CHAPTER TWENTY SEVEN

215 28 8
                                    

Cris

Umagang- umaga pa lang pero dama ko na ang tensyon na namamagitan sa buong mansyon.

Iniwasan ko munang lumabas ng kwarto dahil ayokong maging dahilan ng pagsama ng araw ni Alex.

Ayoko rin namang idamay ang mga bata sa tensyong namamagitan sa aming tatlo nila Sandra.





Lumabas lang ako ng kwarto nang masiguro kong nakapasok na sa eskwela ang mga bata at wala na sa bahay ang mga magulang nila Alex.


"Good morning," bati sa akin ni Sandra nang magkita kami sa kusina.

Binati ko rin siya at marahang humalik sa kaniyang mga labi.

"Nakatulog ka ba?" tanong ko nang mapansin ang tila mugto niyang mga mata.

"Anong sabi ni kuya? Galit ba siya? Pinapaalis ka na ba niya? Tinanggal ka ba niya sa trabaho? Galit ba siya sayo? Paghihiwalayin niya ba tayo?" sunod- sunod niyang mga tanong at dama ko ang takot niya sa maaari kong isagot.

"Wag kang mag- alala, ayos lang ang lahat," muli kong hinalikan ang mga labi niya para pakalmahin siya.

Ganito pala yung pakiramdam na panakaw siyang halikan. Para bang natatakot kaming mahuli ng kahit na sino dahil kasalanan ang maglapit kami.

"May meeting ako today para sa program na binubuo ko, baka late na ko makauwi." may date sana kami mamaya pero dahil mukhang busy siya, hindi na naman ito matutuloy.

"Gaano ba katagal yung meeting na yan?" dismayado kong tanong

"Hindi ako sigurado. Pero malamang matatagalan ako sa meeting na yun tapos kakausapin ko pa yung mga potential sponsors para sa organization. Pero don't worry Cupid, after kong maayos ang lahat magda-date tayo promise," nakangit niyang saad at niyakap ako nang mahigpit.





Sabay kaming nag-almusal habang pinag-uusapan ang plano niya para sa binubuong program ng organization niya na tutulong sa mga batang lansangan.

Matapos naming mag-almusal ay agad na rin siyang umalis para sa meeting niya.




"Alex," bago pa man ako makabalik sa kwarto ko ay nakita kong papaalis pa lang ng bahay si Alex.

Dali-dali akong naglakad papalapit sa kaniya.

Ayokong sa ganito lang mauwi ang lahat ng pinagsamahan namin.

"Alex pag-usapan naman natin 'to." saad ko.

Bakas sa boses ko ang tono ng pagmamakaawa.

Hindi naman ako desperadong tao pero bakit pag dating kay Alex, nagkakaganito ako?



Pero kahit ano pang tono ang gamitin ko para bang hindi niya ako naririnig.

"Uy Sungit, mag-usap naman tayo," muli kong saad at hinawakan ang kamay niya.

Alam kong hindi ko dapat siya tinawag na "sungit" na para bang walang nangyari kagabi.

Pero hindi ko na alam kung paano makukuha ang atensyon niya.

Tinignan niya sandali ang kamay kong nakahawak sa kaniya at muling inangat ang tingin sa akin.


"Samahan ko mamaya sa party ni Karylle, hindi mo na kailangan mag-explain. Mag kunwari na lang tayo na walang nangyari kagabi." saad niya at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kaniya.

"Ihatid na kita," saad ko, nagbabakasaling matanggal ang napaka awkward naming sitwasyon.

Sinubukan kong kunin ang mga gamit na dala-dala niya dahil mukhang mabigat ito pero agad naman niya itong hinila mula sa akin.

"Gawin mo na lang ang trabaho mo," saad niya at muli nang naglakad paalis.

Huminto siya bago pa man niya buksan ang pinto.

Akala ko nagbago ang isip niya.

Akala ko papayag na siyang ihatid ko siya.

Pero hindi.

"Mamaya pa kita kailangan na magpanggap na boyfriend ko, hindi mo kailangan magpanggap ngayon na may pakealam ka sa akin." saad niya bago ako tuluyang iwan habang iniisip kung ano bang nagawa ko at bakit kami humantong sa ganito.
















Author's Note:

Hi! Hingang malalim, wag ma-highblood. Inuulit ko para to sa plot kaya chill lang HAHAHAH

Thank you again sa votes, comments and pag-follow niyo. Stay safe and hydrated guys wuv u!








You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon