041

333 16 5
                                    

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Sandra pag labas niya ng banyo.

Napansin kasi niyang nakabihis ako pang alis.

"Pupunta ako sa amin." Pagkakaila ko.

Pero ang totoo ay magkikita kami ni Ally, tulad nga nang sabi ni Ally ako lang dapat ang makakaalam na magkikita kami hindi ko din sinabi kay Nate at baka kasi may plano si Ally at masira ko pa yun kung sasabihin ko sakanya.

"Hindi kayo sabay ni Dave?" Sunod niyang tanong.

"Hindi na," Sabi ko sabay tingin sa phone ko.

"Ah, sige." Sabi ni Sandra bago pumasok sa kwarto.

Lasing na lasing kasi si Dave kagabi kaya dito na lang siya natulog, nahirapan pa nga kami alalayan siyang dalhin dito sa unit. Mabuti nalang at hindi na puruhan si Sandra kaya na asikaso pa niya pa si Dave kagabi,  muntik pa nga niya masukahan si Nate habang hinihiga siya sa kama nito.

Notification🔔

@Allyana.Snchz: I'm here na, zel hehe.

pagka message ni Ally sa akin, ay agad akong umalis dahil nagaantay siya sa akin sa baba.

"Hello, Archibaby. Charot." Pabirong bati ni Ally pagkapasok ko sa sasakyan niya.

"Saan nga pala tayo pupunta? tapos ano pala sasabihin mo?" sunod sunod kong tanong dahil kagabi ko pa iniisip 'yon.

"Actually sila Tita Michelle at Tito Arnold ang may sasabihin sa'yo, Reizel." Biglang napawi ang ngiti ni Ally nang sabihin niya sa akin 'yon. "Sa Hospital tayo pupunta ngayon." Dagdag niya.

Pagkatapos sagutin ni Ally ang mga tanong ko ay nabalot na kami ng katahimikan hanggang sa makarating kami sa hospital nila Nate.

"Goodmorning Ms. Allyana." Bati nung security guard sa hospital nila Nate at sabay ngiti sa akin.

"Goodmorning po." Nakangiting bati ni Ally sakanya bago pumasok sa loob.

"Excuse me? sila Doctor Arnold?" Tanong ni Ally sa nurse na nasa frontdesk.

"Nasa office po, Ma'am." Nakangiting sagot nung nurse.

Mukhang pinag bilinan na siya na pupunta kami ni Ally.

"Thanks." Sabi ni Ally sabay ngiti dun sa nurse.

Agad kong sinundan si Ally papunta don sa elevator sakto kakabukas lang nung elevator kaya naman nakasakay kami agad.

Pag karating namin sa floor kung nasa'n yung office ng parents ni Nate, ay biglang tumaas ang balahibo ko dahil sa sobrang tahimik nung paligid habang naglalakad kami sa hallway papunta sa office nila.

Siguro office 'to nung mga doctor na naka duty, ang kwento kasi ni Nate sa akin may mga kama daw ang office dito para sa mga naka duty na doctor kaya minsan hindi umuuwi yung parents niya.

"Teka Zel ah." Sabi ni Ally pagkarating namin sa harap ng office ni Tito.

May ginawa ba siyang kasalanan? at kabado siya. Kaya tuloy bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Huminga siya ng malamin, bago kumatok at buksan ang pinto.

"Oh, andito na sila." Narinig kong sabi nung Mama ni Nate na si Tita Michelle bago kami pumasok ni Ally sa loob.

Bumeso kami ni Ally sakanila agad pagkapasok, bago kami umupo don sa mini sala nung office ni Tito, may nakahanda na inumin sa table paglapit namin.

"Uhm.." Sabi ni Ally habang nakaupo kami. "Lalabas po muna ako."

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon