024

279 16 0
                                    

"Naging boyfriend ko si Neon for 2 years. Kaso nag hiwalay din kami dahil nag bukas ng pintuan ang showbiz sa akin, kaya ayun nawalan ako ng time sakanya." Pag kwento niya sa akin habang nilalaro niya ang kamay niya.

"kailan naging kayo?" Medyo curious ako kasi first year high school niya nakilala si Anjela e.

"Grade 6-7"

"E? So nag cheat si Neon sayo?"

Grade 7 siya nanligaw kay Anjela e.

"No hahahaha, mag kaibigan nalang kami no'n and sinabi niya sa akin yung about kay Anjela and I understand naman kasi Anjela was always there for him, e ako busy sa showbiz thing at the same time school stuff."

Grabe napaka understanding naman pala nila ni Ally bilang lang yung katulad nilang kinakaya na palayain yung taong mahal niya kahit ayaw niya. 

Pero to be honest bagay sila ni Neon kaso di nga lang talaga nag work.

"Right person, wrong time." Sabi ko.

"Ganon na nga but masaya naman ako sakanilang dalawa ni Anjela and nakakabonding ko sila without any awkwardness."

"Sorry pinaalala ko yung about don."

"Hey, that's okay tagal na din no'n, pero bilang lang nakakaalam tungkol don."

Pagkatapos namin mag kwentuhan ni Ally ay agad kaming nag pahinga, mamaya pa kasi kaming hapon mag swimming sa beach yun kasi ang naging usapan ng lahat.

"Reizel, ako nalang magbibihis dito, Ikaw na sa CR." Sabi ni Ally sa'kin nang kunin ko ang swimsuit ko.

"Huh? hala sigurado ka? "Nahihiya kong sabi sakanya.

"Oo,ano kaba." Natatawa niyang sabi.

Agad din akong pumasok sa CR para mag palit, sinuot ko ang binili kong swimsuit na sabi ni Sandra ay bagay sa akin balak ko sana suotin ang rash guard na dala ko kaso sayang naman yung binili ko kung hind ko susuotin kaya pagkatapos kong magbihis ay nag lagay ako ng sunblock at nag ipit na din ako ng buhok ko para hindi gulo gulo pag naligo ako mamaya.

Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko si Ally na nakaupo sa kama at may kausap sa phone.

Nakasuot siya ng black two piece swimsuit, naka bun yung buhok niya. Model na model talaga ang datingan niya at nakapatong din sa balikat niya ang kimono style niyang cover up.

"Huhu sorry na po hindi ko naman alam na ngayon ang dating niyan." Narinig kong sabi ni Ally sa kausap niya sa phone.

"I'll pay you back nalang pagkabalik ko, Zayden." Dagdag niya, bago ibaba ang call.

"Are you done, Rei?" Tanong niya sa'kin nang mapansin niya ako.

"Ah oo, may problema ba?"

"Oh nothing, a friend of mine." Sagot niya sabay ngiti sa'kin.

"Picture muna tayo, Reizel." Sabi niya bago tumayo.

"Sige liptint lang ako, Ally." Sabi ko.

"1..2..3. Isa pa, 1..2..3"

"Let's go?" Sabi niya pagkatapos naming mag picture.

"Ayun na pala sila oh!" Sabi ko nang makalabas kami ng kwarto, nakita ko kasi sila Lei na nagkwentuhan sa tabing dagat. Pero wala sila Nate at Neon.

"Hoi teh!" Sigaw ni Alex na naglalakad papunta sa'min.

Nakasuot siya ng cover up sa loob naman ay one piece na color blue at naka shades.

"Bakit ano problema mo?!" Sigaw ni Ally sakanya.

"Picturan mo'ko don oh! dala mo yung camera mo diba?" Natawa niyang sabi kay Ally habang palapit siya sa'min.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon