CHAPTER FIFTY-EIGHT

384 22 18
                                    

Cris

Halos buong araw na akong nagpapahinga. Pinagbabawalan rin kasi ako ni Alex na gumalaw-galaw.

At pag sinabi kong gumalaw-galaw, as in gumalaw-galaw.




Tatayo na sana ako para kumuha ng tubig nang bigla niya kong hinila pabalik sa kama.

"Saan ka ba pupunta? Sabi naman sayong magpahinga ka na muna." saad niya at dinantayan ako para hindi ako makabangon ulit.

"Kukuha lang sana ako ng tubig," sagot ko naman at wala na siyang sinabi. Bumangon na siya agad at kumuha ng tubig sa ref niya sa kwartong to.

Babangon sana ulit ako para kumuha ng baso pero hinarangan na naman niya ako.

"Saan ka na naman pupunta?" iritang tanong niya

"Kukuha sana ng baso," sagot ko naman at napakamot na lang sa ulo.

Ang hirap namang gumalaw lalo na kung bantay-sarado niya.

"Dito ka lang muna," ani niya at siya na ang kumuha ng baso para sa akin.

"Thank you," saad ko nang inabot niya sa akin ang baso.

Hindi ko na sinubukan pang tumayo para ibalik ang tubig at baso dahil alam ko namang pagbabawalan niya lang ulit ako. Kaya naman nilagay ko na lang to sa mesa sa tabi ng kama niya.

Nang matapos ako ay bumalik na kami sa dating posisyon namin, kung saan nakahiga kami sa kama niya at nakadantay siya sa akin habang nanonood kami ng movie.

"Anong gusto mong gawin ngayon?" tanong ko.

Naninibago kasi ako na nakahiga lang kami ngayon sa kama at walang ginagawa.

Nasanay kasi ako na lagi kaming umaalis o may ginagawa.

"Ayos na sa akin na ganito lang tayo, chill lang," sagot niya at yumakap sa akin.

Nagpatuloy lang kami sa panonood ng movie hanggang sa nakatapos na kami ng dalawang pelikula.

Ang unang pelikula ang bagong action movie ni Jackie Chan at ang pangalawa naman ay ang 'The Hows of Us' ng KathNiel.

Ngayon nga ay basa na ang aking damit sa ilang parte nito dahil sa mga luha ni Alex. Grabe din kasi ang pag-iyak niya dahil sa pelikula na yun.

"Ipangako mo sa akin na hindi ka magsasawang mahalin ako, kahit umabot sa puntong mahirap na kong intindihin," saad niya sa pagitan ng kaniyang paghikbi.

"Pangakong hinding-hindi ako magsasawang mahalin ka kahit umabot sa puntong hindi na kita maintindihan. Pipilitin kong intindihin ka." pangako ko at pinunasan ang mga luha niya.

Hinalikan ko ang kaniyang noo at pinatahan siya.

"Kahit anong pagdadaan natin?" tanong niya pa.

"Pangako. Kahit ano pang pagdadaanan natin hinding-hindi na kita iiwan." sagot ko naman at niyakap siya.

Matapos ang pelikula na yun ay nagpatuloy lang kami sa pagkwekwentuhan tungkol sa nangyari sa dalawang bida sa pelikula.

"Anong pipiliin mo love mo para sa passion mo or love mo para sa taong mahal mo?" tanong niya at tinignan akong maigi.

Napalunok na lang ako sa tingin niya.

Yan yung tingin na sinusukat kung magkakamali ako ng sagot sa kaniya.

"Love ko para sa tanong mahal ko." walang pag-aalinlangang sagot ko habang tinititigan niya pa rin ako na para bang hinahanap kung saan banda ako nagsinungaling sa sinabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon