046

392 16 0
                                    

Pagkatapos nang party ay nag-aya si Neon na mag bonfire sa beach at mag inom kasama kaming magkakaibigan, dahil maaga ang alis nila papunta sa Maldives para sa honeymoon vacation nilang dalawa ni Anjela.

Pero bago kami mag party mag kakaibigan ay nag palit muna kami ng mga damit, dahil kanina pa namin ito suot.

Nagsuot lang ako ng maong na shorts at white na croptop at nagpalit na rin ako ng tsinelas.

"Naks! Misis na siya haha" Nakatawang sabi ni Lei kay Anjela.

"Ikaw Lei, anong soon to be ka?" Mapangasar na sabi ni Cedric sakanya.

"Soon to be Mrs. Domingo po." Nakatawang sabi ni Lei sakanya.

"Gago ka." Sabi ni Cedric sakanya.

Nakaupo kaming lahat sa nakalatag na mat, katabi ko si Neon at Lianna sa tapat ko naman ay sila Nate.

Nagpalit din siya ng suot, halos lahat naman kami ay nagpalit. Dumating din si Nica kasama si Jaiden, kasunod nilang dumating si Aleckza.

"Bigyan niyo kami agad ng little Anjela at Neon ah haha." Pagbibiro ni Mark.

"Sige ba, gusto mo basketball team at cheerleader team pa haha." Pagbibiro ni Neon.

"Hey Honey!" Sabi ni Anjela sakanya sabay hampas sa braso niya.

"Yung babe naging honey ah." Natawa kong sabi.

"Ganon talaga pag mag asawa nag u-upgrade ng callsign." Nakatawang sabi ni Neon sa akin.

"Laruin natin ulit yung truth or dare," Singit ni Cedric.

"Oo nga! tagal na yung huli natin nilaro 'yon." Dagdag ni Lianna.

"Doon pa nga nag kaaminan ng feelings eh haha," Natawang sabi ni Ally sabay tingin sa mga nag ka-aminan noon syempre kasama kami ni Nate don.

Nilapag ni Cedric yung bote na walang laman sa gitna at sinimulan na niyang paikutin 'yon.

"Bakit ako?!" Nagtatakang tanong ni Cedric, sakanya kasi tumigil yung pina-ikot niyang bote.

"Truth or Dare haha!" Tanong ni Lei sakanya.

"Truth na agad," Mabilis na sagot ni Cedric.

"Sige, anong gusto mong aminin sa amin?" Tanong ni Lei sakanya, agad naman napalunok si Cedric sa pinapagawa sakanya ni Lei.

"Bisexual ako." Simpleng sagot ni Cedric, pero halos lahat kami napa tingin sakanya pati si Nate.

"Umamin din siya." Sabi ni Alex na nasa tabi niya.

"Cedric? bakit hindi mo agad sinabi sa amin ha?" Sabi ni Ally na nasa tabi niya.

"Actually alam na ni Lei, Alex at Simon 'yon haha." Kinakabahang sabi ni Cedric.

"Oo, college palang tayo Bisex na si Cedric." Sabi ni Lei kay Ally.

"Kaya pala lagi kayong magkasama ni Kane ah," Natatawang sabi ni Nate sakanya.

Sino yung Kane?

"Teka si Kane?!" Gulat na sabi ni Neon. "Yung kaklase natin nung elementary?" Dagdag niya.

"Oo." Sagot ni Nate.

Hindi kami makarelate sakanilang mga elementary squad.

PinaNikot ulit ni Lei yung bote pagkatapos nilang mag usap tungkol kay Cedric at dun sa Kane na lagi daw kasama ni Ced.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang sa akin tumigil ang bote, naka tingin din si Nate sa akin.

"Truth or Dare?" Tanong nila Ally sa akin.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon