CHAPTER FIFTY-FOUR

162 17 9
                                    

Cris

Nang nasa sasakyan na kami nakasimangot pa rin siya. At nag-iiwas ng tingin sa akin.

Sa bawat stop light na aabutan kami ay sinusubukan kong kausapin siya o kaya naman ay magsimula ng usapan kaso kahit anong gawin ko para bang mas interesado pa siya sa ibang mga sasakyan sa kalsada kaysa sa tignan ako.

Muli na naman kaming huminto dahil sa traffic.

"Bakit malungkot ang beshie ko?" biro sa kaniya at binalik ang tingin sa daan.

"Kung batukan kaya kita?" masungit niyang saad at saglit na tumingin sa akin.

"Sorry na, ano ba kasing nagawa ko?" tanong ko naman

"Tignan mo, nagso-sorry ka hindi mo naman alam kung anong nagawa mo," ani niya at sinamaan ako ng tingin

Lilingunin ko sana siya kaso umandar na ang mga sasakyan sa harapan namin at ayoko namang maging dahilan ng traffic.

"Ano ba kasing kinakagalit mo? Si Diana ba?" malumanay kong tanong habang sa daan pa rin nakatingin.

Sinisilip ko siya sa rear mirror at dun ko nakita na mas nagagalit pa siya ngayon.

Kung may mas ilalala man ang kasungitan niya, tingin ko ito na ang pinakamataas na level.

"Ayan, alam na alam yung pangalan ng babae." inis na saad niya at pinagkrus na nga ang mga braso niya.

Napapalunok na lang ako ng di oras. Nakakatakot din minsan kung magalit 'to.

"Sikat kasi siyang model kaya alam ko tsaka crush nila kuys Jhong yun," pagpapaliwanag ko na akala ko naman ay magpapakalma na sa kaniya.

Kasi totoo naman na kaya ko lang kilala si Diana dahil sikat siyang model at pinapakita sa akin nila kuys Jhong ang pictures niya.

"Mas sikat akong model. Supermodel nga diba?!" ngayon naman humarap na siya sa akin dala siguro ng galit.

"Tapos crush pa nila yun? So, crush mo din siya?" galit na tanong niya.

Nakarating na kami sa coffee shop at naka-park na ang kotse ko pero nandito pa rin kami sa loob dahil ayokong lumabas nang hindi kami nagkakaayos.

Ito ang pang-apat sa listahan ko para maging perfect boyfriend ni Alex.

4. Stop trying to win arguments.

Sa ganitong sitwasyon hindi ko na dapat asamin pang manalo sa diskusyon namin. Dahil kung ang gusto ko lang ay manalo sa argumentong 'to, ako na ang talo.

Dahil dapat kong iparamdam sa kaniya na sa bawat argumento namin ay parehas naming mararamdaman na naiintindihan namin ang isa't isa at parehas na mahalaga ang sinasabi at nararamdaman namin.

"Nagseselos ka?" tanong ko dahil hindi ko na dapat pang ipagtanggol ang sarili ko sa bagay na hindi ko naman ginawa.

Hindi ko gusto o crush si Diana kaya ano pang dapat kong ipaglaban dun? Kaya imbes na ipagtanggol ko ang argumentong yun ay sinusubukan kong iparamdam sa kaniya na hindi niya kailangang magalit o magselos sa iba.

Pero ngayon na magkaharap na kami ay kitang-kita ko na rin na nagseselos siya kay Diana.

"Nagseselos ka nga," natatawang saad ko at piningot naman niya ako

Pero hinayaan ko lang siya at hinawakan ang kamay niya.

"Ang cute mong magselos," ani ko at kinuha na ang kamay niya para ilayo sa tenga ko.

Hinawakan ko ang mga kamay niya, at tinignan ang kaniyang mga mata.

"Paanong di magseselos eh nilalandi ka niya sa harapan ko mismo," saad niya at nag-iwas muli ng tingin.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon