010

348 20 0
                                    

"Reizel, anong bagay na bag sa suot ko?"Sigaw na tanong ni Sandra na nasa kwarto.

"Ano ba 'yan patingin nga ako." Sagot ko habang naglalakad ako papunta sa kwarto niya.

Pagpasok ko sa kwarto niya ay nadatnan ko ang magulong kwarto ni Sandra, nakalat lahat ng bag niya, accessories at gulo-gulo din ang makeup niyang nasa study table.

"Anak ng-, ang kalat ng kwarto mo bhie!" Sabi ko sabay turo sa mga nakakalat niyang gamit.

"Hayaan mo na 'yan, lilinisin ko nalang pagkatapos kong mag ayos." Sagot niya sa'kin habang nakapamewang.

"Oh,na saan na yung bag?" Tanong ko sakanya.

"Ah, ito oh ano bagay sa suot ko?" Tanong niya sa'kin, sabay dampot sa tatlong bag na nakapatong sa kama niya.

"That one, yung gold bagay sa damit mo." Sagot ko sabay turo don sa bag na hawak niya.

Bagay kasi ang gold sling bag sa emerald one shoulder longline dress na suot niya ngayon.

"Ah sabi na eh." Natawang sabi ni Sandra habang nililigpit ang mga nakakalat na bag.

"Mag kulot ka nalang ng buhok Sandra." Sabi ko sakanya habang tinitignan ang buhok niyang pinapatuyo.

"Sige, patuyuin ko lang buhok ko." Sagot niya habang inaayos pa din ang mga nakakalat na gamit niya.

Bumalik na muna ako sa kwarto ko para i-pagpatuloy ang pag aayos ko, nagpabango na din ako atsaka sinuot ang silver heels ko.

Nakita ko din si Sandra na nakaupo sa sala at nagsusuot na ng earings niya, nang may biglang  kumatok sa pinto kaya agad ko din 'yon binuksan at bumungad sa akin sila Mariz, Mark at Dave. Sila kasi ang kasabay uli namin pumunta doon.

"Tapos na ba kayo magpaganda?" Pangaasar ni Dave sa'min.

"Oo tapos na, may problema ka ba sa'min Dave?" Nakataas na kilay na tanong ni Sandra na nakaupo pa din sa sala.

"Baka pwede mo kami papasukin Reizel? hahahaha." Singit ni Mariz.

Agad umupo si Dave sa tabi ni Sandra, samantalang tahimik na sumandal si Mark sa gilid at naka cross arm, nakatayo naman sa tabi ko si Mariz.

"Maya-maya tayo umalis sabi ni Neon mamayang 9pm pa yung party 6:30 palang eh,"  Seryosong sabi ni Mark na nakasandal pa din sa gilid at agad akong tumango sa sinabi niya.

"Ano problema ko?" Narinig kong tanong ni Dave kay Sandra na may hinahalungkat sa bag niya.

"Oo, bat galit ka?!" Inis na sagot ni Sandra kay Dave.

Anong meron sa dalawang 'to?

"Kay Reizel wala akong problema, pero sayo Cassandra Sarmiento meron... Alam mo kung ano?" Sabi ni Dave habang tinititigan ang ayos ni Sandra.

"Ano?! " Nanghahamong sabi ni Sandra.

"Teka awatin natin 'to oh." Natatawang singit ni Mariz.

"Hayaan mo nga sila Mariz." Sabi ni Mark na napailing kay Mariz, tinawanan nalang siya ni Mariz.

"Ang problema kasi ang ganda mo Sandra." Sabi ni Dave kay Sandra sabay kindat sakanya.

Babanat lang naman pala ang pinsan ko.

"Salamat." Sagot ni Sandra and gave him a small smile.

"Hoy true! ganda niyo ni Reizel ah." Dagdag ni Mariz.

"I agree, I think makakahanap sila ng match mamaya sa party ni Nica I heard maraming anak ng business man dun haha." Singit ni Mark.

"Excuse me? Markus anong sila huh?!" Inis na sabi ni Dave kay Markus at tinaasan ng kilay si Mark.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon