CHAPTER FIFTY-SEVEN

165 18 6
                                    

Cris

Sa pang-apat na araw para bang nauubusan na ko ng idea kung anong pwede kong gawing surprise para kay Alex dahil lahat ng naiisip ko ay parang kakailanganin ng lakas.

Lakas na wala ako ngayon dala ng pagkabugbog ng katawan ko kahapon sa balyahang nangyari sa liga.

Hanggang ngayon masakit pa rin ang katawan ko dahil dun. Para bang nabugbog ako o dinaganan ng malaking bagay.

Napakarami ko ring natamong pasa dahil sa nangyari kahapon.

Parang napilay din ang balikat ko dahil sa pagbalya sa akin ng captain ng kalaban.

Parang gusto ko na lang manatiling nakahiga dito sa kama, katabi si Alex.

Napaganda nga namang magising sa umaga na katabi ang taong mahal ko.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang nakaunan siya sa braso ko.

Kahit ano pang bugbog ang naabot ko kahapon ay napakasaya ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na gawin ang isa sa mga bagay na paborito ko na kasama siya.

Mas malaking premnyo yun kaysa sa kung ano pamg medalya o cash na nakuha ko kahapon.

Yung makita ko lang siyang nagche-cheer para sa akin at ipinagsisigawan ang pangalan ko ay napakagandang premnyo na.

At wala ring tutumbas sa papremnyo niyang halik.

Naputol ang pag-alala ko sa nangyari kahapon nang gumalaw si Alex. Parang magigising na ito kaya naman inayos ko ang buhok niyang tumabon sa kaniyang mukha nang gumalaw siya.

"Good morning," malambing kong bati at nagnakaw ng halik sa kaniya.

Muntikan naman akong mahulog sa kama nang bigla niya akong sipain.

Buti na lang nakahawak agad ako sa headboard ng kama.

"Hoy hindi pa ko nag-toothbrush," saad niya at tinakpan ang kaniyang bibig.

"Humalik lang naman ako, bakit parang ikakamatay ko pa?" biro ko at umayos ng pwesto.

Sinigurado kong nakakapit pa rin ako sa headboard kahit papaano para kung masipa man ulit ako ay hindi ako malalaglag agad sa kama.

"Ang aga-aga kasi nagnanakaw ng halik," pagrereklamo mo niya kahit nakatakip pa rin ang mga kamay niya sa kaniyang bibig.

"Ang arte nito, ilang beses naman na kitang nahalikan. Sanay na ko sa amoy," muling saad ko na umani ulit ng isa pang sipa.

"Aray, masakit pa katawan ko," pag-inda ko at sinabayan ng pagpapaawa.

Agad ko namang nakita ang pag-aalala niya.

Dali-dali siyang bumangon at tinanggal ang kumot na nakatabon sa aming dalawa para tignan ang katawan ko.

"Saan masakit?" tanomg niya na puno ng pag-aalala.

Tinuro ko naman ang braso kong may pasa at ang balikat kong sa tingin ko ay may pilay na.

Mas lali siyang nag-alala ng makita niya ang mga pasa ko.

At napangiti naman ako nang ang bawat isa nito ay kaniyang hinalikan.

"Aray ko," muling inda ko

"Bakit? Saan masakit?" muling tanong niya at bakas pa rin ang concern niya sa akin.

"Dito," saad ko at itinuro ang labo kong nakanguso na.

"Puro ka talaga biro," ani niya at napadaing ako talaga nang sinabayan niya pa ng paghampas sa akin.

Kaya ako naman ang napabalikwas ng bangon dahil sa sakit.

"Sorry," sabi niya at niyakap ako.



















Babangon na sana ako at bababa para maghanda ng almusal namin pero pinagbawalan naman ako ni Alex kasi siya naman daw ngayon ang bahala sa akin. Dala na rin siguro ng naaawa siya sa kalagayan ko.

Akala ko naman kasi basketball lang ang laro namin kahapon. Bakit naman kasi parang may halong wrestling ang laro ng kalaban namin?

Nang tinawag na niya aki mula sa baba ay alam ko nang handa na ang almusal namin. Kaya naman bumangon na ako at dahan-dahang bumaba.

Pagbaba ko ay kita ko nakita ko na agad si Alex na busy sa paghahanda at paghahain ng almusal namin.

Napangiti na lang ako. Ganito siguro ang pakiramdam ng may misis.

At tulad ng pang walo sa aking listahan.

8. Be affectionate in your day-to-day life.

Dahan-dahan akong limapit sa kaniya at niyakap siya mula sa kaniyang likuran habang naghahanda siya ng aming pagkain.

"Ang sarap naman nyan," saad ko nang makita ang niluto niyang sinangag, itlog at tuyo.

"Anong meron at may pag-back hug ka, Navarro?" kunwaring pagsusungit niya.

Hinarap ko siya sa akin at nakita kong nakangiti siya.

Sa ilang beses ko siyang nakitang nakangiti, isa ito sa pinakamagandang ngiti niya.

Ngiting nagsasabing masaya talaga siya.

At napasaya rin ako ng mga ngiti na yun dahil ang ibig sabihin nito ay masaya siya sa piling ko.

Hinalikan ko siya sa noo at muling sinabi kung gaano ko siya kamahal.

May mga pagkakataon na hindi kailangan ng magarbong surpresa o engrandeng date para lang mapakita ko sa kaniya na mahal namin ang isa't isa.

Sapat na ang ganitong araw na babangon akong katabi siya, sapat na ang bawat yakap at halik at ang paulit-ulit na pagpapaalala kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

Sapat na ang kasiguraduhan na mahal namin ang isa't isa, hindi dahil lang kontrata.

Sapat na ang kasiguraduhan na mahal na mahal namin ang isa't isa
higit pa sa kahit anong kontrata.

At sa pag-iibigan na ito, wala nang makakakontra.























Author's Note:

Hi everyone! Thank you sa patuloy na pagbasa at pagsuporta sa story na 'to. Nakikita ko yung mga post niyo about this story at nakakataba ng puso (not literally HAHAHAHA)

Sobrang thank you!

Sana po patuloy pa rin ang pagsuporta niyo hanggang dulo.

And don't forget to vote and comment. Para ganahan akong mag ud HAHAHAHAH

Wuv u.

XOXO

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon