Prologue

2.7K 51 1
                                    

Dati, napaniwala na ko ni Kupido na lahat tayo ay may nakalaang tao para mahalin tayo at para mahalin natin. Kaya naghintay ako, naghintay nang naghintay, naghintay hanggang sa dumating na yung para sa akin.

She's my everything. She's my world, sabi nga ni Miss Universe Pia Wurtzbach: the Universe rather.

Okay naman ang lahat maliban na nga lang sa katotohanang isang malaking sikreto lang ang relasyong namin.

Ipinagpalit niya kung anong meron kami para sa iba.

Yun na ang panahong sumuko na ko sa paghihintay at sa pag-ibig. Hindi pala lahat ng hinintay, siya na ang panghabang- buhay.

Until I met someon---

"Hoy Antipatiko! Papasok ka ba o papasok?!" natigil ako sa pagsusulat sa journal ko dahil sa kanya.

Siya yun, siya yung dahilan kung bakit maraming nagbago sa buhay ko.

Tinitignan ko palang siya, naaalala ko na lahat ng masasayang pinagsamahan namin.

"Bahala ka na nga! Sasaraduhan na lang kita!" natawa na lang ako sa kanya hanggang ngayon mainitin pa rin ang ulo niya.

Pero mukhang hindi talaga siya nagbibiro, isasara niya na yung glass door ng garden.

Anak ng tokwa! Ayokong maiwan dito sa garden!

"My Loves hintayin mo naman ako!" patakbo akong pumunta sa kanya, dala-dala ang journal ko.

Nang makarating na ko sa tapat niya, ipinakita ko na ang pamatay kong smirk.

Nakutusan tuloy ako.

Kahit kailan talaga in love na in love siya sa ngisi ko pa lang.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?" masungit niyang tanong

"Ang sungit-sungit mo na naman kasi."nakangisi kong kinurot ang leeg niya at pagkatapos ay maluha-luhang tumawa

"Aray! Lagi mo na lang akong ginaganyan." tinalikuran niya ako at naglakad na palayo

Ito na naman tayo!

"Sorry na, bati na tayo."niyakap ko siya mula sa kanyang likuran

Ito ang best part 'pag nagtatampuhan kami, yung lambingan portion.

Humarap siya sa akin at sinabi ang,

"You're Mine."

Dalawang salita. Dalawang salita na nagpapaalala ng isang libong alaala at katumbas ng Mahal kita.

"You're Mine."

Ang simula ng lahat at  sana ito rin ang katapusan.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon