ko makita ang pagtanggal niya ng tuwalyang tanging nakabalot sa kaniya.

"Anong ginagawa mo?" inosenteng tanong niya habang pinipihit ko naman pabukas ang pinto.

"Wrong timing ang pagpasok ko, mamaya na siguro tayo mag-usap." saad ko at binuksan na ang pinto.

Pero hindi pa ito nakabukas maigi ay agad naman na itong sinara ni Alex at pinilit akong iniharap sa kaniya.

Nanatili pa rin akong nakapikit, natatakot na baka may makita akong hindi ko dapat makita.

"Bakit nakapikit ka? Parang hindi mo 'to nakita kagabi." saad niya

"Promise hindi ko nakita." kinakabahang ani ko at mas idiniin pa ang aking pagkakapikit.

"Wala akong nakita kagabi." dagdag ko pa

"Talaga?" saad niya at tila ba nang-aakit ito.

Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko at panaka-nakang idinadampi ang labi niya.

"Sabi ko naman sayo matapos yun, sa banyo na ko dumiretso." sagot ko naman at pilit umiiwas kahit na hinaharangan ng mga kamay niya.

"Sinong nagbihis sa akin?" muling tanong niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ako... Pero maniwala ka hiningi ko ang tulong ni nanay Nancy kaso wala pala siya dito kaya nung bumalik ako pinatay ko na lang ang ilaw tsaka kita binihisan para wala akong makita." pagpapaliwanag ko

Dahil totoo namang hinanap ko si nanay Nancy dito. Nilibot ko na nga ang buong bahay para lang mahanap si nanay, para siya na ang magbihis kay Alex. Pero kahit anong hanap ko ay wala talaga siya kaya bumalik na lang ako sa kwarto at pinatay ang ilaw para wala akong makitang hindi dapat.

"Bakit suot-suot ko yung polo mo?" hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya ngayong ramdam ko ang hininga niya sa mga labi ko.

Hindi naman na bago sa akin ang paghalik sa kaniya sadya lang na hindi ako sanay na ganito siya.

"Matapos kasi kitang punasan, nakipaghilaan ka ng damit sa akin nung gabing yun. Gusto mong isuot ang damit ko kaya hinayaan na lang kita." sagot ko habang pilit iniiwas ang mukha ko sa kaniya hanggang sa tumama na nga ang likod ng ulo ko sa pinto.

Bahagya kong narinig ang tawa ni Alex habang napakalakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

Pero para bang ang saya-saya niya sa sitwasyon ko.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon