023

277 17 0
                                    

"Saan ka nagaaral, Ally?" Tanong ni Mariz.

"Ateneo." Nakangiting sagot ni Ally sabay lingon kay Mariz na nasa likod.

"Rich kid." Singit ni Cedric, agad naman siyang binelatan ni Ally.

"Anong course mo?" Sunod na tanong ni Mariz.

"Legal Management." Simple niyang sagot.

"Ang professional naman ng mga course na kinuha ng mga bestfriend mo, Neon." Pagbibiro ni Dave.

"Diba Alumni ka sa UST, Ally?" Nagaalangang tanong ni Aleckza.

"Yeah, dun kami nag high school and senior high nila Nate."

So sila Ally pala yung mga kasama ni Nate mag aral sa UST grabe ang yayaman nila. 

Sana Lahat.

Halos natahimik kaming lahat sa isang oras na biyahe papunta dun sa kakainan namin na on the way sa resort nila Mark.

Sakto pagkagising ko nandun na kami sa kakainan namin na tapsilogan.

"Damihan niyo na kain niyo haha." Pagbibiro ni Mark pagkababa namin sa van.

"Yeah. Mahigit 2-3hrs pa biyahe natin." Dagdag ni Nate.

Pumwesto kami sa isang mahabang table para sama-sama kaming lahat, katabi ko si Nate at Neon, samantalang katabi naman ni Nate si Ally.

"Anong order niyo?" Tanong ni Lei sa'ming lahat.

"I'll pay for it." Singit ni Nate agad naman akong napatingin sakanya.

"seryoso ka?" Gulat kong sabi.

"Yeah. Gusto mo ba ikaw mag bayad, Catelyn?" Mapangasar niya sabi sabay kindat sa'kin.

"#Richkid!" Pagpaparinig nila Cedric at Ally.

Nagorder kaming lahat ng bestseller nilang tapsilog at yung sikat daw na Lomi nila.

"Sino yung tumatawag sayo kanina?" Narinig kong tanong ni Nate kay Ally.

"Si Zayden." Sagot niya

"Naks. Miss kana ng kapitcondo mo, Ally." Mapangasar na sabi ni Nate sakanya.

"Zammy!" Pikon na sabi ni Ally sakanya, sabay hampas sakanya.

Nakakatawa pala mag asaran itong magpinsan na 'to.

"Tissue?" Biglang alok ni Nate sa akin.

"Huh?" Tanong ko.

"May dumi ka sa mukha, Reizel"

Agad kong kinuha ang tissue na binigay niya at pinunasan ang parte na may dumi.

"Sarap ba kumain?" Pagbibiro niya bago uminom ng tubig.

Ayos pagkatapos asarin pinsan niya ako naman isusunod pasalamat siya crush ko siya. Nako.

"Ano first impression mo dito kay Ally?"  Tanong ni Nate sa'kin sabay turo sa pinsan niya na nasa tabi niya.

"Luh! ako ginagawa mong first move, Cuz." Natatawang sabi ni Ally sakanya.

"Masaya kasama." Sagot ko sabay ngiti sakanilang dalawa.

"Hala, thank you, Reizel." Sabi niya sa akin.

"Manahimik ka, gusto mo tumabi sa ex mo?" Ganting sabi ni Nate sa pinsan niya.

Agad naman siyang inirapan ni Ally.

May ex dito si Ally? sino dito.

"Gusto mong malaman sino ex ni Ally?" Bulong ni Nate sa'kin siguro napansin niya na nagiisip ako tungkol don.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon