029

282 14 1
                                    

"Kukuha muna ako ng damit sa kwarto namin." Sabi ni Nate.

Doon kasi siya magbabanlaw sa kwarto namin ni Ally.

"Kay Reizel ka lang ata nagpapaalam, Cuz" Pagbibiro ni Ally sakanya.

'Sandra'

Habang naglalakad kami nila Nate papunta sa room nila ay biglang tumawag si Sandra.

"Hello, Sandra."

"Zel, kamusta kayong tatlo diyan?"

"Okay lang kami kaka swimming lang namin e." Sagot ko.

"Pansin ko nga, kamusta kayo ng jowa mo?" Pagbibiro ni Sandra, narinig ko ang tawanan nila.

"Ewan ko sayo Sandra, e kayo?"

"Kami may label kayo wala haha" Pangaasar ni Sandra mas lalong lumakas ang tawanan nila.

"Sira, ang ibig kong sabihin kamusta kayo sa gala niyo." Natatawa kong sabi, pero deep inside pikon na ako.

"Ah yun ba? nandito pa kami sa lemery castle medyo maraming tao."

"Tapos baka malate na kami ng uwi may papasyalan pa daw kami nag aya kasi 'tong sila Mark haha," Dagdag niya.

"okay, enjoy"

"Sana pagbalik namin diyan mamaya kayo na ni Nate ah." Pahabol ni Sandra.

"Tangina ka with care, sige na ingat kayo." Sabi ko bago ibaba ang call.

"Baka gabihin na daw sila ng uwi, may pupuntahan pa daw sila e." Sabi ko kay Ally pagkababa ko ng call.

Hinihintay namin si Nate sa harap ng kwarto nila.

"Sabi na nga ba e, good thing hindi ako sumama tinatamad pa naman ako maggala.." Nakangiting sabi ni Ally sa akin, bago lumabas si Nate sa kwarto nila.

"Bakit?" Tanong ni Nate sa amin.

"Sabi kase ni Sandra baka late na daw sila makauwi mukhang marami pa silang pupuntahan." Sagot ko sakanya at nginitian siya.

He gave me a small nod bago kami maglakad papunta sa kwarto namin.

Pinauna na namin si Nate magbanlaw, kasunod ako ni Nate at panghuli si Ally matagal daw kasi siyang maligo kaya kami na ang pinauna niya.

"Oh, anong plano nating tatlo?" Nakatawang tanong ni Ally nakatayo habang nakapamewang.

"Netflix and chill?"Sabi ni Nate na nakaupo sa kama ko.

"Oo pwede din, may dalawang bagong horror movies diyan" Dagdag ko.

Kinuha ni Ally ang remote sabay higa sa kama niya bago buksan ang TV.

"Reizel, ikaw na maghanap nung horror." Sabi ni Ally sa akin sabay bigay nung remote.

Kinuha ko yun at nagsimula nang mag search. Si Nate naman pumwesto na sa tabi ko at nag kumot nilalamig na ata siya, ako naman naka sandal sa headboard ng kama.

"Gusto niyo?" Tanong ni Ally sa amin sabay pakita ng mga chips niya na nakalagay sa maliit niyang bag.

Para siyang elementary student na nag s-share ng baon niya na nasa lunchbox haha.

"Pahingi ako nung tempura, Ally." Sabi ko sakanya agad din naman niya akong inabutan at may kasama pa na juice, binigyan niya din si Nate ng chips kagaya nung akin.

"Ayy shet!" Nagulat na sabi ni Ally sa pinapanood namin, tinawanan namin siya ni Nate dahil sa reaction niya.

"Takot ka Ally?" Natatawa kong sabi sakanya.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon