CHAPTER TWENTY EIGHT

310 30 21
                                    

Cris

Pag sapit ng alas-7 ng gabi nag- message na sa akin si Alex. Binigay niya lang sa akin ang address ni Karylle at sinabing sa party na lang raw kami magkita.




Dahil wala naman akong sasakyan, pinili ko na lang na mag- jeep papunta sa address na binigay ni Alex.




Pero dahil hindi naman pinapapasok ang jeep sa loob ng village nila Karylle at ayoko din naman magsuot ng suit habang bumabyahe sa jeep, sa pinakamalapit na fast food restaurant ako pumara para makapagpalit rin muna ng damit.



Hindi naman pwedeng pumunta ako sa party ni Karylle na nakamaong na pantalon at t-shirt lang.



Nang makapagpalit na ko ng damit, pinagtitinginan naman ako ng mga tao. Sabagay sino nga bang matinong tao ang oorder ng burger at fries habang nakasuot ng suit? Pero wala naman akong magagawa dahil nagugutom na ko at paniguradong lalakarin ko ang papunta kila Karylle.



Nang makuha ko na ang order ko ay nagtanong muna ako sa guard para malaman kung saan ba ang tamang daan papunta sa address na yun o kung may pupwede ba akong sakyan papunta dun.









Sa kabutihang palad naman, may tricycle na pwedeng sakyan papunta kila Karylle.

Nakakatawang tignan na sa gara ng suot kong suit na bigay ni Alex, sa tricycle lang ako bababa.

Habang ang mga nakikita kong mga taong papasok sa party niya ay may kaniya-kaniyang magagarang sasakyan.


Kung nagpakabuti siguro akong anak baka ang pinakamaganda at pinakamahal na kotse ang sinasakyan ko ngayon.


Nakaka-miss rin palang imaneho ang Ferrari 458 Italia ko. Kung alam ko lang na huling beses ko na yun imamaneho, sana pala itinakas ko na rin yun sa tatay ko.

Habang naglalakad ako papasok ay inaalala ko yung panahong namamaneho ko pa yung sasakyan ko.



"Hey Cris," bungad na bati sa akin ni Karylle at humalik sa aking pisngi.

"Nasaan si Xandra? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong niya nang mapansin na hindi ko kasama si Alex.

"Sabi niya dito na lang daw kami magkita."

Medyo nako-conscious na ko sa sobrang lapit sa akin ni Karylle. Mahirap na baka may kakaibang amoy na hatid na rin ang pagsakay ko sa jeep at tricycle.

"You look perfect tonight Cris," nakangiting saad niya at inamoy ako "And plus points pa because you also smells great."

Nahihiya naman akong nagpasalamat sa kaniya bago niya ako iwan sa table kasama sila MC at Lassy para mag-asikaso ng mga guest niya.

Pagkaupo ko pa lang ay alak na agad ang ibinigay nila sa akin na agad ko rin namang tinanggap dahil parang ngayon ko talaga ito kinakailangan.


Tulad ni Karylle ay hinanap rin nila sa akin si Alex. Pero tulad nila hindi ko rin naman alam kung nasaan siya.

Daig pa niya ang hotdog sa freezer sa sobrang cold niya pero wala rin naman akong karapatang magreklamo dahil kasalanan ko rin naman kung bakit kami nagkaganito.




Naputol ang pag-iisip ko tungkol kay Alex nang kalabitin ako ni Lassy.



"Ay Cris nakita ko na ang bakla,"saad niya at itinuro ang taong nakatayo sa di kalayuan sa harapan namin, sa pamamagitan ng kaniyang nguso.

"Naku Cris, gumalaw-galaw ka na may balak pa atang sumulot ng jowa mo," saad naman ni MC nang makitang nagtatawanan si Alex at Ian sa harapan namin.

Hindi ko alam kung dapat ba kong lumapit sa kanila. Mukha naman kasing masaya si Alex habang kausap si Ian.

"Mukha namang masaya siya." pinagtinginan nila akong dalawa na para bang tinubuan ako ng ikalawang ulo.

"Hindi ka man lang ba magseselos?" sabay nilang tanong

Selos?

Yun nga siguro yung pakiramdam na gumugulo ngayon sa akin. Pero anong magagawa ko, wala naman akong karapatan




Nakita kong mas nagiging malapit sila sa isa't isa at may paghimas pa.

Bakit kailangan himasin ni Ian ang braso ni Alex?

Na ginagantihan din naman ng himas ni Alex at may pagpisil pa sa braso ni Ian.

Ano sila poon? Kailangan talagang maghimasan?


Alam kong hindi dala ng alak ang naging desisyon ko dahil hindi ko pa nga nauubos ang laman ng baso ko. Pero kung dala man to ng emosyon ko ngayon, wala na kong pakealam.

Sabi niya ngayong gabi niya ako kailangang magpanggap na boyfriend niya, kaya ngayong gabi boyfriend niya ako.

Sa ayaw o sa gusto niya.


Tumayo ako at dali-daling lumapit kay Alex.


Nang makalapit ako ay agad ko siyang marahan na hinila palapit sa akin at hinalikan ang kaniyang pisngi.

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap," saad ko at ginawa ang kinaiinisan niyang pout.

Aysus alam ko namang naku-cute-an siya sa akin pag naka-pout ako.

Nakita ko ang panandaliang pamumula ng pisngi niya.

Blush?


Kinilig na agad siya sa simpleng ginawa ko?


"Wag ka nang magalit, bati na tayo," muling saad ko nang hindi siya sumagot at hiniling ko sa kung sino man ang patron ng mga cute na sana cute ako sa lagay na to.

"Sorry na," hinarap ko siya sa akin at pilyong hinalikan ang kaniyang leeg.

Narinig ko ang impit niyang boses habang ginagawa yun. Wala akong pakealam kung nasa harap namin si Ian. Ang importante nakalimutan na yun ni Alex habang ang isang kamay niya ay nakayakap sa bewang ko at ang isa naman ay nakahawak sa leeg ko para mas ilapit ako sa kaniya at panaka-nakang sumasabunot sa buhok ko sa batok.


May interesanteng tunog siyang ginagawa habang hinahalikan ko siya at sa isang iglap lang tila ba wala nang ibang tao sa paligid namin.



















Author's Note:

Magpapa-miss sana ako today kaso nakita ko to sa twitter habang chinicheck ang second account ko kasi na-hack yung other acc ko so yeah yun yung dahilan kung bakit hindi ko nababasa mga dm niyo sa Twitter ko.

Pero yun na nga, habang nagchecheck ako sa twitter ng update sa VhoIce, nakita ko 'to:

Pero yun na nga, habang nagchecheck ako sa twitter ng update sa VhoIce, nakita ko 'to:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang naging mabisa ata yung panawagan niya HAHAHAHHAHA

Naaliw ako so ito na yung update

Kung sino ka man, you made my day HAHAHAHA

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon